KANINA pa kita hinahanap saan ka nagpunta? Lumapit agad sa kanya si Lyndon nang makita siyang papalapit. Napahawak ito sa kamay niya at nag-aalala sa kanya. “Diyan lang nagpahangin. Ang ganda kasi dito sa farm ninyo. Saka na-out of place ako sa mga bisita tas iniwan mo pa ako dito. ‘Yong Tatay mo ayos na ba siya?” “Maayos na siya nagpapahinga na. Magpaalam ka muna kay dad bago kita ihatid sa inyo.” “Naku hindi na. Nakakahiya naman sa kanya nagpapahinga na sabi mo, eh.” “Please, Kendra? she’s looking for you kanina kaso hindi kita mahanap.” Pakiusap sa kanya ni Lyndon. “S—sige.” Maikli niyang tugon kaya napangiti si Lyndon. Sinamahan siya nito patungo sa loob ng bahay. Mas maganda pala dito buhangin at maliliit na bato ang apakan at ang dingding ay gawa sa kahoy. Kung hindi siy