NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS Chapter 20 KAHAPON PA ALAM ni Aimie na masama ang pakiramdam ni Rita at sa araw na iyon ay tuluyan na nga itong nilagnat. Kailangan ng pahinga ni Rita hanggang sa bumalik ang sigla nito. Tutal ay nasa mansion naman si Donya Agatha ay pinakiusapan na lamang muna ni Aimie na ito muna ang magbantay sa mga bata para siya na muna ang sumalo sa gawain ni Rita. May lakad kasi ang Don kaya habang naghihintay si Donya Agatha ay mas maganda pang magbantay muna ito sa mga bata. Hindi pumasok sa araw na iyon ang mga bata sa nursery school dahil medyo masama ang panahon. Utos ni Battalion na ipagpaliban na lamang muna ang pagpasok ng mga ito. Nasa ikalawang palapag na ng mansion si Aimie. Apat na silid ang kailangan niyang linisin sa hapon na iyon tapos apat uli