MAAGA pa lang ay handa na si Kendra. Siniguro niyang nakakain nang maayos ang dalawa niyang kapatid at mayroon pa siyang iniwan na pera sa dalawa. “Ate nasasabik po ako sa selpon.” “Hindi halata Aime para kang kiti-kiti sa sobrang gaslaw mo. Sige na aalis na ako para maabotan ko rin na bukas pa sa mall mamaya.” Sagot niya. Hinalikan pa niya ang kapatid niyang natutulog sa duyan. “Ingat po.” Pahabol pa nito. Sumakay na siya sa traysikel patungong bayan. Magtatagpo sila ni Lyndon sa simbahan pa talaga kaya tuloy para siyang nakokonsensya. Hindi man siya palasimba pero may takot pa rin naman siya sa diyos. Pagkarating niya sa simbahan ay binayaran na niya ang driver. Hindi siya pumasok dito lang siya sa bungad. Umupo siya at kinalikot ang phone na binigay ni Lyndon sa kanya tatawaga