Julianna "Aray!" Napangiwi ako nang maramdaman ko init ng flat iron hair straightener sa anit ng ulo ko. Sa sobrang init ay nangati ang parteng iyon at humapdi. "Paumanhin po, Miss Julianna," apologetic na wika ni Trinity na nakatingin sa akin sa salamin. Tinanguan ko lang siya saka tipid na nginitian. Hindi ko siya magawang pagalitan kahit na ilang beses na niyang nagawa iyon. Hindi ko naman naiisip na sinasadya na niya, subalit ang nipis lang ng buhok ko. Hindi na kailangang magtagal pa ng plantsa. Isa pa, tuwid na tuwid na ang buhok ngayon, pero hindi ko alam kung bakit hindi pa niya tinitigilan. Nandito kaming dalawa sa kwarto. Siya kasi ang inutusan ni Aljon na mag-ayos sa akin ngayong gabing ito. Tapos na niya akong makeup-an nang light lang. Nakabihis na rin ako, at itong buho