CHAPTER 2.

1455 Words
HINDI MAIPINTA ANG pagmumukha ni Kittu habang nakaupo sa pang isahan na upuan. Nagpaalam si Marko sa kaniya na may titingnan at sandali lamang daw ito kung kaya't naiwan siya doon mag-isa. Ngunit kalahating oras na ang nakalilipas hindi pa rin ito bumabalik sa kanilang pwesto kung saan siya iniwan nito. Nakabusangot na pinagpapadyak niya ang magkabilang paa. Tila siya batang naagawan ng candy. Inis na inis siya at idagdag pang tila hindi nito pansin ang kagandahan niya at ang masakit pa iniwan siya nito sanhi para madagdagan ang pagdadabog niya sa kinauupuan. "Kitty Saavedra?" Isang boses na namumuo ng saya na nagmula sa kaniyang likuran. Walang sagot na napalingon siya. "Yes ikaw nga!" masayang wika nito. Nakasuot ito ng isang uniporme at hindi siya nagkakamaling waitress ito. Ngumiti siya, hindi naman siya suplada para hindi pansinin ang mga nakakilala sa kaniya. Nakangiting tumango siya. "Ang ganda mo!" masayang wika nito, na may halong pagka kilig. "Alam mo bang big fan mo 'ko? Lagi kong inaabangan ang pag rampa mo at pag labas mo sa telebisyon." Anito pa sa kaniya, pero simpleng ngiti lang ang isinasagot niya. "P'wedeng magpa picture ako saiyo?" Doon sumagot siya. "Sure po!" maikling wika niya saka tumayo siya sa pagkakaupo. Click! Tunog ng camera. "Puwedeng isa pa?" hirit pa ng waitress sa kaniya, pumayag ulit siya. Click! "Salamat huh, sulit talaga ang pag waitress ko po ngayon dito. Bukod sa mahal na ang pagbayad sa 'min. Nakita ko pa ang iniidolo ko. Salamat po talaga!" Masayang pahayag ng waitress sa kaniya. Pilit ngiting tumango siya. “Your welcome ganda," sagot niya. "Puwedeng umalis na 'ko, baka kase tinatawag na 'ko sa loob?" "Ay! Sorry po! Okay lang po!" Masayang sagot nito sa kaniya. At dahil nasa gilid siya ng mga halaman, ngunit natatanglawan naman siya ng maraming ilaw. Nagpasyang pumunta siya sa kabilang side kung saan malamlam din ang mga ilaw na nagmumula doon, at hindi niya masabi kung ilan ba ang mga taong naka umpok bawat sulok. Hindi na siya bata para hindi makakita ng mga bagay na bawal sa kaniyang mga mata. 25 na siya! Hinayaan niya ang paang lakbayin ang daan at daanan ang mga kapwa may kapartner at walang pakialam ba kung may makakita sa mga ito. "Puwede naman silang kumuha ng hotel." Bulong na lamang niya sa sarili dahil may dinaanan siyang nagtutukaan sa dilim. Bakit ba kase napuntahan niya iyon? Oo nga pala, hinahanap niya si Marko. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng maaninag na niya ito. Kahit may kadiliman nakilala kaagad niya ang lalakeng nakatayo, nakatalikod at nakatukod ang dalawang kamay sa pader at nasa loob ng baraso nito ang babaeng ngayon lamang niya nakita. Hindi mapigilan na rambulin ang dibdib niya sa kaba. Hindi siya nagkakamali si Marko ang nakikita niya doon. Agarang may nanulay na selos sa kaniyang pakiramdam. Kaya ba sobrang tagal nito dahil may kasama itong babae? Agarang nanakit ang dibdib niya, tila ba hindi tanggap ng kaniyang puso ang nakikita. Habang papalapit siya ng papalapit sa dalawa lalong niraragasa ng kaba ang dibdib niya. Sandali lang magka daop labi na ang mga ito, tila ba paulit- ulit na tinutusok ng ilang karayom ang puso niya. Hanggang sa nasa harapan na siya ng mga ito at walang kamalay-malay na naka tunghay na siya sa dalawa. Tila may sariling isip ang labi niya, lakas loob niyang tinawag ang pangalan nito ngunit pautal. "K-kuya Ma-marko..." mahinang tawag niya sa binata. Mabilis naman itong bumitaw sa labi ng babaeng kasama nito at may gulat sa mukha ng makita siya. "Kitty?!" Banggit sa pangalan niya, hindi rin nagtagal nagbago din itsura nito na dati'y may halong gulat na ngayon ay mayroon ng pagtataka. "Mabuti alam mo kung nasaan ako? By the way, si Shyne, girlfriend ko." Pakilala nito sa kaniya. Ngayon, hindi na tusok ng karayom ang sumasaksak sa kaniya, kundi ilang sunod na saksak ng kutsilyo upang lalong magdugo iyon. Matagal siya bago nakakibo, pero pilit siyang nagsalita upang 'di siya mahalata ng babaeng kasama nito. "Kamusta ate Shyne? Nice to meeting you po." Magalang na bati niya kahit may halong selos at asar sa babaeng kaharap. Halatadong mas maedad ito sa kaniya ngunit malabong manalo ito ng kagandahan at kaseksihan dahil mas lamang siya rito. "Nice to meet you hija." Saka pinasadahan siya ng tingin na kahit malamlam ang ilaw na nagtutunghay sa kanila at hindi naman nakaligtas