CHAPTER 1.

1268 Words
"OH, BAKIT NAKANGITI ka d'yan?" Dinig niyang tanong ni Lino habang papalapit siya sa kinauupuan nito. Nasa sala silang magkakaibigan sa mga oras na iyon. Isang matamis at nakakikilig na ngiti ang isinagot niya rito. "Naku! Nababaliw na 'yan, Lino!" Segunda naman ni Lyka sa binata habang kapwa dalawa’y nakabaling tingin sa kaniya. Ipinatong ni Kitty ang cellphone sa table matapos niyang makausap si Marko sa telepono niya. "Hoy! Naandito kami!" bulyaw na wika ni Lyka sa kanya. "Tiyak Lino, nakausap na naman niya ang Marko na 'yan kaya kinikilig na naman ng ganyan ang bruhang 'yan!" Dagdag pa ni Lyka sa tinuran nito kanina. Si Lino at Lyka ay kaniyang matalik na mga kaibigan. High school pa lamang ng makilala niya ang dalawa dahil iisang room lang silang tatlo. Hanggang sa makatapos sila ng pag aaral maging sa kolehiyo iisang University lang sila nag- aral. Kaibigan na hindi lang masasabing kaibigan ang turingan nilang tatlo dahil mas higit pa doon ang tingin nila sa isa't isa. Parang ganoon lang kay Marko. Kuya Marko ang tawag niya pagnakaharap at lihim at matagal na niyang minamahal. Wala siyang isinekreto sa dalawa, maging ang lihim niyang pagmamahal kay Marko ay nabanggit din niya. Pabagsak niyang inuupo ang katawan sa sofa na tila nag i- imagine pa. "Hoy! Nababaliw ka na ba? Kanina ka pa nagsasalita kung ano ba ang isusuot mo? Saan ka ba pupunta at paulit -ulit mong binabanggit iyon?" mataray na tanong ni Lyka sa kaniya. Hindi pala niya namalayang paulit-ulit niyang nabibigkas iyon. Excited kase siya, may gaganapin na party ngayong gabi at dahil family bonding iyon ng mga friends ng pamilya nila, inaanyayahan ulit siya ni Marko at nakiusap ito na siya ang magiging kapartner nito. Kailangan maging maganda siya, yung tipong sa kaniya lang mapapako ang paningin nito. Hays! "Bakit mo ba kami pinapunta dito Kitty?" mabigat na tanong ni Lino. Mabilis naman siyang napalingon sa kaibigang binata. Ito yung tipong laging mabigat ang boses sa tuwing magtatanong ito sa kaniya. Pero wala sa kaniya iyon, sanay na siya rito. "Ano ba kayo? S’yempre nami-miss ko kayo!" malambing niyang sagot. Saka sabay na tumyo sa kinauupuan at niyakap niya si Lyka, sumunod naman si Lino na tanging ginawa naman niya ay umupo sa kandungan nito at isinukbit pa ang dalawang baraso sa leeg nito. Sanay na ito sa kaniya, ganoon siya kalambing sa binata. Pero kung may makakakita sa kanilang dalawa ni Lino, tiyak pagkakamalan silang mag jowa. Sa laki ba naman ng katawan nito tulad ng kay Marko kayang- kaya siya nitong ipangko. Pero kay Lino lamang niya iyon nagagawa at hindi sa Marko na 'yon. Umangat ang dalawang kamay nito at iniyakap naman nito sa kaniyang bewang. "Bakit ba at pinapapunta mo kami dito Kitty?” Ulit na tanong ni Lino sa kaniya. "Yuon na nga 'di ba? Nami -miss ko kayong dalawa. Bakit kayo ba hindi ako na mi-miss?" malamlam na balik tanong niya. "Sus bruha! Ikaw itong hindi nagpaparamdam ng ilang linggo, busy ka sa pag rampa mo!" mabilis na sagot ni Lyka sa kaniya. "Huwag ka ng mag deny Kitty, naka abang kami ni Lino sa telebisyon." Sabay ikot pa ng mga mata nito. "Kaya nga pinatawag ko kayo kase gusto kong magbonding tayo ngayong gabi sa labas." Sabay turo niya sa malaking harapan na puno ng damo. At dahil laging asikaso ng kanilang hardenero iyon lumalabas ang pagka ganda ng pagtubo nito. "Kaso tumawag si Marko, kailangan daw niya ng ka -partner sa isang family friends ng family namin," paliwanag niya. Sabay tumitig kay Lino na mabilis iniiwas naman ang dalawang mata nito. "So, ano pang ginagawa namin dito Kitty?" aniti at mabilis na napabaling ang paningin kay Lino ng masabi ni Lyka ang gustong sabihin at sabay tayo nito sa pagkakaupo. "Bukas