Naging masaya ang reunion nilang mag-iina. Si Xander lang talaga ang wala.Tinatawagan nila ito pero palaging out of reach ang numero nito. "May alam ba kayo kung nasaan ngayon ang bunso ninyong kapatid? Malilintikan talaga 'yon sa'kin kapag nagkita kami," usisa ng kanilang ina. Nagkibit-balikat lang si Kent. "Ma, alam naman natin na busy 'yon sa trabaho niya. Tsaka, matanda na 'yon." "Matatanda na nga kayo pero sakit pa rin kayo sa ulo. Tsaka kailan ba kayo mag-aasawa? Lalo ka na Ethan, bente nueve ka na." "Bata pa ko, Ma! Tsaka ikaw ang unang makakaalam kung mag-aasawa na ako," sagot ni Ethan. "Siguraduhin mo lang, gusto ko na ng apo. Alalahanin ninyong matanda na ako kaya bago man lang ako mamatay, makita ko muna ang magiging apo ko mula sa inyo." P