TULALA si Kendra habang nakatanaw sa malayo. Nandito siya sa balkunahe ng apartment nila. Ang kape niyang tinimpla ay lumamig na lamang dahil hindi naman niya naman ito magalaw. Kagabi wala siyang tulog dahil hindi niya maiwasan magmuni-muni. Nadagdagan pa kaninang umaga dahil biglang pumunta dito si Lyndon nagtanong lang naman kung may nabuo na sa tiyan niya. Two weeks and 3 days na mula nang may nangyari sa kanila pero kaninang pag-PT niya ay wala naman. Next week daw ay mag-PT siya uli at sa susunod na linggo ay dito daw ito titira sa apartment nila dahil babalik na sa Paris si Mariel. At katulad ng sinabi noon ni Lyndon hindi pa puwedeng magbuntis si Mariel dahil may kontrata ito sa modeling. Muli ay tinanggap niya ang gusto nito. Pero hindi dito sa bahay nila dahil may mga kapatid