12 Years Later
"Madam Marrie, maawa po kayo---," pagmamakaawa ng negosyanteng si Mr. Cheng habang nakaluhod sa paanan ko. Ngunit hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi nang bigla akong sumagot.
"Madam? Mukha ba akong Madam sa paningin mo?"
"I'm s--sorry po, Miss Cuizon. Pakiusap po, huwag n'yo pong kunin ang kompanya ko."
"Kunin?" mataas ang tono ng boses kong sagot. "Ano ang tingin mo sa akin? Magnanakaw? Might I remind you, Mr. Cheng, you sold all your shares to me and that made me the highest shareholder now. Please step down from your post as CEO. Wala ka ng karapatan sa Cheng Oil Company. I will have the name changed as soon as possible. Don't you worry. Wala akong tatanggalin ni isa sa mga empleyado mo. If you want, ilalagay kita bilang head ng isa sa mga departments. The choice is yours," I said with finality.
"T--Totoo nga ang sinasabi nila. Wala kang puso! Napakasama mo! Manloloko ka!"
"Si Marrie Toni Ybarzabal Cuizon? Ang tinitingalang CEO ng Cuizon Group of Companies, may-ari ng pinakamalaking airline company sa bansa, manloloko? Sigurado ka bang mapapanindigan mo ang mga sinasabi mo? Otherwise, I'll make sure to have you be placed behind bars for tarnishing my name," malumanay ngunit may diin kong sagot sa forty-five years old na tsekwang nakaluhod pa rin sa sahig ng magara kong opisina.
"Miss C--Cuizon---"
"Labas! Lumabas ka ng opisina ko at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin!" galit kong saad habang itinuturo ang nakasaradong pinto.
"But you said you'd give me a position---"
"I changed my mind, Mr. Cheng. At isa pa, wala akong puso, hindi ba? So, why would a heartless woman like me give you a job? Alis!"
"Please, Miss Cuizon!" muling pagsusumamo niya habang nakahawak sa mga binti ko.
"Would you leave on your own accord or would you rather be dragged by the guards? Mamili ka!"
"B--Babalik din sa'yo ang mga ginagawa mo sa ibang tao! Tandaan mo iyan! Hindi habang buhay ay nasa itaas ka!" tiim-bagang niyang sagot na tila balewala lang sa akin.
"Oh, I don't want to burst your bubble, Mr. Cheng. But I've already been to the lowest of lows! Kaya hindi ako natatakot. Lumayas ka sa harapan ko ngayon din. Layas!" Kaagad kong dinampot ang aking cellphone at nag-dial. "Jimenez, come inside my office. Yes, you and Alvaro. May ipapatapon akong basura."
Nanginginig ako sa galit habang nakasandal sa aking swivel chair. Ngunit sa kabila nito ay napangiti ako habang pinapanood kong kinakaladkad ng aking mga bodyguards ang nagsisigaw na si Mr. Cheng.
Nang naging tahimik na sa loob ng opisina ko ay muli kong kinuha ang mga dokumentong pinag-aaralan ko para sa isang kompanyang napupusuan ko. Gusto kong mag-invest ng malaking pera sa kompanyang iyon.
Maya-maya pa ay biglang may nag-pop up sa messenger ko. Ang group chat namin ng mga mahahalay kong kaibigan, sina Clarish at Lizzy.
"Toni, labas tayo mamaya. Hanap tayo ng TT. Na-miss ko na kasing sumubo ng jumbo hotdog. Friday naman ngayon kaya pagbigyan mo na kami," si Clarish.
"TT?" tanging sagot ko.
"Ay shutakels ka, Toni. Wala ka talagang alam. Palibhasa ay hindi ka pa nakakakita ng TT. I mean ng c-ock."
"Gaga! Ang bastos mo talaga, Rish. Anyway, hindi siguro ako makakasama. Alam mo namang busy ako sa maraming bagay."
"Ewan ko sa'yo, Toni. Twenty-five years old ka na pero ni minsan ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Sa ganda mong iyan, hindi namin alam kong ano ang problema," sabat ni Lizzy.
"Liz, busy lang talaga ako. Alam kong naiintindihan ninyo iyon."
"Iyon na nga ang problema. Hindi namin maintindihan kung ano ang ipinaglalaban mo. Sobrang yaman mo na, sissy. Kaya ilag sa'yo ang mga lalaki kasi sobrang taas mo. Wala ni isa sa kanila ang kayang abutin ang pedestal na kinalalagyan mo. Bumaba ka naman paminsan-minsan," si Lizzy ulit na sinang-ayunan ni Clarish.
"Fine. Para matigil na ang pamemeste ninyo sa akin ay sasama ako. Masaya na kayo?"
"Naman!" Si Clarish na nilagyan pa ng humahalakhak na bampira ang kaniyang mensahe.
"Magsuot ka ng wig, at iwan mo sa bahay ninyo ang mga bodyguards mo. Nakakainis ang mga asungot na iyon."
"Oo nga, Toni. Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo."
"Lizzy, Clarish, alam n'yo namang ayaw ni Papa na wala akong kasama. Baka raw may mangyaring hindi maganda. Baka nakakalimutan ninyong maraming tao ang galit sa akin."
"Duh! Akala lang ng Papa mo iyon. At kaya nga magsusuot ka ng wig. Para walang makakakilala sa'yo."
"Alright, Lizzy. I'll heed your advice. So, paano? Magliligpit na ako at nang makauwi na. Maghahanda pa ako. Sa dating bar pa rin ba?"
"Yup. See yah, sissy!"
"Bye, girls. See you later."
Kaagad akong nag-log out at nagligpit ng mga gamit ko. Paglabas ko ng opisina ay tahimik na sumunod sa akin ang dalawa kong bodyguards.
"Mam, saan po ang punta natin?"
"Sa mansyon, Alvaro," sagot ko bago pumasok sa nakabukas na pinto ng aking sasakyan.
"Masusunod po, Mam," sagot nito sabay yuko bago pumasok sa passenger side katabi ni Jimenez.
"Nasaan na ang ibang security personnel, Jimenez?"
"Nakasunod po, Mam," sagot niya habang tutok na tutok ang mga mata sa daan.
"Alright. Just wake me up kapag nasa bahay na tayo."
"Sige po, Mam Toni."
Pagdating ng mansyon ay hindi ko na nadatnan sina Mama at Papa sa sala. Marahil ay nasa loob na ng kanilang kuwarto ang dalawa. Pasado ala sais na rin kasi ng gabi. Dumiretso ako sa kuwarto ko at kaagad na nag-ayos.
Habang pababa ako ng hagdan ay narinig ko ang boses ni Mama. Mukhang may kausap siya sa phone. Nasa ground floor na siya ng three-storey naming bahay.
"Good evening, Mama. Nandito na po pala kayo. Si Papa po nasaan?" bati ko kay Mama nang makita kong tinapos na niya ang tawag.
"O, anak. Kanina ka pa ba dumating? I'm sorry kung hindi mo kami nadatnan ng Papa mo. Alam mo na, nasa kuwarto kami," maaliwalas ang mukhang saad ni Mama. Ibang-iba na siya sa dating Mama ko noong mga panahong hindi pa kami nahahanap ni Papa, noong mga panahong patago kaming namumuhay. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagmano din ako at humalik sa kaniyang pisngi.
"Hmmm... At ano naman ang ginawa ninyo ni Papa sa kuwarto? Gumawa ba kayo ng kapatid ko, Mama?" panunukso ko sa kaniya na ikinapula ng kaniyang mga pisngi.
"Ikaw talagang bata ka! Saan mo ba natutunan ang ganyan? Ni boyfriend nga ay wala ka. Siguro tutor mo sa kahalayan iyong dalawa mong kaibigan, 'no?"
"Of course not! Mama, high-tech na po ngayon. Lahat pwedeng mabasa at mapanood online kaya marami akong alam sa mga ganyan."
"Ay bahala ka na ngang bata ka. Malaki ka na kaya siguradong alam mo na ang tama sa mali. Basta siguraduhin mong hindi ka uuwing luhaan dito sa mansyon."
"Promise po iyan, Mama," saad ko sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.
"Hmm, anong drama na naman iyan, Toni? Siguro ay may hihingin ka na naman sa Mama mo kaya ganyan ka kung makayakap," masayang boses ng Papa kong si Antonio Miguel ang nagpalingon sa akin sa bandang hagdanan.
Bumitaw ako kay Mama upang salubungin ng yakap si Papa.
"Good evening, Papa. Mano po."
"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Teka, saan ang lakad mo't bihis na bihis ka yata?"
"Ahm, Papa, magpapaalam po sana ako. Magba-bar hopping lang po kami ng mga kaibigan ko. Sa condo nalang po siguro ako didiretso mamaya dahil malapit iyon sa pupuntahan namin," malambing ang boses kong saad upang makombinse si Papa.
"Toni, anak, walang problema kay Papa iyan. Basta, isama mo sina Jimenez at Alvaro," malumanay na saad ni Papa habang nakaakbay sa akin. Nang makalapit kay Mama ay binitawan niya ako at ito naman ang niyakap niya at hinalikan nang magaan sa labi. "Hello, wife. Do you want to go out with me? It's Friday night. We can have dinner outside."
"Antonio, darling, dito nalang tayo sa bahay kumain at nang makapagpahinga rin tayo nang maaga," sagot ni Mama habang matamis na nakangiti kay Papa. Makikita sa kaniyang nagniningning na mga mata ang labis na pagmamahal.
"Alright, darling. Kung iyan ang gusto. Alam ko namang may binabalak ka na naman sa akin ngayong gabi," tudyo ni Papa na kaagad ikinapula ng mga pisngi ni Mama. At the age of fifty-two and forty-eight ay masasabi kong napakabata pa rin nilang tingnan lalo pa't parang mga teenager sila kung umasta.
"Antonio, sa harap pa talaga ng anak natin?"
"Marissa, mahal, malaki na ang anak natin. She now very well understood a lot of things. Sa henerasyon nila ngayon, marami ng alam ang mga kabataan. Hindi ba, anak?"
"Of course, Papa. At isa pa, matalino po ang inyong unica hija," nakangiti kong sagot.
"Narinig mo iyon, darling? Matalino ang anak natin. Katunayan ang mga achievements niya sa edad na bente singko. Well, who would have thought that the little girl I met ten years ago would turn out to be this gorgeous and talented?" Binalingan ako ni Papa. "We are so proud of you, anak."
"Maraming salamat po, Papa. I couldn't have done everything without you and Mama. You're both my source of strength." Lumapit ako sa kanila at pumagitna bago ko ipinulupot ang aking mga bisig sa baywang nilang dalawa. "Anyway, aalis na po ako. Hindi ko na po kailangang isama sina Jimenez at Alvaro. Sigurado po akong walang makakakilala sa akin sa ayos ko ngayong gabi."
"Ikaw ang bahala, anak. Basta mag-ingat ka. Anyway, may tiwala naman ako sa'yo dahil may training ka naman sa self-defense. At huwag mong kalimutang dalhin sa sasakyan ang baril mo. Hindi natin sigurado ang takbo ng isip ng mga kalaban natin sa negosyo," paalala ni Papa na mabilis kong tinanguan.
"Maraming salamat po, Papa. Mama, aalis na po ako."
Pagkatapos magpaalam ay dumiretso ako sa parking space ng mansyon. Pinili kong gamitin ang itim na Bugatti Chiron na regalo ni Papa sa akin noong nakaraang birthday ko.
Pagkabukas ng gate ay kaagad kong pinaharurot ang sasakyan ko palabas ng Cuizon Estate. Napapangiti ako habang tinatahak ang daan papunta ng Club X na naging paborito na ng mga kaibigan ko dahil sa mga macho at naggugwapohang dancers doon.