Chapter 2

2038 Words
Mapple's Pov TUMALIKOD ako ng makita kong lumingon sa gawi namin ang lalaking nakakuha ng virginity ko. Hindi ko alam kung papasok ba kami sa school o hindi. Iniisip ko na baka mamukaan ako ng lalaki, pero naisip ko din na baka nakalimutan na niya ako. Sino ba naman ako para alalahanin ng gwapong lalaki na higit sa lahat ay mayaman. Baka nga marami na siyang nakatalik na babae kaya hindi malabong nakalimutan na niya ako. Hindi naman ako artista para alalahanin. "Ate.. yung may-ari ng magandang kotse.. ang ganda ng girlfriend niya," saad ni Maureen kaya natulos ako. Hindi parin ako lumingon kaya hinila ni Maureen ang kamay ko. "Ate.. anong nangyari sa'yo? Bakit ka nakatalikod?" Takang tanong ng kapatid ko. "Ahh eh kasi.." sagot ko na hindi alam ang isasagot. Kinusot ko ang isa kong mata para magkunwaring napuwing ako. "Kasi napuwing ang isa kong mata." Pagsisinungaling ko. "Ahh.. akala ko kung ano nangyari sa'yo, ate." Sagot ng kapatid ko. Hindi ko mapigilang hindi lumingon sa gawi ng lalaki habang kinukusot ko parin ang isa kong mata. Nakita ko ang siyang may kausap na babae, halatang mayaman 'to dahil sa suot pa lang niya, mukha din siyang model dahil sa ganda ng katawan at tindig. "Ang ganda niya ate diba?" Tanong sa 'kin ni Maureen. "O-o ang ganda nga. Bagay sila," sagot ko na lamang saka nag iwas ng tingin. Tinakpan ko ang mukha ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Maureen para tumawid. Hindi naman kasi ako mahahalata ng lalaki lalo na't busy siya sa pakikipag usap sa girlfriend niya. Dali-dali ang ginawa kong hakbang habang hawak parin ang kamay ni Maureen. "Ate.. ang bilis mo naman po maglakad." Maktol na sabi ng kapatid ko. "Eh kasi nga ihahatid pa kita sa room mo. Kaya bilisan mo maglakad." Sagot ko. Nakapasok kami sa gate kaya nakahinga ako ng maluwag. Binagalan ko na ang paglalakad ko. Malapit na kami sa classroom ng kapatid ko kaya binitawan ko na ang kamay niya. "Pasok ka na. Makinig ka sa teacher mo ha!'' Bilin ko sakanya. "Opo, ate. Ikaw din makinig ka," sagot niya kaya inirapan ko saka ko ginulo ang buhok niya at tumalikod na. Naglakad ako papunta sa classroom ko. Medyo malayo yun kaysa sa room nila Maureen. Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko ang gwapong lalaki kanina. Mas lalo siyang gumwapo kahit 30 years old na siya, hindi halata sa itsura niya. Ang ganda din ng girlfriend niya, halatang successful sa buhay. Tama lang talaga na hindi kami nagkita ulit kanina. Medyo nalungkot ako, hindi naman ako nag e-expect na makikita ko siya ulit pero kumirot lang yung heart ko slight lang naman ng malaman kong may girlfriend na siya. Pero dahil bagay naman sila at maganda ang babae kaya hindi na ako malulungkot. Iisipin ko nalang na tinulungan ako ni sir na hindi na kulitin pa ng stepfather ko. Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ko sa unahan ang classmate kong bakla na si Hanzel. Agad kong binilisan ang paglalakad para maabutan ko siya. "Hanzel!!'' Tawag ko sa kanya kaya napalingon 'to sa gawi ko sabay hinto. "Nakita mo ang pogi do'n sa labas?" Bungad niya sa 'kin. Kapag pogi talaga ang bilis-bilis niya. "Oo, bakit?'' Tanong ko saka kami naglakad ng sabay. "Ang gwapo no? Hay.. ang sarap siguro no'n." Tili niyang sabi kaya siniko ko siya dahil may mga kasabayan kaming mga estudyante na naglalakad din. "Ang landi mo talaga." Saad ko. "Ganun talaga te! Dapat landi-landi din pag may time. At dapat may subo-subo din pag may time." Sagot niya saka inilapit ang nakakuyom niyang palad na parang may sinusubo. "Gaga!" Natatawa kong sabi. "Pero may girlfriend. In fairness maganda din, di pakakabog ang beauty ng girl," saad ni Hanzel kaya hindi ako naka imik. Tumikhim ako saka yumuko dahil may mga naka tambay na mga lalaki sa daanan. Tinawag pa nila si Hanzel at parang inaasar kaya sinasagot ni bakla. "Tigil nga kayo, mga jutay naman kayo. Baka mabaho pa nga katas niyo." Maarteng sabi ni Hanzel kaya natawa ako. