Chapter 24 - Goodbye

1844 Words
"Good morning, Mam Toni! Kumusta po? Naging maayos po ba ang lakad ninyo sa resort?" bungad ni Jimenez. Naabutan ko siyang nakaupo sa harap ng dining table at umiinom ng kape. "Pasensiya na po at hindi kami nakasama ni Alvaro. May importante po kasing iniutos si Don Miguel." "Good morning din, Jimenez. Wala iyon. Naging okay naman ang lakad namin. Nasaan nga pala si Alvaro?" tanong ko bago umupo sa upuang kaharap ng inuukupa niya. "Nasa pool area po siya kasama si Alaric, Mam. Nagkakape po," sagot niya sabay abot sa akin ng isang tasang kape. "Magkape rin po muna kayo." "Maraming salamat." Humigop muna ako ng kape bago nagpatuloy. "Bakit ang aga yata ninyo rito sa penthouse? May problema ba?" "Maaga po kaming pinapunta ng Papa ninyo para may kasama po kayo mamaya sa pag-uwi sa mansyon." "I see. Pero mamayang hapon pa siguro ako uuwi. May gagawin pa kasi ako." "Ah, sige po, Mam. Wala pong problema. Hihintayin na lang po namin kayo ni Alvaro." "Alright. Anyway, maiwan muna kita. Maraming salamat ulit. Kuhang-kuha mo pa rin ang lasa ng kapeng gusto ko." Malapad ko siyang nginitian bago ako tumalikod upang bumalik sa kuwarto ko. Naisipan kong mag-swimming dahil maaga pa naman. Suot ang paborito kong two-piece mustard colored swimsuit sa ilalim ng katerno nitong roba ay lumabas ako ng penthouse at tinungo ang swimming pool. Kaagad akong binati nina Ali at Alvaro. "Alaric, Alvaro, pumasok na muna tayo sa loob." "Bakit?" nagtatakang tanong ni Ali. "Magsu-swimming si Mam Toni. Ayaw niyang may ibang tao habang lumalangoy siya kaya halika na. Pumasok na muna tayo kung ayaw mong mabugahan ka ng apoy," sagot ni Alvaro. Kahit pabulong iyon ay umabot pa rin iyon sa pandinig ko. "What? So, iiwan natin siya ritong mag-isa?" "Walang problema iyon, Alaric. It's still early in the morning kaya walang magtatangka sa buhay ni Mam dito. At isa pa, nasa loob lang naman tayo at magaling si Mam sa self-defense. Hindi iyan basta-basta mapapatumba," paliwanag ni Jimenez. "A--Alright," nag-aatubiling pagsang-ayon ni Ali habang nagkakamot ng ulo. Doon na ako sumabat. "That's alright, Jimenez. Kayo nalang ni Alvaro ang pumasok sa loob. Kailangan din kasi naming mag-usap ni Mr. Almirante." "Po? Sigurado po kayo, Mam?" makikita sa mukha ng dalawa ang pagkabigla. Unang beses kasi ito na magkakaroon ako ng audience habang lumalangoy. "Yes, Jimenez. Sige na, iwanan n'yo na kami." "S--Sige po. Masusunod po," sagot nito bago binalingan si Ali. "Alaric, ilagay mo sa tamang lugar ang mga mata mo. Maliwanag?" "Copy, Jimenez," seryosong saad ni Ali. Walang salitang tumalikod ang dalawa at pumasok sa loob ng penthouse. Nang nakapasok na sila ay saka ko lamang hinubad ang suot kong roba. Ipinatong ko iyon sa sun lounger. Kaagad kong tinungo ang gilid ng pool at inilubog ang isang paa ko. Napalingon ako nang marinig kong sumipol si Ali. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa railing ng penthouse. Nakasuot lang siya ng puting polo shirt at blue denim jeans. Napakagwapo niyang tingnan lalo na sa suot niyang dark sunglasses. "What a beautiful body... day. What a beautiful day!" "Sira! Parang ngayon mo lang ito nakita kung makapag-react ka." "Iba kasi ngayon dahil sobrang liwanag ng sikat ng araw. Kitang-kita ko ang lahat-lahat... I mean, ang alindog mo." "Mata sa tamang lugar, Ali." "Hmmm. Bakit, Rie Rie? Mas gusto mo bang ibang babae ang titigan ko?" "Bakit? May iba ka pa bang babae bukod sa akin?" "What? Tama ba ang narinig ko? Did you just refer to yourself as my woman?" "Wala akong sinabing ganyan. Sadyang assuming ka lang," sagot ko habang naglalakad pabalik ng sun lounger. I saw him stifle a laugh while shaking his head. Halatang nang-iinis. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay naglagay ako ng sunblock. Pagkatapos ng ginagawa ko ay muli akong tumayo at bumalik sa gilid ng pool. Without a word, I dove straight into the water. I completed several laps before I decided to stop. Ramdam ko na rin kasi ang init ng sikat ng araw. Nagulat ako nang pag-ahon ko ay nakaabang na si Ali. Hawak niya ang roba ko at nakangiti iyong isinuot sa akin. Hinawi ko ang aking buhok sa kaliwang balikat ko. "Thanks, Ali." Nanigas ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. "F--F-uck!" I cursed when I felt him plant soft kisses on my nape. "W--What do you think you're doing, Ali?" "Nothing. I just want to thank you," he said, almost a whisper. "Thank me? F--For what?" "Binusog mo ako sa kakapanood sa'yo. Sana ganito na lang tuwing umaga." "T--Tumigil ka, Ali! N--Nasa loob sina Alvaro at Jimenez." "Ohhh. Did I forget to tell you na umalis sila? May itinawag daw ang Papa... mo. They'll be back when it's time for us to leave." "What?" Mabilis ko siyang hinarap. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang walang babala niya akong sinunggaban ng mainit na halik. Ramdam ko ang pagyakap ng mga bisig niya sa katawan ko at may diin akong idinikit sa kaniyang katawan. "K--Kanina ko pa g--gustong gawin ito, Rie Rie." "Hmmm... A--Ali." "K--Kiss me back, baby. P--Please kiss me back." Nang marinig ko ang pakiusap niya ay wala akong sinayang na sandali. Kaagad kong sinabayan ang kaniyang mga galaw. Iniyapos ko ang mga bisig ko sa kaniyang leeg at kinabig ko siya upang mas palalimin pa ang aming halikan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sobra ko siyang na-miss. "E--Easy, baby. Baka m--makagat mo na n--naman ako," paputol-putol niyang saad sa pagitan ng kaniyang ginagawang paghalik. Automatikong naiyapos ko ang mga binti ko sa kaniyang baywang nang walang salita niya akong binuhat. Hawak niya ako sa aking pang-upo. Dahan-dahan siyang pumuwesto paupo sa sun lounger na naging dahilan upang mapaupo ako sa kaniyang kandungan katapat ng matigas niyang pag-kalalaki. "Ohhh..." ungol ko nang bahagya akong gumalaw sa ibabaw niya. "S-hit!" Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong hinahalikan si Ali sa kaniyang leeg. "Damn! Baby, a--ano ang ginagawa mo?" "I--I want to t--taste you, Ali." "W--What?" Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo shirt at mabilis ko iyong hinubad sa kaniya. Tulala akong napatitig sa hubad niyang katawan. "Y--You're beautiful, Ali." Tanging saad ko bago ko siya hinalikan sa kaniyang mga labi. Habang ginagawa ko iyon ay pinaglandas ko ang mga daliri ko sa kaniyang dibdib. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti-unti akong gumalaw sa kaniyang kandungan habang pinaglakbay ko ang aking mga labi sa kaniyang leeg, patungo sa kaniyang dibdib. "Ohhh, A--Ali. A--Ang s--sarap mo... Ahhhh, A--Ali... Ahhhh..." "Aray!" Napadaing ako nang makaramdam ako ng sakit sa aking noo. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay nakita ko ang kamay ni Ali sa harap ng aking mukha. "What the! Pinitik mo ba ang noo ko, Ali?" pagalit kong asik sa kaniya habang sinisikap kong pakalmahin ang mabilis na t-ibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng aso at hindi ako makahinga habang nakahawak ako sa aking noo. "Oo! Paanong hindi, eh, ang hirap mong gisingin. Nananaginip ka kanina pa. Ungol ka nang ungol. Pati pangalan ko ay narinig ko pang sinambit mo." "What?" Nagulantang ako sa aking narinig. "Oh, yes, princess. Umuungol ka kanina. Sabihin mo nga. Pinagnanasaan mo ba ako sa panaginip mo?" Sa halip na sagutin siya ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid ko at doon ko napagtantong nakahiga ako sa sun lounger sa gilid ng pool. Nakabalot sa akin ang robang hinubad ko kanina. Si Ali ay nakaupo sa tabi ko. "Shutang-ina! Did I just have a dream? A dream that I was making out with Ali?" piping tanong ko sa isip ko. "P--Paanong napunta ako rito? Lumalangoy pa ako kanina, ah?" "Anong lumalangoy? Hoy! Pagkatapos mong ilublob sa tubig ang paa mo, bumalik ka sa sun lounger at nahiga pagkatapos mong maglagay ng sunblock. Hindi na kita inisturbo nang makatulog ka." "Eh, bakit nakabalot na sa akin ang roba?" "Ako ang nagpatong niyan sa'yo. Nakakamanyak ka kasing titigan kaya ako na ang gumawa ng paraan. Baka kasi kung ano pa ang magawa ko sa'yo at mabaril ako nina Alvaro at Jimenez. Nakakatakot pa naman iyang mga iyan." "Whatever, Ali! If I know, pinagnasaan mo ako kanina habang tulog ako! Kunwari ka pa!" Tumawa siya nang malakas. "I beg your pardon, Madam? Ako? Pinagnanasaan ka? Sino nga ulit sa ating dalawa ang umuungol habang tulog? Gusto mo bang marinig kung paano mo inungol ang pangalan ko? Naka-record dito sa cellphone ko." "Hayop ka! Burahin mo iyan! Kapag iyang cellphone mo mahawakan ko, dudurugin ko iyan nang pinong-pino!" "Eh, di subukan mo! Anyway, magpapaalam nga pala ako. Hindi ako makakasama sa pag-uwi mo sa inyo. May importante akong lakad. Isa pa, nariyan naman ang dalawa mong bodyguard. I'm sure ligtas ka sa mga kamay nila." "Gusto kang makausap ni Papa, Ali." "At bakit ako kakausapin ng Papa... mo?" "Aba, malay ko! Basta iyan ang sabi niya nang magkausap kami." "I'm sorry, Rie Rie. As much as I would like to, I can't make it today. I have a very important matter to attend to." "Is it more important than me?" "Oh, come on. There's nothing to compare. I'm just needed somewhere. That's all." "But I need you too, Ali." "We both know that's not true. Nariyan sina Jimenez at Alvaro. They can certainly protect you while I'm away." "I guess you have already made up you mind, so what's the point ng pagpapaalam mo?" "You are my boss, Rie Rie. It's the right thing to do." "Yeah, right. Anong oras ka aalis? At ilang araw kang mawawala?" "I'll be leaving now. Naipaalam ko na kina Jimenez at Alvaro na aalis ako." "A--Alright. M--Mag-iingat ka, Ali. I--I'll wait for you." Sinikap kong huwag maiyak habang nagsasalita. Hindi pa man siya nakakaalis ay nalulungkot na ako. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. "I will, princess. I will miss you." Hindi na ako nakasagot dahil sa isang iglap ay naangkin na niya ang mga labi ko habang hawak niya ako sa pisngi. Tumagal din ng ilang segundo ang aming halikan bago siya kusang humiwalay at pinagdikit ang aming mga noo. "Mag-iingat ka, Rie Rie. Don't worry. Babalik kaagad ako sa'yo. Hmm?" "Promise me you'll come back in one piece." Pagak siyang tumawa. "O--Of course. Saan mo ba naisip na pupunta ako? Sa giyera?" "Who knows?" Hinalikan niya ako sa noo. "I'll get going now, princess. Huwag mo akong ipagpalit sa iba habang wala ako. Am I clear?" "W--What do you mean?" nauutal kong tanong. Iba kasi ang dating sa akin ng kaniyang sinabi. "What I mean was, baka pagbalik ko ay may ibang bodyguard ka na." "What if mayroon na nga?" "I'll make you regret it. Paparusahan kita." "Paanong parusa?" "Iyong tipong magsisigaw ka... sa sarap," dugtong niya bago ako muling hinalikan sa mga labi ko. "I l--love... to stay but I really have to go now. Bye, baby." Diretso siyang tumayo at walang lingon-likod na tinungo ang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD