Chapter 7

1307 Words

Jethro Pag-uwi ko sa aking bahay ay himala na hindi ko ngayon nakikita ang aking ama sa kusina. Kung wala ito sa kusina ay maaaring nasa kwarto niya ito at natutulog. Dumiretso na muna ako sa aking kwarto at nagpalit. I decided to order some food online. Masyado na akong pagod para magluto pa.  Nang dumating ang aking pagkain ay kinain ko na ito sa aking kwarto. Nang matapos ay pumanhik ako sa baba para itapon ang aking pinagkainan at napangiti ako nang makita ko ang aking ama. Busy itong nagluluto at hindi napansin na bumaba na ako.  “Every time I come down from my room, I always see you in the kitchen.” Lumapit ako sa kanya at napangiting lumingon siya sa akin. “Anak, dito lang naman ako komportable.” Sagot nito at hinarap ulit ang linuluto. “How’s work? Kumusta ang police station?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD