WOW! dami-dami pagkain, ate. Masayang-masaya ang dalawa niyang kapatid lalo na si Liit dahil sa mga bitbit niyang plastic na puno ng pagkain. May tatlong box pa sila ng karton na pinag-grocery niya naman. “Kumain muna, kumain na muna!” saad niya dahil hindi magkanda ugaga ang kapatid niya sa pagbukas ng karton. Naghugas ng kamay sa tabo saka pumuwesto sa papag. Nilabas niya ang Jollibee na binili niya maging fries at spaghetti. Naging takaw tingin ang dalawang kapatid dahil magkabalikan ng kamay nila ay hawak ang chicken joy. Naghugas rin siya ng kamay at sumalo sa dalawang kapatid. Kanina pa rin siya nagugutom pero mas pinili niyang magtake-out na lang para magkakasama silang kumain dito. Makikita sa mga kapatid niya ang sobrang pagkasabik sa pagkain. Tatlong taon na riin no’ng hul