CHAPTER 18

2159 Words
“Fake news” Jaxen uttered followed by a snicker while looking at the disappointed crowd who thought that CLAW’s here because a guy surrounded by bodyguards came but was just another entrepreneur that I don’t even know who is it. It’s a guy wearing a full-on black coat, black mask, and black sunglasses as if it’s appropriate in our country’s weather. He then looked at me as I pinch the bridge of my nose trying not to show disappointment on my face as I run in the crowd just to see if CLAW is really here also hoping that it’s him. I guess this is not the right place and time for me to see CLAW. “You didn’t expect him, did you? there’s no way CLAW will show his face here knowing that Khatalina’s here,” he said and stick his tongue out making me glare at him. “I mean, knowing that there’s a lot of people here, if he did not really want to show his face, he wouldn’t go, right?” he added. I then responded at him with a nod but then I stopped midway as I look straight into his eyes which it seems like he didn’t expect getting him off-guard at my sudden curious look at him. “You know what, I just noticed, you seem to be familiar in this industry. Do you have any history in here?” I asked genuinely curious. A nervous look registered on his face which was then changed into a laughing one. He then scratches his neck and holds both of my shoulders. “Khatalina,” he started. I then let mu eyebrows furrow a bit and responds, “Hmm?”. “You are not the only one who reads things like this all over magazines and the internet,” he continued making me blink twice at his answer and did not manage to respond. He then went back to his high chair where his painting is left unfinished. “Zyliania, get your ass back here!” he shouted making my eyes grow wide scared of people recognizing me. Good thing, he called me by my second name and not my first name or surname. I then walk back where we are earlier and went straight beside him to look at his painting expecting that it will look like a masterpiece as I feel so tense earlier for him staring at me intently. “Pfft—what kind of s**t is this, Jaxen?!” hindi makapaniwala kong singhal nang mapadako na ang tingin ko sa pagkalaki-laki niyang canvas na pinintihan. His drawing is just a blue gradient and a stick figure drawing in the middle. The only thing that he copied was my posing earlier. “What?” he asked innocently as he looks at me. Narinig ko naman na tumatawa iyong staff kanina kaya naman kinagat ko iyong dila ko para hindi matawa dahil napakaseryoso niya kanina magpinta na para bang bawat detalye ng katawan ko ay ipinipinta niya ngunit kasalanan ko nga naman na nag-expect ako dahil gaya nga ng sabi niya kanina, “little bit” lang siya marunong mag-paint. Hindi ko naman alam kung okay lang ba na tawanan ko iyong gawa niya o baka seryosohin niya dahil nga sa seryoso at focus na focus siya kanina na para banag nakataya ang buhay niya rito. “N-nothing,” saad ko nalang. Napatawa naman siya saka tumayo na dahilan para mapabuntong hininga ako at mabawasan ng tinik sa dibdib. Lumapit naman siya roon sa canvas saka ibinuhat ito at naglakad palapit doon sa babaeng staff at may binulong rito saka iniabot sa isang lalaking staff iyong canvas. Hinayaan ko na sila mag-usap saka muling lumapit sa ilang mga nakamamanghang bagay na naroroon pa sa museum at sinagad ang aking lakas malibot ang bawat sulok ng museo at masubukan lahat dahil nga sa hirap makakuha ng ticket dito. Masaya namang nakisabay lamang sa akin si Jaxen buong hapon hanggang sa mapagpasyahan na nga naming bumalik sa school para kunin iyong sasakyan ko saka umuwi dahil kakailanganin ko ang sasakyan ko para pumasok kinabukasan sa school. Kahit pa nakasakay na ako sa sasakyan ko ay sinamahan niya parin ako makauwi sa pamamagitan ng pagbuntot niya sa sasakyan ko. Agad naman akong bumaba ng sasakyan nang makahinto ako sa tapat ng gate ng bahay ko at pindutin iyong doorbell nang mapagbuksan ako ni Nanay Neli. Bumaba rin naman si Jaxen ng kaniyang sasakyan saka dahan-dahan pang naglakad papalapit sa akin. “Thank you so much, Jaxen. You don’t know how much I enjoy your effort to stay with me through the day and appreciate you making me happy,” I said thanking him for the moment he got closer to me as I cannot help but smile at him. “Ano ka ba, wala ‘yon. Ganito talaga ako kabait,” biro pa niya saka ako nginitian pabalik at pinisil pa saglit iyong pisngi ko. “Also, sorry pa rin na nadamay ka sa ginawa ni Pauline. Although we both know that it might be something that has to do with Renzial, it is not valid for her to do such thing and idamay ka pa. It is immature,” hingi ko namang paumanhin sa kaniya. Sumeryoso naman siya ng mukha saka ipinamulsa ang pareho niyang mga kamay. “You have nothing to say sorry about that. She should be the one saying it. Anyway, just make sure to have a good night's sleep and talk things out with her tomorrow. Cause I feel like it would bother you having someone who used to be your friend betray you—I mean, who wouldn’t be, though, right?” he said staring directly into my eyes. I then smiled again at him and gently nod my head as I authentically appreciate his words. “I will. Thank you. Anyway, go home na rin and take a rest. Get a good night's sleep,” I responded. “You, too, Khatalina,” he said as he smiled and started to face his car and walk towards it. He manages to take a quick glance at me before he jumps into his car and drive away from my place. Sinundan ko lang ng tingin iyong sasakyan niyang palayo hanggang sa mawala na ito sa aking paningin at sakto namang bumukas na ang gate kaya naman muli na akong bumalik sa sasakyan saka ipinaandar ito papasok ng gate. Hindi ko naman maiwasang magtaka kung bakit medyo natagalan si Nanay Neli sa pagbukas ng gate ngunit agad ko nalang itong binaliwala dahil baka may ginagawa lang siya ngayon. Nakita ko naman si Nanay Neli na naglalakad palabas ng bahay na nakatingin sa may likod niya kaya naman agad napadako ang tingin ko sa isang imahe na sumulpot sa likod niya na mukhang kausap ni Nanay Neli at kasamang salubungin ako. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi inaasahang bisita sa aking bahay. Pilit kong pinakalma ang sarili bago ko mapagpasyahang bumaba na ng sasakyan at maglakad papunta sa direksyon ni Nanay Neli at ng kaniyang kasama. “Finally, naka-uwi ka na, hija…” nakangiting bati sa akin ni Nanay Neli nang makalapit ako na nginitian ko lang din pabalik saka agad na binalingan iyong lalaking katabi niya na nasa edad 47 na ngunit fit na fit pa rin ang pangangatawan. Inabot ko naman kaagad iyong kaniyang kamay saka nagmano. “Napabisita po kayo, papa?” tanong ko sa kaniya matapos mag-mano. Nginitian niya naman ako saka mahigpit na niyakap kaya napangiti rin naman ako at niyakap siya pabalik nang sobrang higpit. “Mabuti naman at malusog ka, anak…. Akala ko buto’t balat ka na!” saad ni papa saka inaya na ako papasok ng bahay dahil baka raw mahamugan pa ako na siya ko namang ikinatawa. “Mukhang maayos naman ang pag-aalaga sa iyo ni Nanay Neli, ah? Sa trabaho ba, anak, nagpapahinga ka naman?” tanong pa niya. “Ihahanda ko na iyong hapunan ninyo,” natutuwang saad ni Nanay Neli. Naupo naman kami sa couch ni papa. “Opo, hindi ko naman po sinasagad iyong sarili ko,” paninigurado ko sa kaniya na siya namang ikinatango-tango niya. I then look at my father who looks youthful than when he was younger. I am happy that he is now able to take care of himself as I am the one who’s earning now and sila na ni mama iyong nakakapag-relax. He also changed by the way he treats me younger. Ngayon ay siya iyong mas malapit sa akin sa buong pamilya namin. “Kamusta naman ang school mo? Marami ka bang kaibigan?” tanong pa niya saka ipinatong ang paa niya sa coffee table. Sumandal naman ako sa couch para ma-relax. “Ayon, okay naman po. Masaya pa rin,” sagot ko nang hindi siya tinitignan. Even though he is the closes family member I have, I don’t share my problems with him or any members of my family. I don’t know why, but I am much more comfortable sharing my problems with friends I trust than my family because I know that they wouldn’t just get me. “Eh ang love life? May nanliligaw na ba? Baka naman sinusungitan mo parin mga nagbabalak manligaw sa iyo?” tanong pa niya saka napatawa. Napangiti naman ako at napailing. “Hindi naman po, ayoko lang po talaga makipagrelasyon po muna…” sagot ko sa kaniya. “Handa na po iyong pagkain ninyo. Kain na kayo,” anunsiyo at aya sa amin ni Nanay Neli kaya naman mabilis na kaming tumayo ni papa saka naglakad papunta sa dining room. Agad kong ipinana ang tingin ko sa mga pagkaing nahapag sa ibabaw ng lamesa kung saan may tatlong plato ang nakahanda na kakainan naming tatlo. Mayroong chicken curry na niluto si Nanay Neli at mga tinapay. Naupo naman na ako sa puwesto ko at ganoon din sila. “Salamat sa pagkain, Nanay Neli,” pasasalamat naman ni papa kay Nanay Neli. Sabay na silang nagsimula kumain saka sumabay narin ako. “Siya nga pala, kamusta na ang pakikipaglaban mo sa CLAW?” my father asked with his mouth still full of foods. “Maayos naman po, nagbabalak po ako mag-propose ng project with the CLAW kaso mukhang mahihirapan kaming i-contact sila dahil sobrang private po,” sagot ko saka kumuha ng tinapay at pumilas nang kaunti rito para isawsaw sa curry. “Talaga? Tungkol saan naman iyong proposal mo?” tanong ni papa na hindi nanag-aksayang tapunan ako ng tingin at nakatingin lang sa kinakain niya. “Secret,” saad ko na ikinaangat naman niya ng tingin sa akin ngunit hindi na natanong pa at awkward na napatawa. “Siya nga pala, Khatalina,” he said making me infer what is he about to say. “Po?” tanong ko. “Malapit na ang kaarawan ni Dorothea,” panimula niya. Hindi naman ako umimik saka nag-focus lang sa kinakain ko. “Uuwi ka ba roon? I mean, kung busy ka naman, maiintindihan naman namin at baka puwedeng magpadala ka na lamang ng pera panghanda niya? Gusto kasi ni Dorothea ng malaking pagtitipon,” pagpapatuloy niya. “Taray,” tanging nabanggit ko lang. “Alam mo naman iyong kapatid mo, mas maarte pa sa iyo at baabeng- babae,” natatawang saad naman ni papa. “How big are we talking about?” I asked referring to what he said earlier. “Hindi ko alam pero mukhang buong school niya ata ang balak niya?” hindi siguradong sagot ni papa na siya kong ikinakunot ng noo. “How old is she again?” tanong ko sa kaniya saka tinignan siya. Napalunok naman si papa ng nginuguya niya. “Mag- nine na siya,” sagot naman niya. “Bakit naman buong school iyong balak niya imitahin—I mean, okay lang naman po pero lahat ba ng mga iyon ay kaibigan niya?” tanong ko sa kaniya. Napakamot naman sa noo si papa at hindi mapakali ang mata na para bang naguguluhan. “Hindi ko alam, anak…” sabi niya na lang. Ibinalik ko ang tingin ko sa chicken curry ko. “Iba pa iyong regalo niya?” tanong ko at nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumango siya. Tumayo naman na si Nanay Neli at nagpaalam na tapos na siya kumain saka umalis ng dining room. “Aren’t we making it too big? I mean, elementary student pa lang siya at mga bata lang iyang school mates niya, they don’t care pa about such reputation she’s trying to build. I would understand pa kung nasa high school na siya eh pero elementary, pa?” saad ko saka muli siyang binalingan. Nanahimik lang naman siya at nag-focus na sa kinakain niya kahit pa nakaguhit sa kaniyang mukha ang disappointment sa sinabi ko. Hindi narin naman na ako umimik dahil sa halo-halong mga nangyayari ngayong araw. Everything suddenly feels tiring…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD