Chapter Six

1371 Words
Nagising si Jade ng umagang iyon na maganda na ang pakiramdam. Sinulyapan niya ang relo sa side table, alas sais palang ng umaga. Agad siyang nagpunta sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili. Nagpunta siya ng kusina at nagtimpla ng kape. Tinungo niya ang beranda habang sumisimsim sa kanyang kape. Mula roon ay tanaw niya ang malawak at asul na karagatan. Sa loob ng ilang araw na pananatili niya roon, ang lugar na ito ay isang paraiso sa kanya. Bagaman apektado ito ng modernization, nanatiling pribado ang lugar na iyon. Masuyo niyang ninanamnam ang kanyang kape ng biglang kumunot ang kanyang noo nang makita ang paparating. She sigh irritably. Seeing this woman at this hour makes her heart boil in anger. Parang bulate kung makakendeng. Impaktita talaga.        "Where's Ethan?" maarte nitong tanong sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Bakit mo naman naisip na narito si Ethan?" Nagkibit balikat ang babae. Mapanuri ang bawat tingin nito sa kanya. "Nagpunta kasi ako sa opisina niya sa Quezon City, ang sabi ay nandito daw siya."         "Hindi ako lost and found para sa akin mo hanapin si Ethan. At pwede ba, umalis kana at sinisira mo ang araw ko eh." Sinikap niyang kontrolin ang umaahong galit dito.         "Aba't...malandi kang babae ka. Malaman-laman ko lang na kinakalantari mo si Ethan. Malalagot ka sa'kin," mataray nitong sabi sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Kung malandi ako, ano ka pa? Wag mong ibaling sa akin ang mga gawain mo .Tsaka baka hindi mo mahanap iyong tao kasi ayaw talagang magpahanap sayo!" Nakita niya ang pagsiklab ng galit sa mga mata nito. Nagpupuyos itong umalis palayo. Ilang minuto ng nakakaalis si Veronica subalit nanatiling nakatayo sa may beranda si Jade. Tumaas baba ang dibdib niya sa galit at inis sa babaeng yun. Agang-aga eh, bwesit na siya. Nakakainis isipin na isa ito sa mga nakaraang babae ng binata. Alam niyag wala siyang karapatan na magselos subalit iyon ang nararamdaman niya ngayon. She closed her eyes. Hindi niya gustong isipin ang mga bagay na iyon. Akma na siyang papasok ng dumating ang binata.         "Hello, Jade. Good morning!" he uttered her name tenderly. Pinaglakbay ng binata ang mga mata nito sa kanyang kabuuan. She saw the desire and hunger in his eyes ngunit kailangan na hindi siya agad magpadala sa ipinapakita nito.         "Anong kailangan mo, Ethan?" Kalmante niyang tanong kahit sa loob-loob niya ay nanggigigil siya sa inis dito.           "I just want to have breakfast with you."           "Bakit hindi si Veronica ang yayain mong kumain," singhal niya rito.           "What?" marahas nitong tanong sa kanya. "Bakit napasok sa usapan ang babaeng 'yon?" Nanatili siyang walang imik subalit hinawakan siya sa braso ng binata at hinila palapit dito. He cupped her face as he stares at her lovingly.           "Jade, listen," pakiusap nito. "Anumang nangyari sa nakaraan, nakaraan na 'yon. Inaamin ko iyon at sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sa'yo na totoo ang lahat ng ipinakikita ko. Please hear me, babe. Alam ko rin na hindi madali para sa'yo na tanggapin ang mga sinasabi ko. But I promise that I will do everything within my power for you to believe me." Ang mga mata ng binata ay punung-puno ng emosyon at tumatagos iyon hanggang sa pinakaibuturan ng kanyang pagkatao. Sa mga sandaling iyon ay gustong bumigay ng dalaga ng sakupin ng binata ang kanyang labi. Napapikit si Jade. Gusto niyang mainis sa sarili dahil hindi niya ito magawang itulak. Nararamdaman niya ang pagbaba ng mga labi ng binata sa leeg niya at napasinghap siya sa ginawa nito. Ang mga kamay naman nito ay abala sa kanyang dibdib. Nanunukso ang mga kamay nito habang bumababa sa baywang niya, sa tiyan and down to her thigh pagkatapos ay pumanhik paitaas ang kamay ni Ethan cupping her breast fully. Ang mga labi nito sa kanyang bibig ay nagdadala ng kakaibang sensasyon .He teased her lips and then sipped them horridly. Nararamdaman niyang unti-unting nanghihina ang kanyang mga tuhod. Kung hindi siguro siya yakap ng binata, kanina pa siya natumba. He had that effect on her, making her weak.            "Oh,babe,you don't know how much I've wanted and love you," his voice hoarse. Her body in rigid excitement.            "Is this your way of saying good morning?" she asked teasingly.            "Sort of." She heard him chuckle as he hug her closely.            "Siguraduhin mo lang na tapos na kayo ng babaeng yun. Kung dumating man 'yong time na maging tayo, ayoko ng may kahati. Ngayon pa lang sinasabi ko na para may panahon ka pang umayaw." Napabuntong-hininga ang binata, "Bahagi nalang yun ng nakaraan ko, ikaw na ang mahal ko ngayon. I love you. Sana maniwala ka naman sa akin." She smiled.  "Maliligo lang ako. Antayin mo 'ko para sabay na tayong magbreakfast." Hindi na niya inantay ang sagot nito at tumakbo na papasok. Ilang minuto nang nakapasok sa loob ang dalaga ngunit nananatili si Ethan sa kanyang kinatatayuan.            "Damn, that woman! Para akong tanga rito habang nakangiti mag-iisa," ani ng binata sa sarili habang hinahampas-hampas ang dibdib sa tapat ng kanyang puso .Iba talaga ang epekto ng dalaga sa kanya. Natatandaan pa niya ang unang beses na nakita niya ito .She was angry when a man tried to touch her. And at that moment, he wonder what those eyes would look when they made love. May kung anong taglay ang dalaga that made him crazy inlove with her. Biglang nag-angat ng ulo ang binata ng lumabas ang dalaga. Blue jeans at puting blouse lang ang suot nito subalit napakaganda pa rin nito.            "You look beautiful, babe. Natatakot tuloy ako-"            "Bakit naman?" kunot-noong tanong ng dalaga.            "Tingnan mo namam! Andami mga lalake na nakatingin sa iyo. Gandang-gandang sila, " ani ng binata na akala mo talaga ay nagtatampo. Natatawang naiiling si Jade sa inaasta ng binata. Sa gwapo at yaman nito, mukhang nai-insecure sa ibang lalake Kung alam lang nito ang nararamdaman niya para rito.            "Huwag kang mag-alala dahil wala naman akong gusto sa kanila." Hindi makuhang salubungin ng dalaga ang mapanuring tingin ng binata.              "Look at me, Jade." He cupped her face and then said, "Alam ko naman talaga na wala kang gusto sa kanila dahil ang totoo, mahal na mahal mo ako at matagal ka ng naglalaway at nagnanasa sa katawan ko!"             "Siraulo kang lalake ka!" Alam niyang namumula ang kanyang pisngi.Pinaghahampas niya ang binata. Tawa ng tawa ang binata, "Ang ganda mo lalo kapag nagagalit ka. Ang sarap kurutin ng pisngi mo lalo na at namumula pa ito."              "Bolero. Halika na at kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh." Sabay hila niya sa binata.              "Ikaw nalang kaya ang almusalin ko?". pakli ng binata.    Agad naman niyang binitawan ang kamay nito at nagmartsa palayo dito ngunit agad na sumunod ang binata at hinuli ang kanyang baywang tsaka sinabayan siya nito sa paglalakad. Tinangka niyang tanggalin ang kamay ng binata na nakapulupot sa kanyang baywang ngunit lalo lang nitong hinigpitan iyon. Sinamaan niya ito ng tingin subalit ngumiti lang ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. Ipinaghila siya nito ng upuan ng makarating sila sa restaurant.            "Anong nakain mo?" tukso niya rito. Kumunot ang noo nito sa kanya, pagkuwan ay napailing. "Babe, maalaga ako sadya. Sweet pa."             "Babaero nga lang..." She stuck out her tongue on him. Nakita niya ang biglang pagsasalubong ng kilay nito. Namumula rin ang magkabila nitong tainga. Pati ang pag-igting ng panga nito ay tanda ng pagpipigil nito sa sarili.             "Let's eat," basag niya sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.             "Don't do it again," bulong ng binata. Alam niya ang tinutukoy nito ngunit nagkunwari siyang walang alam. She wiggled her eyebrow as she keeps glancing on him. Natutuwa siya sa reaction ni Ethan kapag tinititigan niya ito. Alumpihit ito sa tayo at hindi mapakali. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nila ng bigla na lang sumulpot si Veronica. Agad itong naupo sa tabi ni Ethan. Napataas ang kilay niya sa ginawa nito. Lihim niyang sinulyapan ang reaction ng binata.Naroon ang takot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nginitian niya ito, assuring him that it's all right. He then gave her an apologetic look. Matamis niya itong nginitian subalit nakapaloob sa mga ngiting iyon ang isang babala.     Makuha ka sa tingin!  bulong ng isip niya.                                                                                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD