Pagkatapos ay muli siyang pumasok sa loob. Huminahon na mga kapatid ni Kendra. Tumayo ang dalaga at nilapitan si Lyndon. “Ano ang sabi ni Aime?” usisa agad ng binata. “Puwede umuwi kana sa inyo, Lyndon? baka hinahanap ka ng tatay mo.” Sa halip ay sagot ng dalaga. Matamlay ang katawan at namamaos pa ang boses. “Huwag mong isipin ang pamilya ko dahil maayos sila. May mga nagbabantay sa kanila sa inyo wala. Ano ba ang nangyari sa kapatid mo?” mahinahon lang ang boses ni Lyndon ayaw niyang sabayan ang pinagdadaanan ng dalaga. Lumandas ang mga luha ni Kendra. “Niyaya raw siya ni Bandut sa talahiban. Noong isang araw raw ay binigyan siya ng tsokolate tas kanina pabalik-balik raw dito at may dalang pagkain. Ang sagot ng kapatid ko ay marami kaming pagkain. Umalis daw si Bandut at muling b