Chapter 6

868 Words
Angelie Princess William POV... Nandito ako sa isang room na bakante diba buburahin na ni Red ang mga memories ko. Tama naman ang sinabi ni Tian-tian dapat wala akong malaman tungkol sa kanila kasi normal akong tao at sila mga wizard. Ikinuwento naman ni Red saakin lahat kaya naintindihan ko na may powers sila. "Handa ka na ba?" Sabi ni Red saakin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti tsaka tumango. Pinaupo niya ako sa isang upuan. Okey inhale! Exhale! Bigla niyang hinawakan ang ulo ko hanggang makaramdam ako ng antok. Tsaka nafeel ko nalang na bumagsak nako sa bisig niya. *********** Jeson Red Sandford POV... Hay di ba napansin ni Kuya na magkamukha sila ni Miles. Sa tagal na naming namumuhay dito sa mundong toh ngayon lang namin nakita na may kaitsura si Queen Miles. At alam ko namimiss na ni Kuya si Miles, ako rin naman na Bestfriend niya namimiss ko din siya. Pero nabigla talaga ako kanina kasi buhat na buhat ni kuya si Angel. Di naman niya pinapansin ang mga nasa paligid niya pero for the first time may iniligtas si Kuya. Napahinga nalang ako ng malalim. Gusto kong maging masaya si kuya kaya pinagkaloob ko si Miles sa kanya. Kaysa kasayahan ko pinaubaya ko nalang kay kuya kasi gusto ko talagang di na bumalik ang dating patay na emotion niya pero simula nung pumanaw si Miles dahil sa sakit niya doon na nagsimula ang lahat. "Red." napatingin ako kay Angel, gising na siya. "Angel gising ka na pala. Don't worry ihahatid kita sa inyo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya tsaka tumango. Hanggang makarating na kami sa kanila. Lumabas naman si Mel sa pintuan. "El!!! May nangyari ba sayo? Okey ka na ba? Nabalitaan ko napunta ka daw sa clinic!" Panik na sabi ni Mel. Yun ang sinabi ko sa kanya bawal niyang malaman ang tungkol saamin. "Okey nako. Salamat, Red. Dahil hinatid mo ko sa Clinic." Sabi ni Angel. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka nagpaalam na. Habang sa byahe, biglang napatawag si kuya. "Bakit kuya?" Sabi ko nung nasagot ko na ang tawag. 'Ang mga kalaban ay gumagalaw na. At kanina ang target nila ay yung babaeng tinatawag mo ma Angel.' Sabi niya. What! Target nila si Angel?! "Kuya, walang kinalaman si Angel, isa lang siyang tao!" Sabi ko. Baka nakita din nila na magkamukha sila ni Miles. 'Kailangan nating obserbahan ang mga kalaban. At kung bakit nila tinatarget yung babae.' Sabi ni kuya. Tama siya kailangan naming bantayan si Angel. "Yes kuya." Sabi ko. At binaba ko na. Kailangan kong bantayan si Angel. Once galawin nila si Angel ako ang makakalaban nila! ************************** Angelie Princess William POV... Naglalakad ako dito sa hallway ng may humarang sa dinadaanan ko. "Eh? Bakit?" innosente kong sabi. Ang laki laki ng daan dito pa sa daanan ko. Pambihira! "Your Angelie Princess William?" Sabi niya. Waaa! Kilala niya ako? Bakit sikat naba ako? "Uhmm oo bakit?" Sabi ko. Bigla nalang nila akong dinala sa likod ng Building ng school. "Anong kailangan niyo saakin?" Sabi ko. Mukha wala silang naririnig mga binge ba toh? "So ikaw pala ang lumalandi kina Prince Red and Prince Hiro!" Sigaw nung babae. Napataas naman ang isang kilay ko. Nilalandi? Hindi naman ha! Teka Hiro? Christian Hiro Sandford.... Wait bakit ko naalala yun? Diba binura ito ni Red? "Ha? Kaibigan ko lang sila. Teka sino ba kayo." sabi ko. "Ako? Di mo ko kilala? Ako lang naman si Mary Jade Cruz. Ang pinakamaganda dito sa boung Sandford Academy!" pagpapakilala niya. Weee bakit di ako updated? "And she is also the President of Prince Hiro and Prince Red Club." Sabi nung isa. As if I care? "So ano naman ang kasalanan ko sa inyo?" Mukhang bored kong sabi. "Gagawin naming,miserable ang buhay mo kung papatuloy mo ang paglapit sa kanila." Sabi nung Mary Jade. Di naman nila pag aari ang dalawa. Napahinga nalang ako ng malalim at tumango parang walang away. "Okey, di ko na sila lalapitan." Sabi ko.  "Good." Sabi niya at umalis na sila. Hay nako! Napahiga nalang ako sa damuhan. Gusto kong magpahinga sa mga nangyari. At biglang pumasok sa isipan ko bakit di nawala ang mga alaala ko. Binura na yun ni red bakit di nabura? "Hay, malapit na pala ang 18th Birthday ko. Sana makasama ko na sila mama at papa. I miss both of them." Napatingin ako sa langit. Gusto ko lang naman maging masaya.  "WAAAAA!!!" sigaw ko. Yan kasi ang pagkakalma ko sa sarili ko. "Ang ingay." Narinig kong may nagsalita napatingin ako sa paligid. Wala namang tao. At napatingin ako sa nagiisang puno at ayun natutulog na anghel. Wait, Si Hiro pala yan. Kailangan kong magacting na di ko siya kilala. "Ay sorry!" Sabi ko sabay bow. Kailangan kong makaalis dito. Tatakbo sana ako ng mahawakan niya ang kamay ko. Lublublub "B-bakit?" Kinakabahan kong sabi. "Inistorbo mo ang tulog ko. Kaya may kaparusahan ka!" Sabi niya. Nanindigan naman ang balahibo ko. Kailangan ko siyang iwasan pero bakit ganito mukhang may kasalanan pakong kailangang bayaran sa kanya. "N-nag sorry nako." Sabi ko ang bilis ng t***k ng puso ko. "Di yun sapat. Tinulungan pa kita kahapon." Sabi niya. "What do you mean." Sabi ko. Nako naman oh! "Basta, ang consequence is ...... be my slave." Sabi niya na kinalaki ang ng mga mata ko, teka like what? A slave of an angel? LIKE WHAT?! "Sa ayaw at sa gusto mo. Magiging slave kita." Sabi niya. Napatango nalang ako. No Choice.... may utang ako sa kanya. Because, he save my life from those enemy. *************************** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD