Magaan ang pakiramdam niya ng magising ng umagang iyon. Lihim siyang napangiti ng maalala ang nangyari kagabi ngunit hindi niya maiwasang nakaramdam ng takot sa kung saan pwedeng mapunta ang relasyon nila ni Ethan. Umaasa ang puso niya na sana ay totoo ang nararamdaman ng binata para sa kanya pero may bahagi ng kanyang utak ang hindi pa rin kumbinsido. Sana lang ay hindi niya pagsisihan ang mga gagawin niyang desisyon.
Bahagya pa silang nagkagulatan ni Ethan ng mabungaran niya ang binata sa labas ng unit niya.
"Boss?" untag niya dito."What are you doing here?"
"Yayain sana kitang mag-almusal, yun ay kung okey lang sayo." Mukhang hindi inaasahan ng binata ang biglaan niyang pagbukas ng pinto.
Tamang tama pa ang pagdating nito, kung kailan hulas na hulas na siya. Amoy pawis na pati siya. Saka pa bigla na lamang sumulpot. She'd been cleaning and moping around her place hanggang maisipan niyang kolektahin ang mga basura upang itapon.
"Tinatamad akong lumabas ngayon. Kung gusto mo, pumasok ka sa loob at ipagluluto na lang kita. Make yourself comfortable. Maliligo lang ako saglit." Iniwan niya muna ang binata. After for about half an hour ay binalikan niya ito. Hindi niya mapigilang mailang lalo na at panay ang titig nito sa kanya.
"Ipagluluto mo talaga ako?" Ethan asked in amusement. He couldn't suppressed his smile.
"Alam ko naman na kukulitin mo 'ko hanggang sa pumayag ako pero wala talaga ako sa mood na lumabas ngayon eh," untag niya sa binata habang nagpatiuna na papunta sa kusina. Kumuha siya ng bacon, itlog at hotdog sa ref niya. Sana lang ay kumakain ang binata ng mga iluluto niya dahil wala talaga siya mood na lumabas ngayon. She isn't the type of woman who likes being out mostly in a party. She'd prefer watching romantic movies.
Nagsimula na siyang magluto ng maramdaman niya ang presensiya ni Ethan sa kanyang likuran. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang batok.
"Smells good," anito.
"Wag ka diyan sa likuran ko!" sikmat niya sa binata."Yong hininga mo, tumatama sa batok ko!"
Narinig niyang napatawa si Ethan sa kanyang likuran.
"Hmm, nasa batok pala ang kiliti mo, ha?" Nakangiti ang binata habang papalapit sa kanya.
Agad siyang humarap sa binata at iwinasiwas ang siyanse sa harapan ng nito. A mischievous smile was visible on his face.
" Ethan, ha...wag kang lalapit sa'kin. Malilintinkan ka talaga. Ihahampas ko 'tong hawak ko sayo.
Magtimpla ka na nga lang ng orange juice," aniya habang sinusupil ang ngiti sa mga labi.
Agad na tumalima ang binata sa sinabi niya. Inayos na rin nito ang lamesa at kinuha sa kanya ang almusal nila.
"Kain na tayo, kanina pa talaga ako nagugutom eh." Pinaupo siya ng binata at nagsimula na silang kumain.
Isang mahinang tango lang ang naisagot ng dalaga as she stared at him.
"Siyanga pala, nakapag-impake ka na ba?" tanong sa kanya ng binata.
"Kagabi pa boss," sagot niya.
" Will you please cut that boss thing, nakakairita na eh."
"Bakit ba? Nagagalit ka nga dati kapag hindi boss o sir ang tawag sayo eh!"
"Dati 'yon! Tsaka ikaw naman 'yan eh. Kahit pa love, sweetheart o babe ang tawag mo sa akin ay okey lang.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito." Hindi uubra yang pagpapa-cute mo Ethan, ha?
"Hindi naman ako nagpapa-cute kasi alam ko naman sa sarili ko na gwapo talaga ako!"
Umungol si Jade habang matiim na nakatitig sa binata.
"Saan banda ang gwapo?" sabay tayo niya at umikot sa binata.
Biglang natilihan si Jade sa pagkakatayo sa likod ni Ethan nang bigla itong humarap sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya at hinuli ang kanyang mga kamay. Sa kabila ng pagkabigla ay naroon ang hindi niya maiwasang pananabik na umahon sa kanyang dibdib. Ito pa rin ang binatang minahal niya the first time she saw him. Tall, mestizo-handsome, broad-shoulder and those piercing and mesmerizing eyes that she loved the most.
Napaigtad siya ng hawakan nito ang dalawa niyang kamay at inilagay sa mukha nito.
"Heto ang gwapo oh...." Kasunod nun ay dinala nito ang kanyang mga kamay sa dibdib patungo sa ibaba.
" Ethan! Ethan! " impit siyang napatili sa ginawa nito.
"Babe, relax...I was just teasing you." He was chukling so hard.
