NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS
Chapter 6
MARAHAN NA KUMATOK si Aimie sa pinto ng silid ni Don Bill. Hindi raw mabuti ang pakiramdam nito kaya nagpapanhik na lamang ito ng tanghalian.
Nagprisinta naman si Aimie na maghatid ng pagkain at pinabantayan saglit kay Rita ang kambal na nanonood na ngayon ng telebisyon sa entertainment area dahil tapos na niyang pinakain ng tanghalian ang mga ito.
After three knocks, Aimie carefully pushed the door and entered.
“Hello po, Don Bill.”
“Oh, hija. Bakit ikaw ang naghatid niyan dito?” Mahinang tanong ng matanda.
Wala ito sa kama nito at naroon sa upuang tumba-tumba na nakapuwesto malapit sa partition sliding door sa may veranda ng silid nito.
Nasa ibaba lang ang silid ng Don ngunit medyo malayo ito sa sala de bisita. Sa veranda ng silid nito’y malayang matatanaw ang likod ng mansion na puro halaman at may matataas pang puno. Mayroong man-made waterfalls doon at masyadong ginalingan ang pagkakagawa ng landscape. Parang mini forest. Ang sarap sigurong tumambay doon kapag umuulan habang nagkakape.
“Nag-volunteer ho ako na ako ang maghatid ng pagkain ninyo. Magpapakitang-gilas lang ho baka maisipan ninyong taasan ang sahod ko. Kaagad.” Hindi siya nagbibiro sa umento ng sahod. Makapal lang talaga ang kanyang mukha dahil wala pa nga siyang isang linggo doon ay humihirit na siya ng wage hike.
Pero siyempre kay Don Bill lang niya puwedeng humirit ng ganoon dahil kung si Battalion ang makarinig niyon ay baka nasipa na siya sa mansion at wala pa siyang makukuha ni pisong duling. Hindi pa naman mabiro ang lalaking iyon. Mukha kasing sinalo nito lahat ng sama ng loob ng mundo.
Hindi nga alam ni Aimie kung sinong Santo ang nagbigay liwanag sa utak nito at nagbago bigla ang isip na huwag na lang siyang palayasin.
Saglit na inilagay ni Aimie sa mahabang corner table ang dalang food tray upang ilipat ang isang maliit na coffee table malapit sa kinaroroonan ni Don Bill. Sinabi niyang huwag na itong tumayo.
“Kumusta ho ang pakiramdam n’yo? Nabinat siguro kayo sa lampungan ninyo ni Donya A. Alam n’yo ho, kapag kasi hindi na kaya ng katawan, huwag na lang pilitin.” Uncensored, Aimie said fluently.
Mahinang natawa ang senyor. “Ikaw talagang bata ka. Kapag ikaw na ang nagsasalita ay nakakailang.”
“Kailangan n’yo na hong masanay sa akin kasi wala rin naman ho kayong choice atsaka nga po pala, ubusin n’yo raw ito, Don Bill bilin ni Ate Linda. Kapag daw hindi kayo kumain ng mabuti ay magre-resign s’ya.” Si Linda ay siyang pinakamatagal na kasambahay sa mansion ng mga Bancroft. Ito ang nag-aasikaso sa kusina.
Hindi katulad ni Rita, si Ate Linda ay likas na seryoso at hindi madaldal. Istriktong matandang dalaga talaga ang aura nito pero hindi naman nakakailang dahil sumasagot naman ito sa tuwing dinadaldal ni Aimie. Iyon lang ay ang iikli ng sinasabi. Tipid sa salita.
“Iyang si Linda talaga ay hindi na nagbago. Ganiyan palagi ang panakot niya tuwing isa sa amin dito sa mansion ang nawawalan ng ganang kumain.” Naiiling na sabi ng matanda.
Red herbal drink, sliced fresh fruits na hindi gaanong matatamis tulad ng request ng Don at mushroom soup ang dinala ni Aimie para sa Don.
“Feel free to eat with me, hija.” Anyaya ng matanda.
“Huwag na ho.”
