When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Julianna "Aling Cely, ano po ba ang nangyari kay Trinity?" pag-uusisa ko sa matanda habang naglilinis ito sa silid ko. Usap-usapan kasi ang tungkol sa kanya. Tila nga natutuwa pa ang iba sa nangyari. Dalawang araw na simula noong matapos ang party, at dalawang araw ko na ring hindi nakikita na palakad-lakad rito sa bahay si Trinity na parang siya ang may-ari ng bahay. Hindi na rin siya nagtutungo rito sa kwarto ko upang utusan ako sa kung ano ang dapat kong suotin sa buong araw. Iyon kasi ang order ni Aljon sa kanya. Mabuti nga at hindi siya nagagalit dahil hindi nagagawa ni Trinity ang duty niya. "Napaso raw sa plantsa ang braso. Dalawang araw na siyang nilalagnat dahil doon." Ngumiti ito. Kumunot naman ang noo ko, subalit hindi na ako nagtanong pa kahit na may nabuo sa utak ko. G