"Nakakainis ka.."
The breakfast they shared was so simple yet it was the best breakfast she'd ever had.
"So what are you gonna do today?" mayamaya ay tanong ng binata sa kanya.
" Nothing in particular. Baka matulog na lang ako maghapon.Tinatamad nga kasi ako ngayon."
Nangunot ang noo ng ni Ethan, "Date na lang tayo mamaya."
"Abusado lang...Nakapag-almusal na nga eh.."
"Pumayag ka na. Ako na lang maghuhugas ng pinagkainan natin, please...."
"I wasn't about to say no, pero ikaw pa rin ang maghuhugas ng plato no!"
"Yes! Its a date then." A smile was plastered on his face.
May kung anong humaplos sa dibdib niya habang pinanonood si Ethan na maghugas ng plato. Kinakapa niya ang sarili kung kinakabahan siya o ano. Huminga siya ng malalim hoping and praying that all her fears of falling for him even more could vanish instantly.
" Pagkatapos mo diyan, pwede ka ng umuwi," untag niya sa binata.
"Agad agad talaga? Hindi pa nga nadi-digest iyong kinain ko tapos ipinagtatabuyan mo na agad ako eh..." kunwari ay natatampo ito.
"Naku-nako! Hindi mo ako madadala sa paganyan-ganyan mo." Ipinagtulakan niya talaga ito palabas ng condo niya pagkatapos nitong maghugas ng pinagkainan nila. Nagpatianod naman ang binata sa kanya.
Pagkalabas nito ng condo niya ay walang babalang hinapit siya nito sa baywang at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi kaya malaya nitong napaglandas ang dila sa loob ng kanyang bibig. Napahigpit ang hawak niya sa braso nito ng palalimin pa nito ang halik. Hindi niya alam kung papaanong magrereact sa halik nito. Isang mahinang ungol ang kumawala sa kanya ng mas lalong pagdikitin ng binata ang kanilang katawan.
Bahagya silang nagulat nang bumukas ang pinto sa katapat na unit niya. Itinutulak niya ang binata ngunit mahigpit ang hawak nito sa kanyang baywang.
"Ano ba Ethan? Bitawan mo na ko. Nakakahiya tuloy."
"Not so fast babe." Isang halik pa ang iginawad nito sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit. " I'll pick you up at 7 tonight. Wear something casual, okey?
Isang tango lang ang naisagot niya. Para kasing napakabilis ng mga pangyayari.
Kaalis lang ng binata ng may kumatok ulit. Nagulàt siya ng mapagbuksan ulit ang binata.
"I forgot something!" Bago pa siya makapagtanong ay sakop na ulit nito ang kanyang mga labi. Habol nila parehas ang hininga ng pakawalan siya ng binata.
"I love you babe," bulong nito sa kanyang tainga pagkatapos ay lakad takbong umalis ng condo niya. Hindi siya makapagsalita at nanatiling parang tuod habang nakatanaw dito. Lumingon pa ito at kinindatan siya bago lumulan sa elevator.
That man could be the death of her. Nang dahil sa ginawa nito ay wala siyang ibang marinig kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso. Mukhang hindi naman ata siya makakapagpahinga nito buong maghapon.
Buwisit talaga ang lalakeng iyon!
Abala siya sa paghahanap at pagpili ng damit na susuutin niya mamaya nang makita niyang umilaw ang kanyang cellphone. Pangalan ni Ethan ang nakarehistro roon.
Huwag ka ng masyadong magpaganda mamaya, baka lalo akong mahulog sayo.
Kunwari ay galit galitan pero sa loob-loob niya, kilig na kilig naman siya.
Yeah. Don't have to. I'm already beautiful in many ways, sagot niya sa mensahe nito.
Nakita na lang niya na tumatawag ito. Hindi niya sinagot. Mas enjoy siyang basahin ang mga text nito.
Answer it, babe.
Nai-imagine niya ang itsura nito ngayon. Nakailang ulit na kasi itong tumatawag ngunit ni isa ay hindi niya sinasagot.
See you later. Ingat. She hit the send button before turning off her phone. Alam niya kasing hindi siya nito tititgilan. Hahayaan na muna niyang matuliro ito sa kakaisip. Aba! Ilan taon din niyang itinago ang lihim na pagtangi sa binata. Since that day na unang beses niyang nakita ang mukha nito sa isang magazine, nagustuhan na niya ito. Alam niyang suntok sa buwan ang mapansin siya nito at hindi rin naman siya umaasa noon na masusuklian ang nararamdaman niya para dito but destiny brought him to her. Nagkataon na noong kailangan niyang mag-OJT sa kumpanya nito kaya nabigyan siya ng pagkakataon bilang isang junior architect.
Looks like fate and destiny brought them together. Sana nga lang ay totoo lahat ng ipinakikita ni Ethan sa kanya. Dahil ngayon pa lang niya binubuksan ang puso niya para rito.