Tumakbo ako patungo sa female comfort room upang itago ang lungkot na nararamdaman ko. “Bakit ba ako may luha?” tanong ko sa sarili habang pinupunasan ang mga mata sa harap ng salamin. “Miss, okay ka lang?” tanong ng janitress. Tumango ako. “Opo, salamat po.” Naghilamos ako para hindi mahalata ni Lucas na umiiyak ako. Paglabas ko ng banyo, bumalik ako sa parlor kung saan dapat niya akong sunduin. Paglapit ko pa lang, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto. Lumapit siya sa akin. “Halley!” Pilit akong ngumiti. “Pasensya na kung pinaghintay kita. Medyo sumakit kasi ang tiyan ko—” Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “I'm sorry,” sabi niya. Muling tumulo ang luha ko, kaya idinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya, doon tumulo ang luha ko.