“Hindi ko alam na mahiyain ka rin pala.”
“Walanghiya ho ako pero sadyang ayaw ko lang sa mga pagkain ninyo. Matatabang ang mga iyan alam ko.” Walang pag-aalinlangan na paliwanag ni Aimie.
“Well, you're right.” Nagkibit ng balikat ang Don while stifling a chuckle.
Maaliwalas ang silid ni Don Bill. Mayroong tropical appeal ang silid dahil sa botanical wall paint na maaliwalas sa paningin ang kulay. Wooden walls naman ang nasa ulunan ng kama at sa itaas naman ay may mordernong chandelier na wooden made din. Maluwang ang silid ng Don dahil mayroon pang bedroom lounge pero ang nakakamangha talaga sa lahat ay iyong view sa veranda.
Sa paggala ng mga mata ni Aimie sa silid ng Don ay may napansin siyang mga picture frame sa bedside table.
“P’wede ho bang matingnan iyon, Don Bill?” Nginuso ni Aimie ang mga picture frame na tumawag sa atensiyon niya.
“Sure, hija.”
Nang nilapitan ni Aimie ang bedside table ay una niyang dinampot ang picture ng isang batang lalaki na nagdulot ng lamig sa dibdib niya.
The little boy in the picture must be around three to four years old at kung mahaba lang ang buhok nito ay masasabi na ni Aimie na si baby Calibre iyon. She felt a layer of melancholy every time she thought of that sweetest kid back home whom she loved to tuck in bed.
“Si. . .si Señorito Battalion ho ito, ‘di ba?” She asked the obvious. She felt a lump in her throat.
“Tama ka, hija. And that was my only apo’s first picture here in the Philippines.”
“First? Ano ho ang ibig ninyong sabihin, Don Bill?”
Aimie waited for Don Bill’s answer. Nakatunghay lang ang matanda sa tanawin sa labas habang dahan-dahan na ginagalaw ang pagkain nito.
“Battalion’s mother never liked it here. Hindi katulad ni Brandon na ayaw namang lisanin ang Pilipinas dahil siya lang ang inaasahan kong humalili sa pag-aasikaso ng aking mga negosyo.”
Brandon Bancroft— ang ama ni Battalion. Ito ang lalaking naroon naman sa isang picture frame at kasama ang bata-bata pang si Don Bill. Kapwa nakasuot ng tuxedo ang dalawa. Sa palagay ni Aimie ay kinuha ang litrato na iyon sa isang kasal. Sa sariling kasal marahil ni Brandon.
Wala mang halos pagkakatulad ang mukha ni Battalion sa ama nito pero malakas din ang karisma nitong ama ni Battalion. May ilang facial features itong may resemblance kay Don Bill. Matangkad ito, moreno hindi katulad ni Battalion na warm ivory ang balat na palatandaan lamang na may lahi itong banyaga. Namana nito marahil sa mommy nito pati na ang kulay asul nitong mga mata ngunit hindi rin niya masabi sapagkat hindi pa naman siya nakakakita ng litrato ng ina ni Battalion sa mansion.
“Wala pang isang taon nang ikasal ang mga magulang ni Battalion ay hindi na magkasundo ang mga ito. Nang mabuntis si Vesna ay nagpasya ang anak kong si Brandon na huwag nang iwan sa Crotia ang asawa nito. Ngunit kahit na anong subok ng mag-asawa na ayusin ang relasyon nila ay humantong pa rin sila sa paghihiwalay. Si Brandon ay tikom ang bibig nang umuwi sa Pilipinas nang hindi kasama si Battalion. Mula nang maghiwalay si Brandon at Vesna ay itinago ni Vesna ang bata sa amin hanggang sa isang araw ay dumating dito si Vesna at ang apat na taong gulang na si Battalion. Doon akala ko’y magkakaayos na ang mag-asawa ngunit tila malabo pala. Si Vesna ay may kinikitang nobyo at si Brandon ma’y ganoon din at sa tuwing nagtatagpo sila rito sa bahay ay sigawan at away ang parating nasasaksihan ng aking apo mula sa kanyang mga magulang.”