babawi ako, ipagpapatuloy natin 'yong napag-usapan natin ngayon." "Hays! Nagyaya tapos 'di rin pala matutuloy! Nakakatampo ka na talaga Kitty! Kami na lang palagi ni Lino ang magkasama! Baka mamaya kami na rin ang magkatuluyan." Saka tumawa ng malakas sa sariling biro nito. "Pst! Walang talo!" suway niya rito kahit biro lang iyon ni Lyka! "Naku! Never kong magustuhan iyan girl! Kahit gwapo 'yang si Lino!" saka nagtaas kilay pa. Habang si Lino ay seryosong tumayo ng alisin siya nito sa kandungan nito. "Mauna na 'ko sa sa inyo,” paalam nito. At dahil may kaniya kaniyang kotse sila, hinayaan ni Lyka na umalis ito. "Wait Lino!" Pigil niya sa binata ngunit hindi siya nito pinakinggan. Ramdam niya ang pagtatampo nito. "Sige pigilan mo... Ewan ko lang kung pakinggan ka n'yan. Excited pa naman 'yan kanina ng mag chat ka sa group chat natin. Tapos ito pala ang ending. Drawing!" Anas ni Lyka sa kaniya kaya napabaling ang paningin niya sa dalaga. "Puwede huwag ka na munang umalis Lyka? Hindi mo ba ako na miss?" malambing na tanong at pakiusap niya rito. Sabay, sandig ng katawan niya sa balikat nito. "Wala naman ako magagawa, best freind kita. Yuon nga lang, parang mas marami yata ang time mo sa Marko na 'yon. Bakit hindi mo na lang ipaalam na may gusto ka sa kaniya? Kesa naman tila umaasa ka o naghihintay sa panliligaw niya sa'yo. Tiyak naman magugustuhan ka noon dahil sa ganda at sexy mo." Mahabang anas nito sa kaniya. Napabusangot siya, matapos lumabi. "Paano ba Lyka? Paano ko ba susimulan?" Aniyang tanong. Noong binalak niyang ipaalam sa binata na mahal niya natitigilan at nauudlot siya. Natatakot siya na baka hindi ito maniwala sa sasabihin niya at dahilan din para layuan siya. Ramdam naman niyang kapatid lang ang turing nito talaga sa kaniya. Ilan taon na ba niyang minahal ito? Dalawa, tatlo, apat, lima o hindi lang. Ganoon na niya ito katagal na minamahal at patagong minamahal. Tila yata ng ipinanganak na siya ng kaniyang ina at nakasulat na ito sa utak niya, sa puso niya. At dahil anim na taon ang tanda nito sa kaniya, kaya kuya ang tawag niya dito kahit labag sa kalooban niyang tawagin itong kuya. Kuya na kailanman ay hindi niya itinuring na kuya. Itinuring na kabiyak ng kaniyang puso. "Basta kasi!" maiksing wika niya sa kaibigan. "Anong oras ba ang alis mo? Oo nga pala mabuti wala kang rampa?" "Nagpapalit ako kay bakla dahil nga may bonding tayo. Espesyal kayo sa akin kaso nga lang sumingit si Marko." "At hindi mo nahindian gano’n? Nawala ang pagka espesyal namin pag-abot sa Marko na 'yan. Siguro nga lumayas na rin ako?" Sabay tayo nito sa pagkaka upo. "Wait naman Lyka! Mag k'wentuhan naman tayo. Ngayon ka lang ulit nagpunta dito tapos aalis ka kaagad?" malungkot niyang pigil. "Kitty, ang atensyon mo nasa Marko na 'yon! Teka, anong oras na ba? Mamaya gagayak ka na at aalis," sabay sipat nito sa relong suot. Maging siya'y napasipat din. Tama nga ito, isang oras na lamang at aalis na siya. Maliligo at mag- aayus pa siya ng katawan at mukha. Gusto niya siya ang pinaka maganda sa mata ni Marko. "Okay, sigaruduhin mo lang na tuloy tayo bukas. Dahil pag hindi tuloy, mayayari ka kay Lino. Alam mo naman laging sabik 'yun sa bonding natin tatlo. Lalo na at aakyat na naman 'yun barko at matatagalan na naman ang uwi." marahan siyang tumango. Seaman si Lino at Manager naman sa isang malaking mall si Lyka. Malayo man sa tinatahak niya ngayon pero wala siyang pakielam doon. Isa lang naman siyang sikat sa industruya ng pagmomodela at laging nakikita sa telebisyon. Kaya minsan sumasagi din sa isipinan niyang paganahin ang katawan at mukha para mapansin at maakit niya si kuya Marko niya, pero nauudlot talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD