“Kasal na kami,” bulong ko habang pinagmamasdan ang wedding ring na nakasuot sa kamay ko. Hindi ko naisip na magpapakasal ako sa ganitong edad. Ang pangarap ko lang naman ay magkaroon ng magandang trabaho, pero nauwi ako sa pag-aasawa. Tumingin ako sa paligid ng kuwarto. “Sino bang mag-aakala na matutulog ako sa ganitong kuwarto? Hindi ka makakaramdam ng lamig dahil malakas ang aircon, halos lahat ng mga gamit ay bago, at feeling ko nga ay hindi uso ang alikabok sa bahay na ito.” Nawala ang pagmuni-muni ko nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok si Lucas na may dalang isang bote ng wine. “Maging alak, na-improve na rin. Noon, ang iniinom ko ay tuba o kaya Gin bilog. Ngayon, Champagne o Tequila.” “Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong ni Lucas. Umiwas ako at hindi siya tiningnan. “H