"Grabe! Grabe! Grabe! Fourth year na tayo! Yohoo! Isang taong pagtitiis na lang!" malakas na sabi ni Jenica sa tuwa. Pinukol ni Kiara ang tingin sa kaniyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa, nalulungkot siya. Imbes na matuwa siya dahil isang taon na lang matatapos na ang paghihirap niya para mag- aral, nalulungkot siya. Na para bang may magtatapos din na labis niyang ikalulungkot. "Ano ba namang mukha iyan! Hindi happy!" nakabusangot na sabi ni Jenica. Humugot ng malalim na paghinga si Kiara. "Alam mo naman siguro kung bakit, 'di ba? Ang hirap pa lang mahulog sa taong hindi ka mahal 'no? Masakit sa puso kung iisipin. Nakakaapekto talaga sa pagkatao. Iyon bang kahit ayaw mong isipin, naiisip mo." Kumibot ang labi ni Jenica. "Pasensya ka na, ha kasi hindi ako maka- re