CHAPTER 3

1273 Words
Oren is stunnng in her black fitted gown. Litaw na litaw ang magandang hubog ng kaniyang katawan sa suot niya na iyon. She elegantly walk like a cat in a runway. Wala sino man ang makakaisip sa nagbabadyang panganib na dala ng mukhang anghel na tulad niya. Ang kaniyang mga mata ay nakatanaw lang sa iisang dereksyon, sa iisang nilalang. Na para bang walang ibang naroon kung hindi ang taong iyon lamang na laman ng itim na folder na kahapon lang ay hawak niya. Ang kaniyang mission target. Kung paanong wala man lang nakapuna nang kaniyang ginawa. Kasabay nang pag-ikot niya sa dulo ng entablado ay ang pagtama ng patalim sa mismong leeg ng target. Isang nakabibinging sigaw mula sa katabi nito ang pumuno sa sa buong bulwagan kung saan ginaganap ang annual fashion show para sa Asian Fitness. Dilat ang mata nito nang bumagsak sa sahig. Kumalat ang dugo nito sa puting tiles at nag-umpisa nang magtulasan ang mga tao. Nakatarak pa rin doon sa leeg nito ang patalim na kaniyang pinakawalan. May ngiti sa labi dahil tagumpay na naman ang misyon niya nang walang kahirap-hirap. Samantala... He couldn’t believe what he just saw. He saw it coming clearly. Kitang-kita ng dalawang maya niya kung paano pinakawalan mula sa kamay ng modelong iyon ang patalim na tumama sa leeg ng sikat na Japanese Tycoon na si Mamuro Hadeshiko. He was shocked, by that woman’s beauty ang skills. “What the f**k!?” Kastigo niya sa sarili. He just witnessed an assassination and yet gets stunned by the beauty of an assassin. Umiling siya sa isiping iyon. Iniisip niya kung saan niya nakita ang babeng iyon dahil sobrang pamilyar nito sa kaniya. Pamilyar na pamilyar ang ganda nito sa kaniyang mapanuring mga mata. Kaya paano makakaligtas sa kaniya ang ginawa nito kung paglabas pa lang nito mula sa backstage ay sinuyod na niya ng tingin ang kabuoan ng babae. “f**k!” Bakit ba niya pinahihirapan pa ang sarili na isipin pa iyon. That woman is a killer, for Pete’s sake! A beautiful assassin. “Oh. Come on self, what the f**k is wrong with you!?” Kailangan niyang gawin ang trabaho niya, pero bakit may nagtutulak sa kaniya na itago at sarilinin ang nakita. May kung anong nag-uudyok sa kaniya na ilihim ang lahat. “It’s her men! It’s her and her damn gorgeous body at ang kamanyakan mo!” sigaw ng utak niya na ngayon pa lang ay ikinukundena na siya. Lumabas siya ng venue at hinanap ang babae. Halos halughugin na niya ng buong lugar pero wala siyang napala. Hindi niya alam kung bakit kailangan niya itong hanapin gayong delikado ang bagay na nasa isip niya. Who knows kung ano pa ang kayang gawin ng babaeng iyon bukod sa long range moves nito na wala yatang ibang nakapansin bukod sa kaniya. Marahil nga ay hindi rin niya nakita iyon kung hindi siya titig na titig dito. Napagod na siya sa kakalakad, huminto siya sa lobby ng hotel kung saan ginanap ang fashin show na naimbitahan lang naman siya na manood for business purposes. Hinihingal siya kaya’t napahawak siya sa necktie ng suot niya suit at matamang luluwagan sana iyo nang mahagip ng paningin niya ang babaeng naka-leather tight suit na sumampa sa isang Curtis motorcycle if his eyes serves him right. The hell that woman owns a Curtis motorcycle. Sino ba ang babaeng iyon? “Boss, nandito lang pala kayo. Bakit ba kayo biglang tumakbo palabas?” Masama ang tingin na nilingon niya ang nagsalita. “Why the hell you’re here? Sinabi ko ba na buntutan mo ako? Alam mong ayaw na ayaw ko ng sinusundan ako hindi ba? Do you still love your f*****g life, huh!?” galit niyang sikmat sa lalaki habang hawak ang kwelyo ng suot nitong damit. “S-Sorry Boss, napag-utusan lang naman ako ng Daddy mo!” Mas lalo lang siyang nanggigil dahil sa narinig. Nag-init nang husto ang bumbunan niya kaya’t nakatikim ng sipa ang kaharap. Tumilapon ito sa sahig kasabay nang pagdating ng mga kasamahan nito. “So, madami pala kayong pinadala rito!?” bwesit na bwesit niyang sigaw. Nagmadaling tumayo ang sinipa niya at tumayo nang tuwid sa harapan niya. “Pasensya na Boss! Trabaho lang, walang personalan...” saad nito sa kaniya kaya nakatikim ulit ito nang tatlong sunod-sunod na sipa mula sa kaniya. Nahirapan na iyong tumayo kaya inalalayaan na ito ng mga kasama. “Ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha ninyong lahat ha! At pakisabi diyan sa amo ninyong pulpol huwag niyang pakialam ang buhay ko! Hindi ako bata para pabantayan niya!” “Boss, tatay mo ang amo namin!” “Tang*na mo, sasagot ka pa?” Akmang sasapakin niya ito ngunit hindi na niya naituloy nang mag-bi-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Kaagad namang nagpulasan ang mga tauhang nasa harapan niya at nagsialis. “Ano na namang problema diyan?” tanong kaagad niya nang na tauhan niya sa UL ang tumatawag. “Boss, nandito si De Dios... mukhang mainit na naman ang ulo nito. Nagpipilit na namang lumaban! Eh ‘di ba banned muna ito rito dahil nung nakaraan hindi ito maawat!?” Kinalikot niya ang tenga dahil nakulili siya sa lakas ng boses ng kausap. “Boss? And’yan ka pa ba?” ulit nito nang hindi kaagad siya nakasagot. “Sino bang kalaban?” usisa niyang saad. “Iyong isang kaibigan mo pa boss, iyong mukhang porener!” imporma nito. Marami siyang kaibigang mukhang foreigner at foreigner talaga at hindi niya matukoy kung sino ang sinasabi nito. “Pwede ba Pablo, ayusin mo iyang mga detalye mo huwag mo nang dagdagan pa ang init ng ulo ko!” sikmat niya. “Sorry boss , teka sandali,” saad nito mula sa kabilang linya. Ilang segundo rin siyang naghintay ng sagot mula rito. “Damon, boss! Damon Brant, daw!” “Anak ng dyablong buang naman oh!” mura niya pagkarinig sa pangalan ng kaibigan. “Wait for me there Pablo! Keep them off the cage!” mariing utos niya. “Boss?” “Anak ng!? Sabi ko hintayin mo ako at huwag mong palalapitin sa ring ang dalawang buang na ‘yan! Got me?” ulit niya. Muntik pa niyang makalimutan na mahina sa English si Pablo. “Ah... yes boss! Got you!” tugon nito. Mabilis na siyang nagmartsa palabas. Pansamantala na nawaglit sa isip niya ang babae sa fashion show kanina. Paglabas niya sa building ay nagtayuan at humilera sa daraanan niya ang mga tauhan ng ama niya na akala niya ay kanina pa nagsilayas. At talaga palang walang balak ang mga ito na tantanan siya. Nagdere-deretso siya sa parking, mabuti na lang at hindi kotse ang dala niya ngayon. Hindi siya mahihirapan na iligaw na parang pusa ang mga walanghiya. Ilang sandali pa ay nag-ngangalit na tunog na ng motorsiklo niya ang maririnig. Nang makalabas nang parking ay umarangkada na iyon at halos umusok ang dinaanan niya. Habang ang mga tauhan ng ama niya ay nagkukumahog pa lang na pasakay sa mga sasakyan nito. Mabilis siyang nakalayo sakay ng kaniyang Ducatti. Pulpol talaga ang mga tauhan ng ama niya. At hindi niya maunawaan kung ano na naman ang trip ng matandang iyon at nakikialam na naman ito sa diskarte niya sa buhay. Magkaganoon man ay hindi niya mapapayagan na pakialam at manduhan siya nito. He has his own life at walang sino man ang makakasaklaw niyon kahit na ang taong nagpalaki pa sa kaniya. Walang kahit sino ang kayang magpasunod sa isang Zandre Zuniga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD