“Spread some of our mens here at the hospital, Akino. In all perimeter! Mahirap na na maisahan tayo ng walang hiyang iyon. Mabuti na ang sigurado.”
“Yes, Master.” Tumalima kaagad ang dalaga. “Our mens are always ready. And I will staying here around for your security,” imporma na rin nito nang sa ganoon ay mapanatag ang lalaki.
“No need Akino.”
“No, Master. I insist!” Hindi na nakipagtalo pa ang binata. Hindi naman nito mapipigilan ang babae sa gusto nito dahil trabaho niya iyon.
“If that's so, I will staying too. Wala akong gagawin sa bahay kung nandito ang girlfriend ko. I'll join the troops,” sabad naman niya. Talagang hindi rin siya nagpapahuli. Gusto niyang palagi itong nakikita lalo na ngayon na nagiging kumplikado ang sitwasyon.
“Bahala kayong dalawa sa trip n'yo. Just don't disturb us.”
"What are you talking about? Are you two arguing?" tanong ni Akino sa binata, agad naman itong inakay ng lalaki.
"Sort of, I just making fun of him talking about romance stuff. That jerk is not allowed to do romance for a week," paliwanag niya at halatang nag-isip ito saglit.
"Oh, I get it!" sa huli ay sambit nito. "Too bad for you Master," nakangising saad nito sa binata na hindi na maipinta ang mukha. Lukot na lukot ang kilay nito sa sobrang sama ng tingin sa kaniya.
"Alam mo ikaw Zandre iyang bunganga mo talaga minsan ang sarap i-left hook!" sikmat ni Kelvin na ikinatawa niya. Halatang pikon na pikon ito.
"Pasensya naman nagtatanong ang baby ko, sinagot ko lang, right baby?" aniya pagkatapos ay binalingan si Akino.
"Yeah right! What is it?" ani ng dalaga na hindi rin pala naintindihan ang sinabi niya dahil abala ito sa phone.
"Wala sabi ko maganda ka!"
"Oh well, thank you!"
"Lumayas na nga kayong dalawa rito naaalibadbaran ako sa ka-cornihan n'yong dalawa!" pagtataboy ni Kelvin sa kanila.
"No extra curricular activities, De Dios! Sabi ng doktor tandaan mo 'yan," nakangising pang-aasar pa lalo niya. Nang hindi na nakatiis si Kelvin ay binanatan siya nito ng isang sipa na kaagad naman niyang nasalo.
"f**k! Sabing no extra curricular activity e!"
"Layas na!" Hinablot ni Lena ang binata at inalalayan umupo sa kama. Habang siya naman ay nakangisi habang palabas at panay pa rin ang pang-aasar sa kaibigan.
Umuwi llang silang dalawa ni Akino sa sandali upang kumuha ng mga gamit at gumawa na rin ng moment nilang dalawa habang hindi pa masyadong abala sa maraming bagay ang dalaga. Unti-unti rin namang natututo si Akino sa maraming bagay about sa relasyon na hindi niya alam kung paano niya nagagawang ituro sa dalaga gayong isa rin naman siyang walang alam pagdating sa seryosong usapin sa pag-ibig. He knows nothing about it pero pagdating sa babae ay parang alam niya ang lahat.
Kinabukasan...
“What the f**k happened? Muntik nang mapahamak ang mag-ina ko, what was that Akino?”
Hindi makapagsalita ang lahat habang galit na galit na kinakastigo ng kaibigan niya si Akino sa harap nilang lahat. May sniper na nakasalisi at malas na tinamaan niyon si Lena kaya halos umusok sa galit ang binata.
He couldn't blame him, kahit siya siguro ang lumagay sa pwesto nito ay manggagalaiti rin siya sigurado. Sobrang lakas ng boses nito at galit na galit. Magkaganoon man ay wala kang maririnig na ano mang sagot o pangangatwiran sa dalaga. Nanatili itong nakayuko sa harap ng binata at iyon ang hindi na niya masikmura. Ang mura-murahin nito ang babae sa harap niya.
“Tangina!” mura ni Kelvin kasabay ng tadyak nito sa stool chair na nasa harap nito. Nagulat soya nang bumalandra sa gilid ng dingding ang kawawang upuan at nasira iyon.
“Calm down, bro! Hindi naman makakatulong kung magagalit ka. Isa pa wala namang kasalanan si Akino sa nangyari. Wala namang may gusto nito,” awat niya sa binata na kaagad namang sinulyapan siya ng matalim.
“Calm down? Naririnig mo ba ang sinabi mo? Ikaw kaya ang lumagay sa katayuan ko na muntik nang makapahamak ang mag-ina mo, kaya mo ba ang kumalma! f**k, Z don't me...”
Napuno ng tensyon sa pagitan nilang dalawa ng lalaki. Marahil ay naramdaman din iyon ni Lena na agad hinawakan an kasintahan nito at pinatahimik sa kung ano pa ang balak nitong sabihin.
“My apology, Master! It was all my fault. I was preoccupied and I forget to check the buildings closed to the perimeter area, punished me!” Yumuko ang dalaga.
“Akino!” sigaw niya. Hindi niya matanggap na yuyuko ito at magpapakababa sa kasalanang hindi naman nito sinadya o ginusto.
"Enough Z. You have no right to interfere in my work!" malakas na asik ng dalaga sa kaniya na nagpatiim-bagang sa kaniya. Natahimik siya. Natahimik siya sandali hindi dahil natakot siya, kung hindi dahil tila sinuntok siya ng mga salitang binitawan nito.
"Yeah you're right. Wala nga akong karapatan. Mukhang hindi na ako kailangan dito. I better kick my ass off here," saad niya. Mabilis niyang nilisan ang lugar. Masamang-masama ang loob niya sa kasintahan. Alam naman niyang hindi kailanman siya magiging una sa buhay nito pero ang ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatang manghimasok sa ginagawa nito. Masakit pala.
“You have no right!”
Paulit-ulit sa utak niya ang salitang iyon. Para itong sirang plaka na nag-pa-playback sa memorya niya.
“Damn it!” mura niya sabay tadyak sa kaha ng sariling sasakyan na nakaparada sa parking. Nakalabas na pala siya ng building nang hindi niya namalayan dahil sa sobrang galit at sama ng loob. Ano pa ba kasi ang gagawin niya kung sinabihan na siyang wala siyang pakialam at karapatan. Mukhang para kay Akino ay isa lamang laro ang mayroon sila, ang lahat ng namamagitan sa kanila ay isang eksperemento lang marahil sa babae. Gusto lang siguro nitong may maranasan katulad ng ibang normal na babae at siya ang nag-volunteer na gawin iyon.
Lalaki siya, wala namang mawawala sa kaniya, in fact it was favorable in his account. Nakukuha niya ang katawan nito ano mang oras niya naisin, hindi na rin naman iyon masama. Pero bakit para siyang natalo sa sugal dahil lang sa mga salitang narinig mula sa bibig nito.
“Damn it!” Muli niyang sinipa ang sasakyan saka pabaklas na hinatak ang pinto saka pabagsak na sumakay sa loob. Huminga siya nang malalim at napapitlag siya nang biglang bumukas ang kabilang pinto at pumasok ang dalagang blangko ang ekspresyon ng mukha.
“What are you doing here!?” mariing tanong niya. Bakas ang sama ng loob na hindi niya maitago kahit sa sarili niya.
“Drive!” malumanay nitong utos sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay hindi na blangko ang ekspresyong nabanaag niya sa magandang mukha ng kasintahan. Malungkot itong nakatitig sa harapan. She's almost crying pero alam niyang hindi ito iiyak sa harapan niya.