Bumalik na si Aimie sa isang upuan na malapit kay Don Bill.
“Kaya ho ba ayaw pa ring mag-asawa ni Señorito Battalion kasi iniiwasan niya ang failed marriage?”
Naghubad ng salamin ang Don. “Sa tingin ko ay parang ganoon na nga ang iniisip ng aking apo. There was never a successful marriage in the Bancroft family, hija. May ikakasal ma’y, hindi magtatagal ay naghihiwalay din. And to be honest, I can't count how many illegitimate children does our family has.” Malungkot na ngumiti ang Don.
Napangiwi si Aimie sa reyalidad na nalaman. “Kayo ho, ilan ang anak n’yo sa labas? Nakailang kabit kayo?”
Humigop ang Don sa mushroom soup nito bago nakuhang bigyan ng sagot si Aimie. “Battalion’s father is my only child, hija. I may have had a few affairs outside my marriage before but I never get other women pregnant. Sa asawa ko lang ako nagkaanak but she also hates me and left me for another man.”
“Pero sabi n’yo nga, marami kayong forbidden affair kaya kung ako lang din naman ang nasa posisyon ng asawa ninyo ay baka ganoon din ang ginawa ko. Playboy ho pala ang lahi ninyo.” Tuwid na komento ni Aimie.
“Hindi sa paghuhugas-kamay but in my marriage, the problem wasn't me, hija but yeah, marriage always comes to disaster even though how much we work on it not to fail. It was a curse and I'm proud of my grandson Battalion for untangling that curse from our name.”
Oo nga at hindi playboy pero nagdi-display naman ng títi, satsat ni Aimie sa likod ng kanyang isip.
“And I'm not losing hope that maybe someday, Battalion's marriage will be the first marriage in our family that will last a lifetime.”
Napataas ang kilay ni Aimie dahil makahulugang nakatingin sa kanya ang Don habang sinasabi iyon.
HINDI NAMALAYAN ni Aimie na natangay din siya ng antok matapos niyang patulugin ang kambal. Doon siya nakatulog sa lounge na napapagitnaan ng dalawang kama ng mga alaga niya.
Naalimpungatan lang siya dahil sa pakiramdam na parang may mga mata na mainit na nakatitig sa kanya.
Nakasabit sa backrest ng lounge ang kanyang isang siko at doon siya nakaunan ng patagilid. Ang isang hita niya ay nasa upuan habang ang isa ay nakalaglag sa sahig. Pabubuka ang kanyang posisyon.
At walang ideya si Aimie na ilang minuto nang naroon si Battalion sa silid ng mga anak nito at pinapanood siya. Battalion could clenched his jaw everytime Aimie scratched her inner thigh.
She was only wearing a short cotton sleepwear duster and her fcking orange underwear is showing. And that is the most sinful clothes Battalion had ever seen.
Battalion went home very late that night dahil galing siya sa Las Palmas para sa groundbreaking ceremony ng pinapatayo niyang pangalawang branch ng BBFS.
Some of his fratmates from Delta Kappa Order attended the ceremony as well maliban lang kay Sergius na naroon ngayon sa Moldova. Hindi rin nakadalo si Onyx Orriental dahil masyado itong abala sa bagong gold mining site na in-acquire nito. Wind Westscott was still in Singapore dahil sa hassle na connecting flights, hindi na ito nakaabot pero sa tingin ni Battalion ay didiretso ito sa resort ni Ivor kapag nakarating sa Pilipinas. The Daquila Dagon de Fiore of course didn't make it, too at hindi na sila nagulat doon dahil mas maraming beses pa yata ang pagsuka ng balyena kaysa makita si Dagon na umalis sa isla de los hombres.
Marami sa mga kaibigan nila ang nagpaiwan sa Las Palmas matapos ang seremonya kanina at sa resort na ni Ivor magpapalipas ng gabi. Their group were having fun kahit siya man ay nakainom din.
Kasabay niyang bumalik sa Maynila si Vasco Vardrick dahil ito na ang madalas na naiiwan at nag-aasikaso sa El Sacramento magmula nang mag-asawa si Sergius and the other co-owner of El Sacramento, Ziggar Zorinov, well that díckhead doesn't stop man whóring around. And Vasco kept inviting him to go with him to El Sacramento to have fun. May mga bagong stripper daw ngayon sa strip joint na karamihan ay Latina but Battalion only cussed his annoying friend.
It was already midnight hour when he reached home at kaagad siyang dumiretso sa silid ng kanyang mga anak.
He lightly kissed goodnight each of them and he thought of ignoring his children's nanny who is sleeping on the couch with her flawless, velvet legs sprawled invitingly.
But goddamnit he failed to ignore her! Battalion just found himself standing almost near her and watched the lady in her sleep while erotic thoughts dancing inside his head freely and unstoppably.
His cóck is throbbing and it was impossible for him to hush his hardening member. This lady has this magic to make him hard without even trying to do anything and torture him at the same time.
Ano ang mayroon sa babaeng ito at ganoon na lamang kung mag-init ang kanyang pakiramdam? He would definitely deal with his confusion and curiousity and there is only one way to find it out.
“S—señorito...” paos na sambit ni Aimie matapos kusutin ang bagong gising na mga mata at malinaw nang rumehistro sa kanyang paningin ang bulto ni Battalion na nasa kanyang harapan.
Imbes na kumibo ay nakita ni Aimie ang pagtiim ng bagang nito.
Doon siya napaayos and consciously wiped her face using her sleepwear. Baka may laway o muta pa siya, nakakahiya naman sa Señorito. Ang dulo ng kanyang duster ang nahila niyang pamunas sa kanyang mukha.
Battalion cussed under his breath when Aimie just showed off a good sight of her orange panties but he couldn't take his eyes off ‘it’.
Damn this girl! She's indeed a tease to his enraged cóck.
“I believe you won't act like this in front of the kids.” Battalion uttered deeply with a prominent frown upon his handsome face.
“Sorry, Sir. Sorry.” Pabulong na anas ni Aimie at inayos ang suot na pantulog. “Kanina pa ho kayo rito?”
“About ten minutes ago.” Malamig na sagot ni Battalion.
“Hindi n’yo man lang ako ginising.” Ani Aimie sa mababang tinig. Nilapitan niya ang batang babae upang ayusin ang kumot nito atsaka niya ito hinalikan sa ulo. Lumipat din siya sa batang lalaki at ganoon din ang ginawa. Ramdam niya ang mga mata ni Battalion na ayaw siyang lubayan.
“Sige, Sir. Mauna na ho ako sa kuwarto ko.” Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Battalion. “Good night ho.”
Iyon lang at nagmamadaling lumabas si Aimie sa silid ng kanyang mga alaga nang hindi gumagawa ng ingay.
Pagkarating niya sa kanyang silid na katabi ng nursery room ay napasandal siya sa likod ng pinto at napahawak sa kanyang dibdib.
Fck! Bakit ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib niya and her knees felt wobbly gayong galing naman siya sa pagkakaidlip at hindi sa pagtakbo?
She was feeling the wild beating of her heart when she almost jumped out of shock when someone knock on her door.
Napasinghap ng malakas si Aimie nang mapagbuksan niya si Battalion na may naglalarong apoy sa mga mata nito. Their eyes immediately collided.
A flame of. . .lust. It is unmistakably lust she saw in his eyes.
She is not dense not to know what was exactly going on with her Boss. Ang hindi niya maarok na isipin ay kung bakit nasa harapan niya ito ngayon at nasa labas ng kanyang silid?
His chiseled jawline moved and clenched before he opened his mouth to speak.
“Let me in.”
IMPORTANT AUTHOR'S NOTE:
Everyone who will leave a comment/s in this story will be eligible for our surprise gifts giveaways after the completion of NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS. Comment lang po kayo and add me on f*******: Author MVerzosa. TY! :)