Pansin ni Zards na abala ang asawa sa araw na iyon. Ilang araw na ring naging balik sa dati ang pakikitungo nito sa kanya. In order para hindi lumala ang kanilang away, mas minabuti na lamang niyang bigyan ng space sandali ang asawa. Ayaw niyang nag-aaway sila nitong lagi. Lalo na't buntis pa naman ito. Ilang araw na ring hindi siya nito pinapansin at kinakausap. Aminado siyang may pagkukulang siya dito, lalo na kahapon sa biglaan niyang pag-alis. Shantal needs him. At hindi niya kailan man matatanggihan ang isang taong naging parte na rin ng kanyang buhay, nag-agaw buhay daw kasi ito, muntik na itong makunan kahapon dahil sa problema nito sa mga magulang, dahil ang ama ng dinadala nito, ay hindi gusto ng mga magulang ni Shantal. Isang dagok iyon sa parte ng naturang dalaga. Ang masaklap p