Julianna Sitting in the same car with the same man when you were about to give yourself to a stranger made me feel so restless and uncomfortable. Parang ibinalik ako noong gabing nagpatianod ako sa kanya nang walang ka-ide-ideya kung saan niya ako dadalhin, at kung ano ang gagawin sa akin. Although, ngayon, alam na alam ko na kung saan kami pupunta at kilala ko na rin siya. Naalala ko rin iyong sinabi niya noong gabing iyon, na malay ko ba kung isang araw, bigla na lang siyang kumatok sa pintuan ng bahay namin. Naisip ko nga na kung gagawin man niya iyon, sa pintuan ng mga Esquivels siya kakatok. But guess what? Doon nga kami muling nagkita. At ang nakakatawang parte ay iyong hindi na niya kinailangang kumatok pa. That mansion would gladly open its doors big and wide for him because h