sa kaniyang mga mata. "Talagang maganda at sexy ka nga sa personal." Dagdag na wika pa nito. Imbes na sagutin niya ang winika nito bumaling siya ng tingin kay Marko. "Kuya Marko, baka puwedeng iuwi mo na po ako? Bigla po kaseng sumama ang pakiramdam ko." Pag dadahilan niya, ngunit ang totoo ayaw lang niyang makitang magdamag na magkasama ang dalawa. Oo nga pala anong laban niya sa girlfreind? Napabaling ang tingin niya kay Shyne ng sumagot ito sa pakiusap niya sa binata. "Naandiyan yung driver ko hija, puwede kitang ipahatid." Mabilis na presinta nito. Mabilis na napabaling ang dalawang mata niya sa binata. Ipapaubaya ba siya nito sa hindi niya kilala? Hinintay niya ang kasagutan nito. "Hayun naman pala Kitty. Ipahahatid na lang kita, huh? Don't worry mabait iyon." Sabay hakbang nito sa ilang pagitan nila at mabilis siya nitong inakbayan. My God! Ipauubaya siya ni Marko sa lalakeng hindi naman niya kilala. Simpleng napairap siya. "Matisod ka sana..." bulong niya na siya lang ang nakaririnig. "Shyne, puwedeng ako ang kumausap kay Dodong? Para alam kong makakauwi ng safe ang maganda kong kinakapatid." Anas nito kay Shyne. Agarang nanikip ang dibdib niya sa t'wing babanggitin nito ang salitang 'kinakapatid'. Oo nga pala inaanak ito ni Mommy nya pero mas gugustuhin niyang tawagin na lang siya nito'ng Kitty kesa tawagin siya ng ganoon. Para kaseng ramdam niyang pinagdidikdikan nitong kapatid lang talaga ang turing nito pag 'yun ang tawag nito sa kaniya. Mabilis naman dumating ang driver ni Shyne. Malungkot na nagpaalam siya sa dalawa habang nagawa ng yumapos ni Shyne sa binata. At ng makarating siya ng condo na tinutuluyan niya, padabog niyang ibinaba ang bag sa sopa at pahagis niyang binitawan ang sandalya sa inis ng maialis iyon sa paa. At dahil mag- a- alas dose na ng gabi, hindi niya kaagad nagawang makatulog. Naandoon pa rin ang sakit na nararamdaman. Sa tagal na nitong isinasama siya sa mga party ngayon lamang ito may ipinakilalang babae sa kaniya. Marahil, hindi pa ito sigurado nuon sa mga babaeng nababalitaan niya rito. Kung kaya't ngayon natitiyak na nitong si Shyne na ang gusto nitong makasama habang buhay kaya lakas loob ng ipakilala nito sa kaniya. Hindi napigilan, napaupo siya saka napahagulgol. Habang ang dalawang kamay niya'y naka patong sa maliit na mukha niya. Dumaan ang ilang oras na walang tigil sa pagpatak ang mga mata niya. Nagseselos siya ng sobra! "Bakit ba kase pinipilit ko ang sarili ko sa lalakeng kapatid lang ang turing? Pinilit ko naman alisin ka, uh! Bakit hindi ka mawala?!" tanong niya sa kaniyang sarili. Isang malakas na tunog ng cellphone ang nagpahinto sa kaniya. Sa una'y hinayaan niya iyon ngunit, paulit -ulit na tumutunog kaya ginawa na lamang niyang tingnan. Gulat siya ng makitang si Marko ang nasa kabiñang linya. Walang pagdadalawang isip na mabilis niyang sinagot iyon. "Nakahiga ka na?" bungad nito sa kaniya. "Opo." Maikling sagot niya. "Oh, bakit gising ka pa?" "Katatapos ko lang po kaseng maligo." pagdadahilan niya. Alangan sabihin niyang umiyak siya dahil sa nagseselos siya. Ngunit alam na niya ang isasagot nito. "Ilang beses ko na bang sasabihin sa iyo na huwag kang maliligo sa hating gabi tapos matutulog kang basa ang buhok mo?" mabigat na bigkas nito. Ayaw na ayaw siya nitong naliligo siya sa ganoong oras, pero ang totoo hindi naman niya ginagawa. Gusto lang niyang mag -alala ito para ma feel niyang mahalaga siya dito kahit turing lang nito ay nakababatang kapatid lang. "Nakauwi ka na ba kuya Marko?" "Huwag mong ibahin ang usapan Kitty!" asik nito sa kaniyang sagot, "Ilan beses ko bang ipaaalala saiyo 'yan?" Sa wakas pangalan din niya ang naitawag nito sa kaniya. May halong kilig at nabawasan ang kaniyang lungkot ng marinig iyon. "Nagtatanong lang naman po ako kung nakuwi ka na." "Oo naandito ako sa condo ni Shyne. Hindi na ako makakaumuwi at nakainom na rin ako." "Sa cond—." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makarinig siya ng isang boses. Kahit ngayon lamang niya narinig at nakita ang girlfriend nito. Tandang -tanda na kaagad niya ang boses nito. Segundo at nagpatuloy siya ng sasabihin ngunit pag papaalam na ang nabanggit niya rito. Nagpatuloy ang naudlot niyang pag iyak. Hindi na siya bata para hindi mahulaan kung ano ang mangyayare sa dalawa! Lalo na at kapwa nakainom ng alak ang dalawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD