Pagkatapos masigurong maayos na akong nakaupo sa likurang bahagi ng kotse ay isinarado na ni Ali ang pinto sa gawi ko bago siya pumunta sa driver's side at diretsong pumasok sa loob. Tumingin siya sa rear view mirror at hinuli ang mga mata ko.
"Are you comfortable enough, Rie Rie?" seryoso niyang tanong. Napangiti ako bago sumagot.
"Yup. I'm good."
"May neck pillow riyan sa tabi mo. You can use that if you want to sleep. Mahaba pa ang biyahe. Gigisingin nalang kita pagdating natin."
"Alright. Thank you, Ali."
Hindi na siya sumagot. Sa halip ay itinutok niya ang kaniyang mga mata sa harapan ng kotse bago ito minaniobra palabas ng parking area ng resort.
"Sige na, Rie Rie. Magpahinga ka na at nang gumaling na iyang allergy mo," saad niya. Nakita ko sa rear view mirror na malapad siyang nakangiti. Napakagwapo talaga niyang tingnan lalo na kapag maaliwalas ang kaniyang aura. Napakabata niya pa sa tantiya ko.
"Are you sure you don't need my help? Kapag pagod ka na, pwedeng ako naman ang mag-drive para makaidlip ka."
"Hmmm. Wala kang ibang ida-drive kung hindi ako lang, Rie Rie. Just so you know, masarap akong sakyan," sagot niya na kininditan pa ako sa rear view mirror.
"Ang halay mo talaga, Ali. Magmaneho ka na lang diyan. Baka mabangga pa tayo dahil sa kaharutan mo."
"Ikaw ang dapat sisihin kapag nagkataon. Alam mo kung bakit? Hinaharot mo kasi ako."
"Loko-loko! Makatulog na nga," sagot ko sabay pikit ko ng mga mata ko. Hindi ko na matagalan ang panlalandi niya. Sa halip na sagutin ako ay tumawa lamang siya.
"Good night, princess. Sleep tight." Narinig kong sambit niya bago ako tuluyang hinila ng antok.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog. Pagmulat ko ng mga mata ko ay diretso akong napatitig sa driver's seat. Narinig kong may kausap si Ali sa kaniyang earpiece na nakakonekta sa kaniyang cellphone. Tumatakbo pa rin ang sasakyan. Dahil sa kaseryosohan ng usapan nila ng kung sino man sa kabilang linya ay hindi niya napansing nagising ako. Babalik na sana ako sa pagtulog ngunit napukaw ang atensiyon ko nang marinig ko ang pangalan ng kausap niya sa kabilang linya. Babae iyon kaya na-curious akong makinig.
"How are you and Cora, Marj? I'm sorry I haven't been able to get in touch these past few days. I got so busy with... you know what I mean... work."
Natahimik siya pagkatapos ay narinig ko siyang tumawa.
"We both know that's not true. This is my job. She's a client and I need to ensure she's safe. Hmmm? Are you sure you are fine?"
Muli siyang natahimik. Siguro ay nakikinig sa sagot ng kausap niyang Marj ang pangalan. Marj and Cora. Saan ko nga ba narinig ang mga pangalang iyon? Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Lalo pa at nahalata ko sa boses niya ang concern para sa kaniyang kausap at sa isa pang kasama nito.
"W--What?" Nagulat ako sa kaniyang reaksiyon lalo pa at biglang tumaas ang timbre ng kaniyang boses. "Are you both okay? Alright. Alright. I'll come visit you guys anytime this week or maybe tomorrow. You both stay safe, okay?"
Marj and Cora.
Marj and Cora.
That's when it hit me. Ang kausap niya ay ang isa sa dalawang babaeng ka-threesome niya sa video. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. May communication pa rin pala sila ng mga babaeng iyon. Akala ko ay naputol na ang ugnayan nila simula nang magtrabaho siya bilang bodyguard ko. Nasabi na niya sa akin na deleted na ang mga videos niya. Pero hindi nga pala niya nabanggit kung nagkakausap pa rin sila ng mga katrabaho niya dati sa porn industry. Well, kasalanan ko dahil nag-assume ako. For the first time, nakaramdam ako ng selos. Siguro ay dahil sa isiping bukod sa akin ay may iba pa siyang babaeng pinahahalagahan. Ang masakit sa parte ko ay ang katotohanang kliyente lang ako para sa kaniya. Alam kong hindi dapat dahil wala akong rason at wala ako sa posisyong makaramdam ng ganito.
"Okay, Marj. I need to go. She'll be awake any minute now. Thanks for keeping me updated. You take care. See you soon."
Pagkatapos ng tawag ay kaagad akong pumikit at nagkunwaring tulog. Pero ramdam kong nakatitig siya sa akin sa rear view mirror.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako kumilos at nagpanggap na kagigising lang.
"A--Ali? M--Malayo pa ba tayo? A--Anong oras na?" namamaos ang boses kong tanong.
"Hey, princess. Kanina ka pa ba nagising?" Halata ang pag-aalala sa kaniyang boses. Siguro ay sa takot niyang narinig ko siya. Here I am again, assuming na naman ako. "Medyo malapit na tayo sa siyudad. It's only thirty minutes past nine. Kumain na muna tayo bago tayo umuwi."
"I see. Ahm, okay lang ba kung sa boulevard tayo kakain? Gusto kong kumain ng hot cake na homemade. Iyong kulay dilaw na may maliliit na squares na designs."
Pinilit kong magsalita nang maayos. Ayaw kong maramdaman niyang may nag-iba sa tono ko kahit ang totoo ay para akong maiiyak.
"O--Okay. Mayroon palang ganoon? S--Sige kung iyan ang gusto mo. Sigurado kang iyan lang ang kakainin mo?"
"Yes, iyan lang. Ituturo ko na lang sa'yo ang daan."
Pagdating namin sa boulevard ay kaagad siyang naghanap ng bakanteng parking space.
"Alright. Dito na lang tayo. Saan ba ang kainan na sinasabi mo?"
"Ahm, actually, it's a food cart, Ali."
"What? Food cart? Na naman?" gulat na gulat niyang pagkompirma sa sinabi ko. "Don't tell me na may utang ka naman sa isa sa mga vendors dito? My God! Anong klaseng CEO ka ba? Sa kalye ka ba namamalagi?"
"Alam mo, Ali? Judgmental ka! Nakabayad na ako rito last month, 'no!"
"So nangutang ka nga?"
"Wala kasi akong dalang cash."
"Ayan ka na naman. Baka wala ka ring cash ngayon? Paano iyan?"
"Ayos lang. Nariyan ka naman. At isa pa, ikaw naman ang nagyaya. Pasalamat ka nga at dito ko lang gustong kumain. Ang mga babae mo siguro, baka sa mamahaling lugar ang punta n'yo lagi," hindi ko naiwasang saad. Gusto kong kutusan ang sarili dahil parang iba ang naging dating ng tono ko.
"What? Anong mga babae? At teka, bakit parang nagseselos ka yata?"
"Wala. Binibiro lang kita. Sige na. Bababa na ako. Sumunod ka na lang."
Walang lingon-likod ko siyang iniwan. Dumiretso ako sa suki kong nagluluto ng hot cake. Malayo pa lang ako ay hindi ko na maiwasang ngumiti nang makita kong masiglang nagluluto ang suki ko.
"Magandang gabi po, Mang Cadie. Kumusta po kayo?"
"Oi, hala! Mam Toni, magandang gabi rin," masayang bati niya sa akin bago lumingon sa kaniyang likuran. "Minda, nandito ang paborito mong kustomer, si Mam Toni."
"Hala, Mam Toni! Napasyal po kayo? Gusto n'yo pong kumain ulit ng hot cake?" masayang bati ni Aling Minda sa akin habang bitbit ang stool na gawa sa kahoy. "Maupo po muna kayo, Mam."
"Maraming salamat po. Yes, po. Pasuyo nga po ng dalawang order ng hot cake. Pakilagyan po ng maraming mantikilya at kaunting white sugar."
"Dalawa? Parang malakas yata ang appetite natin ngayon, Mam?"
"Ah, hindi naman po, Mang Cadie. Para sa boyfriend ko po ang isa," wala sa loob kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Pero hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko ang magiging reaksiyon ni Ali mamaya.
"B--Boyfriend po? May boyfriend na po kayo?"
"Magandang gabi po sa inyo." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ali.
"Ay, hala. May pogi kaming kustomer. Ano po ang atin, Sir?" Hindi sumagot si Ali.
"Si Mam Toni po? Ay, hindi po s'ya kasama sa itinitinda namin, Sir." Nagulat ako sa sinabi ni Aling Minda kaya napatingin ako sa gawi ni Ali. Nakita kong tinuturo niya ako.
"Ah, hindi po. Ang ibig ko pong sabihin, magkasama po kaming dalawa."
"Ay sorry po. Akala ko po gusto ninyong orderin si Mam. Teka, kayo po ba ang boyfriend ni Mam?"
Napakagat-labi ako nang marinig ko ang tanong ni Aling Minda.
"Boyfriend? Ako po?" naguguluhang sagot ni Ali na itinuro pa ang kaniyang sarili.
"Opo, Sir. Pinag-order na po kayo ni Mam Toni ng hot cake."
Pinandilatan ako ni Ali bago siya sumagot.
"Ahm, opo. Ako nga po iyon. Alaric na lang po."
"Wow! Bagay po kayo ni Mam, Sir. Parehong maganda at gwapo," singit ni Mang Cadie. "Ito na po ang order ninyo. Ah, Mam Toni, maraming salamat nga po pala sa perang ipinadala ninyo. Naipandagdag po namin iyon sa puhunan namin."
"You're always welcome po," sagot ko sabay dampot ng lalagyan ng hot cake.
"Maraming salamat po," magkapanabay naming saad ni Ali bago nagsimulang kumain. Wala kaming kibuan nang walang ano-ano ay tinanong ko siya.
"Ali, gusto mo ng BJ?"
Sa hindi ko alam na dahilan ay naibuga niya ang nginunguyang hot cake saka siya inihit ng ubo.
Natataranta ko siyang dinaluhan at binigyan ng bottled water.
"Hey. What's wrong? Hindi ba masarap? Mainit ba? Hipan mo muna kasi! Para kang patay-gutom kung kumain," sunod-sunod kong saad habang umiinom siya ng tubig.
"Walang hiya ka, Rie Rie! Mamamatay ako sa'yo!" asik niya.
"Ha? Bakit ako? Ano ba'ng ginawa ko?"
Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko at doon bumulong.
"Ang bibig mo, Rie Rie. Hindi ka na ba talaga makapaghintay na makauwi tayo at dito sa public mo talaga ako aalukin ng blow job?"
"Blow job? Ano iyon?" malakas ang boses kong tanong.
"Tang-ina, Rie Rie! Ang bibig mo! Nakakahiya sa mga nakakarinig," may diin niyang sagot.
"Ha? Anong nakakahiya sa sinabi ko?"
"BJ, Rie Rie! My God!" Namumula na ang kaniyang mukha marahil ay sa sobrang inis na hindi ko alam ang dahilan.
"BJ nga ang sinabi ko. Pero hindi iyon blow job kung ano man iyang sinasabi mo. BJ, as in buko juice ang inaalok ko sa'yo."
"What?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong.
"Bingi ka ba? BJ! Buko juice, Ali! Buko juice!" paulit-ulit kong saad. Kulang nalang ay alugin ko siya sa balikat.
"Lintik na buko juice iyan! Rie Rie, pakiusap! Ayusin mo sa susunod ang pananalita mo!"
"Maayos naman ang pananalita ko, ah. Ikaw itong hindi makaintindi. Sira ka talaga, Ali. At ako pa talaga ang sisisihin mo sa pagiging slow mo."
"F-uck! Puputi ang buhok ko sa'yong babae ka!" naiiling niyang bulong.
"Naririnig kita, Ali."
"Wala akong paki!"
Sasagot pa sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa loob ng bag ko at kaagad na sinagot nang makita kong si Papa ang tumatawag.
"Hello, Papa. Magandang gabi po. Opo, maayos naman po ako. Sige po, asahan po ninyong nasa mansyon po ako bukas. Goodnight po. Please kiss and hug Mama for me. I love you both."
Kaagad kong tinapos ang tawag.
"Ali, pakibayaran mo na ang mga orders natin. We need to go. Maghahanda pa ako dahil uuwi ako ng mansyon bukas kasama ka."
"Alright."
Magalang kaming nagpaalam sa mag-asawa bago bumalik sa kotse at dumiretso ng uwi sa penthouse ko.