Dalawang araw na ang nakaraan ng lumipat sila sa bahay ng binata. Alam niyang may bumabagabag rito, hindi lang nito maamin sa kanya pero halata sa kilos. Napapatulala ito minsan at kapag tinatanong naman niya kung ano ang problema, kaagad na sinasabi nito wala naman. She has to do something. Ayaw niyang mag-uumpisa silang bumuo ng pamilya ng may itinatago sa isat isa. Mabuti ng sabihin at nang magawan agad ng solusyon. Alam niyang hindi iyon sasabihin ng binata kaya siya na lang ang gagawa ng paraan. Noong isang araw pa niya ito inaantay na magkwento sa kanya pero hindi ito nagsalita. Palaging umiiwas. Siya na ngayon ang gagawa ng paraan malaman lang ang bumabagabag dito. Kailangan din niyang malaman ang nilalaman ng kwartong iyon dahil gayon na lamang ang paghihigpit nito sa kasambahay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books