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang si Hanzel ay pinapay-payan ang sarili gamit ang palad niya. "Balita ko may ipapatayo daw dyan sa katapat ng school natin. Siguro yung lalaking pogi ang may-ari kaya siguro siya pumunta." Biglang sabi ni Hanzel. "Talaga? Anong ipapatayo daw?" Tanong ko naman. "Restaurant yata, bhe. Dikosure ha!" Saad niya habang tinaasan pa talaga ako ng kilay. "Ang pangit ng kilay mo, Mapple. Gusto mo kilayan kita? Ayusin natin pagdating natin sa room." Sabi niya sabay akbay sa 'kin. "Wag mo nga pakialaman ang kilay ko. Nanahimik eh," sagot ko na lamang. Nakarating kami sa classroom at bumungad agad samin ang maingay na mga classmate ko. Kaaga-aga magulo na agad ang classroom. Umupo nalang ako sa pwesto ko katabi si Hanzel. Close ko kasi ang magandang dilag na 'to. Siya ang una kong naging friend kaya lagi kaming magkatabi ng seat. Alam din niya ang ginagawa ng stepfather ko sa 'kin kaya inis na inis siya sa mama ko. Kung pwede pa nga daw sabunutan ginawa na daw niya. "Ano.. ayusin natin kilay mo?" Tanong sa 'kin ni Hanzel saka inilabas ang lagayan niya ng make up. Kaloka talaga siya, ayos lang na wala siyang ballpen basta dala niya ang kanyang make up kit. "Ayaw ko! Ayos na ako sa kilay ko." Sagot ko saka ko tinakpan ang dalawa kong kilay gamit ang daliri ko. "Para nga maging tao ka. Tsaka maglagay ka nga ng liptint sa labi mo at mukha kang bangkay na bumangon sa hukay." Sabi niya sa 'kin kaya masama ko siyang tinigan. "Hoy, FYI tao ako no! Hindi nga lang nag glow up." Depensa ko kaya inirapan niya ako. "Oo na tao ka na. Pero mas magiging tao ka kapag nag ayos ka," saad niya saka hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. "Ano ba yan eh, baka mangati ang mukha ko sa ilalagay mo ha!" Reklamo ko habang hinahayaan siya. "Ano ka kutis mayaman." Pangbabara niya sa 'kin. Pitikin ko itlog ng baklang. 'to eh. Kinilayan niya ako kaya panay ang sabi ko na wag nipisan. Hindi talaga kasi ako sanay. Gusto ko makapal, yung kilay kasi ni Hanzel ay manipis. Nilagyan niya din ng foundation ang mukha ko. Nakasimangot pa talaga ako dahil ayaw niyang paawat. Naglagay din siya ng liptint sa magkabilaang pisngi ko at maging sa labi ko. "Oh di nagkakulay din ang mukha mo." Saad niya ng matapos siya sa ginagawa niya sa mukha ko. Inabot pa talaga niya sa 'kin ang maliit na salamin kaya tinignan ko ang ayos ko. Medyo okay naman ang ginawa niya sa kilay ko. "Thank you!" Sabi ko saka inabot sa kanya ang salamin. "Oh diba! Naging maganda ka na, kanina parang ewan eh," irap niyang sabi kaya inirapan ko din siya. Dumating na ang teacher namin kaya tahimik akong nakikinig. Pinakuha samin ang english notebook namin para kopyahin ang sinusulat ni teacher. Nakakainis pa ang mga classmate ko tatanungin pa kung english notebook ba daw ang kukunin eh malamang sa malamang english kasi english time ngayon. Parang mga tanga! Nagsimula na akong magsulat, tahimik lahat kami habang naka focus sa pisara at baka burahin agad ni teacher. Nang matapos kami ay nag discuss ulit si teacher. "By the way class half day lang kayo ngayong araw. May meeting ang lahat ng mga teacher." Sabi ni ma'am kaya nag hiyawan ang mga classmate ko. Ako naman ay hindi alam kung matutuwa ba ako o hindi. Uuwi na naman kasi kami sa bahay ng kapatid ko. Magkukulong na naman sa kwarto dahil sa manyak namin na stepfather. Yung iba kong mga classmate tuwang-tuwa habang ako naman malungkot. Lumingon sa 'kin si Hanzel saka binatukan ako sa ulo. "Aray!" Reklamo ko habang hinihimas ang ulo ko. "Ikaw lang yung hindi masaya kasi na walang pasok," sabi niya kaya napa-irap ako. "Paanong hindi ako malulungkot eh uuwi na naman ako sa bahay namin,'' nakanguso kong sabi. "Problema ba yun? Eh di do'n na muna kayo ni Maureen sa bahay namin. Do'n na muna kayo tumambay." Sabi niya kaya napangiti ako. "Talaga? Pwede kami do'n? Nakakahiya na sa mama mo eh." Sagot ko sakanya saka pinagpatuloy ang pagsusulat. "Oo naman. Tinatanong nga ni mama kung maayos lang ba kayo ni Maureen eh, alam mo naman yang stepfather niyo. Manyakis." Maldita niyang sabi. "Ang tanda-tanda na pero malibog parin, like eww.." arte niyang sabi habang nakanguso pa sa 'kin. "Sige do'n na muna kami sainyo. Mga 5PM na kami uuwi." Sagot ko. Ito talaga problema ko kapag wala kaming pasok. Hindi ko alam kung saan kami tatambay ng kapatid ko. Dumating ang recess time at pinuntahan ko muna ang kapatid ko para icheck siya. Malapit kasi sa gate ang school ng mga grade 3 kaya kailangan kong icheck ang kapatid ko. Naglalakad ako hanggang sa makarating ako sa harap ng classroom nila Maureen. Nakita ko agad ang kapatid ko na may kinakain na mamahalin na chocolate kaya agad kumunot ang noo ko. Dali-dali ko siyang nilapitan kasama ang tatlo niyang classmate na kumakain din ng chocolate. "Ate.." tawag sa 'kin ni Maureen ng makita ako. "Ang sarap ng meryenda mo ahh… mamahalin na chocolate." Saad ko, baka kasi binigyan siya ng mga classmate niya. "Gusto mo ate?" Offer sa 'kin ng kapatid ko saka inabot ang plastic na may lamang chocolate. "Wag na! Sayo na lang yan," saad ko. "Bigay lang po 'to samin ate Mapple." Biglang sabi ng classmate nga kapatid ko. "Oh? Sino naman?" Tanong ko. "Yung ano ate.. yung nakita natin kanina na lalaki bago tayo pumasok, ate. Yung pogi do'n sa harap ng gate." Sagot ni Maureen na ikinalaki ng mga mata ko. "Huh? Siya nag bigay sa inyo ng chocolate? Eh bakit niyo tinanggap? Hindi niyo naman siya kilala. Malay niyo baka masamang tao." Sabi ko para pangaralan sila. Paano na lang kung masamang tao ang nag abot sakanila ng chocolate at tawagin sila at pinalabas ng gate. Eh di nadukot pa sila. Sinabi ng don't to strangers eh, mamaya talaga 'to sa 'kin si Maureen, kaltok talaga 'to sa 'kin. "Eh hindi naman siya bad guy po, ate." Depensa pa ng classmate ni Maureen. "Kahit na, oo good guy yung nag bigay sa inyo ngayon, paano kung sa susunod na may nag abot sa inyo ay bad guy. Sige nga! Tapos mandurukot pala ng mga bata. At tsaka, bakit kayo naka labas eh diba hindi pinapalabas ng guard ang mga batang katulad niyo." Nakapamewang kong sabi sakanila. Ngumuso naman si Maureen sa harap ko kaya ang sarap pitikin ng labi niya. "Eh kasi naman ate.. sabi ni kuyang pogi magkakilala daw po kayo." Sabi ng kapatid ko kaya nanlaki ang mga mata ko. "Huh? S-Sinabi niya?" Gulat na gulat kong tanong. "Opo, hindi nga po ako makapaniwala po eh. Kaya tinanong ko siya kung anong pangalan mo kung talagang kilala ka niya," saad ni Maureen saka kumagat ulit sa chocolate. "Eh anong sagot niya?" Tanong ko na hindi na makapaghintay. "Sabi niya Mapple Buenaventura daw po," sagot niya kaya na higit ko yata ang hininga ko. "At saka po ate may binigay po siya sa 'kin na maliit na papel, sabi ni kuyang pogi ibigay ko daw sa'yo." Dagdag na sabi ng kapatid ko saka may kinuha sa bulsa ng palda niya. Inabot niya sa 'kin ang maliit na papel kaya tinanggap ko 'to saka binuklat upang mabasa ko ang nakasulat. Finally I found you, little girl. Are you ready for your punishment? Agad kong nilukumos ang maliit na papel ng mabasa ko ang nakasulat. Nalilito ako kung bakit naman niya ako parurusahan. Kaasar! May iisipin tuloy ako ngayon, wala naman kasi ako ang ginawang masama sakanya n'ong gabing yun. Tsaka, talaga bang naalala pa niya ako? Matagal narin kasi yun kaya napaka imposible talagang maalala pa niya ako. Tumingin ako sa gate saka ipinalibot ang tingin. Hindi ko na nakita ang magarang kotse ng lalaking yun kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero pumasok sa isipan ko ang nakasulat na punishment ay bigla na naman akong kinabahan. Dapat talaga hindi na niya ako makita ulit kaya gagawin ko ang lahat para hindi na mag krus ang landas namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD