36

1137 Words

"Hindi mo yata nabasa ang message ko sa iyo kahapon?" sambit ni Heaven matapos niyang harangan ang dinadaanan ng dalaga. Patay malisyang tumingin sa kanya si Kiara. "Nabasa ko po siya kaso huli na. Nakauwi na ako nang mabasa ko siya." Tumango tango si Heaven. "Ah okay... sabagay nag- enjoy ka naman yatang makipag- date sa kaibigan mo. Kaibigan mo nga ba?" Tumaas ang kilay ni Kiara. "Date po ba ang tawag doon? Hindi ba pwedeng kumain lang kami sa labas at nilibre niya ako? Tamang kain lang sa labas kasama ang kaibigan." Asar ngumisi si Heaven. "Iyon din naman ang gagawin ko sana sa iyo pero bakit hindi mo kaagad nabasa ang message ko. Nabasa mo ito kung kailan umalis ka na kasama siya? Kung kailan tapos na kayong kumain?" Napangiwi si Kiara habang tinitingnan mo ang mukha ni Heaven na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD