NAKATINGIN lang siya sa umuusok na kape sa harap niya. Niyaya siya ni Larry na magkape sa labas at walang alinlangan siyang sumama. Nag-order ng mga cookies si Larry tapos tig isa sila ng kape. “Kumusta kana?” Napakurap siya nang magsalita si Larry. Kinuha niya ang tasa at humigop ng kape ngunit napaso rin siya sa sobrang init. Kumuha siya ng tissue na nasa harapan lang niya at pinunas sa bibig niya. Mahapdi dila niya at ngala-ngala dahil sa init ng kape. Napatingin siya kay Larry na kalmado lamang nakatingin sa kanya. “Hindi mo manlang ako tinulungan? hindi ka gentleman.” Saad niya. Ngumisi lang si Larry. “Why would I?” kalmado lang ang boses nito. “Hanep ka rin ano? pagkatapos kitang tulungan no’ng nabaril ka nilagnat ka pa kahit papaano ay nawala ang lamig mo dahil sa init n