Nasa bahay lang si Rebecca, dahil hindi siya pinayagang lumabas ni Zards gawa ng tumataas ang kaso ng pandemya. Habang nasa bahay, inaaral niya kung paano magluto ng ulam at ilan pang putahe. Ilang ulit din niyang sinubukan ngunit lahat ay puro palpak. Naawa siya sa mga lutong sunog niya. Damn! Sinubukan niya ulit magluto ng panibago. Ngunit bigo pa rin si Rebecca. Wala nga talaga sa linya niya ang magluto, at least she tried her best. Sa sobrang inis niya'y iniwan niya ang nagkakalat na kusina. Tinawag niya ang ilang kawaksi at inutusan ang mga ito na ligpitin lahat ng kanyang kalat. Tinungo niya ang living room at isinandal ang likod sa malambot na sofa. "Ma'am, may bisita po kayo, si Ms. Dahlia raw po," ani ng kanyang kawaksi. "Sanitize her whole body, huwag mo siyang papasukin kung