Nagising si Jade ng dahil sa patuloy na pagtunog ng kanyang cellphone. Sinagot niya ito ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello," sambit niya.
"Good morning sleepyhead!" boses ni Ethan ang naulinigan niya sa kabilang linya. Bahagya ungol lang ang naisagot niya dito at nakatulog ulit siya.
Ethan on the other hand can't suppressed the grinned on his face. Napagod siguro ang dalaga kagabi kaya tulog pa rin hanggang ngayon. Ite-text niya na lang dito kung anong oras niya ito susunduin. His heart is full of excitement knowing that they'll be working together. Meaning to say, that he'll have much time to seduce and make her fall in love with him. Napapailing at natatawa na lang siya sa mga naiisip niya.
Mag-aalas dos na ng hapon ng magising si Jade. Kaagad niyang nabasa ang text ni Ethan. Nagmadali siyng naligo at nag-ayos ng sarili. Maya maya lang ay baka dumating na ang binata para sunduin siya.Tinext niya ito na siya na lang baba.
Napasulyap si Ethan sa kanyang relo. Pasado alas tres na at sinabi ng dalaga na pababa na ito. Maya maya ay nakita na niya itong naglalakad palabas. As usual ay natigilan siya ng makita ito. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa in a mixture of adoration and satisfaction. She's a woman of beauty and simplicity. Her hair hanging loosely on her shoulders with no make up, just a pink matte lipstick. White shorts and a navy blue long sleeves shirt with a white sneakers to complete in.
Pinagbuksan niya ito ng pinto ng sasakyan. Nalanghap niya ang pabango nito sa ere.
"Thank you." She smiled at him teasingly. Napakunot ang noo niya rito.
" Bakit?"
She made a face. "Wala naman. Ang gwapo mo pala talaga."
Biglang napaubo ang binata sa sinabi ng dalaga. "Huwag mo naman akong gulatin ng ganyan. Bumibilis tuloy 'yong t***k ng puso ko dahil sayo." Kunwari ay sinuntuk-suntok pa ng binata ang dibdib nito.
Natatawa na lang siya sa kakornihan nito. The long drive they was fantastic. There was never a dull moment when she's with him. In less than two hours ay narating nila ang Calatagan, Batangas. Ang i-dedevelop nilang hotel ay nakaharap sa dagat. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ang tanawing iyon, pero natitigilan pa rin siya sa tuwing nasisisilayan iyon. The crystal-clear, shimmering emerald water mirrored the sky.
"That's just breathtaking, isn't it?" usal ng binata habang nakatitig sa animo walang hangang karagatan.
"Yeah," sagot niya.
Nakangiti siyang bumaling sa binata. Maaliwalas ang awra ng binata. Naglakad ito papunta sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Hinila siya nito pabalik sa resort kung saan sila pansamantalang mananatili. Isang buffet dinner ang inihanda ng resort kung saan exclusive member si Ethan.
"We should probably get our food." Naglakad na ang binata papunta sa mesa kung saan nakaserve ang mga pagkain.
Sinundan niya ang binata. Nilagyan ni Jade ang plato niya at humagilap din ng bottled water para sa kanila.
"May mango juice ba?" she muttered as she search for a mango juice.
"Uhm..." Tumingin ito sa paligid. " I'll check if they have some. Maghanap ka na lang ng mauupuan natin.
Napakagatlabi na lang si Jade, "Kung wala naman ay okey lang."
Umalis sa tabi niya ang binata at naghanap nga ng mango juice. Siya naman ay naupo na sa isang mesa kung saan may kalayuan sa ibang turista.
Ethan was all smiles when he came back, "Maswerte ka at meron sila."
Inabot nito sa kanya ang mango juice at nagsimula na silang kumain. Kinuha ng binata ang plato niya at ito ang magbukas ng alimango at nagbalat ng hipon.
"Thank you. You're good at that," komento niya sa binata. Ibinalik nito ang plato niya at nagsimula na silang kumain.
Isinubo niya ang hipon at kumalat sa bibig niya ang flavor nito. Sarap na sarap siya sa kinakain niya kaya hindi niya namalayang tinititigan siya ng binata habang kumakain.
"Staring is rude, you know.." banayad niyang akusa dito.
"Masaya lang ako na nasarapan ka sa pagkain. Kumain ka lang ng kumain, mamahalin pa rin naman kita kahit mataba ka pa!"
"Ethan!" tili niya. Muntik na siyang mabulanan dahil sa sinabi nito.
Tatawa-tawa lang ang binata habang nakatingin sa kanya.
Natuon ang mga mata niya sa binata and a sudden joy leap from her. Hinagod niya ng tingin ang gwapo nitong mukha. Her eyes moved down to his body. Muscles all over in perfect shape dahil sa exercise.Lihim siyang napapangiti sa ginagawa niya. Biglang nag-angat ng tingin ang binata kaya nagkunwari siyang nakatingin sa karagatan habang umiinom ng mango juice.
Maingat na ginagap ng binata ang kanyang kamay at pinisil-pisil iyon. "Doon muna tayo sa may dalampasigan pagkatapos nating kumain, ha? Gusto pa kitang makasama."
"Okey lang sa akin. Tsaka napakaganda dito sa Calatagan. Sayang naman kung hindi natin susulitin di ba?" she said smiling a little. Her eyes shining in innocence that made him feel warm.
Itinaas ni Ethan ang kamay at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon, he was able to get hold of his lust and passion for a woman. How come he fell inlove with this woman? Wala sa hinagap niya na darating ang araw na magseseryoso siya at pag-uukulan ng pansin ang dalaga.
Magkatabi sila ng binata habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan. The water shimmered in the evening light. It looks peaceful and calm. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat. It was a beautiful place and maybe, if given a chance, just maybe she could live here.
"What's your favorite band?" kapagdaka ay tanong ng binata sa kanya.
"Six Part Invention," sagot niya rito. "Sa'yo?
"I don't have one in particular. Basta nagustuhan ko ang message at ang grove ng kanta,okey na sa'kin.Past time mo?" tanong ng binata sa kanya.
"I always love to sleep," nakangiting sagot niya sa binata."I also love to eat and sing."
"Yeah,byou sing well the other night."
They stayed there talking and laughing. Aminin man niya o hindi, masaya at kuntento siya sa pag-aalaga at atensiyon ng binata. Gusto niya pang makilala lalo ang binata bago niya ito papasukin sa buhay niya. Sana lang ay hindi niya pagsisihan sa bandang huli ang pagsunod niya sa sinasabi ng kanyang puso.Kaya nang maramdaman niya ang pag-ikot ng kamay nito sa baywang niya, hindi na niya magawang mag-protesta pa.