Angelie Princess William POV...
Nandito ako sa school at si Mel naman nasa Library may nireresearch na di ko alam kung ano.
At ako ngayon hinahanap si Red. Lunch time namin ngayon kaya wala akong gagawin.
Nasaan na kaya yung lalaking yun? Sa paglalakad ko may napansin akong lalaking naglalakad kakaiba, kaya sinundan ko naka uniform din siya kagaya ng uniform dito sa school pero kakaiba talaga ang galaw niya. Pumasok siya sa pinakamadilim na parte ng School.
Ano susundan ko pa din ba? Eh sa takot ako sa dilim eh. Pero curious ako sa lalaking yun. Kaya sinundan ko para nga akong ninja dito kasi parate akong tago ng tago. Ninja turtle lang?
Bigla siyang napahinto sa isang puno at napatingin siya sa direksyon ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ulit ako sa pwesto niya pero.... teka asan na yun?
"Who are you?" Napatalon ako kasi sa boses niya. Unti unti ko siyang tiningnan. O.O siya yung sinusundan ko kanina. Tatakbo sana ako ng napansin ko natapilok pala ako. Ouch!
"Uhmm ano kasi napadaan lang ako... ano s-sige alis nako." Sabi ko pero timing ang paa ko napakasakit!
"Alam ko kanina mo lang ako sinusundan." Sabi niya, alam pala niya. -___-
"Aish alam mo palang sinusundan kita. Bakit di mo ko pinansin. Tsk." Sabi ko.
Napatsk naman siya at ako nakapout.
"Di ko pag aaksayahan ang isang babaeng katulad mo." Sabi niya. Ang sakit lang! Di siya gentle dog sayang gwapo pa naman.
Bigla naman siyang tumalikod. He's right sino naman ako para tulungan niya. Ngayon lang kami nagkita feeling close naman ako.
"Hay, paano ako makakalabas nito ngayon." sumasakit padin ang paa ko. Kailangan ko gumawa ng paraan. Pero di ko padin kaya.
Waaaaa Mel!! Tulong naman!
Kainis si Red lang ang hinahanap ko pero bakit ko nasundan tung ungentle dog na toh? Waaaa tulong power puff girls!
Mukhang walang nakakarinig saakin dito. Pumikit nalang ako at kumanta ng lullaby na kinakanta ng mama ko saakin nung baby pa ako. Sana nandito sila mama at papa. Namimiss ko na sila. May tumulong butil sa mga mata ko. Kanina ko pa gustong umiyak simula nung umalis yung lalaki. Ayoko kasi yung iniiwan ako at ayoko nun.
Napahinto ako sa pag iyak ng may naramdaman akong mga lalaki wait katulad nung nasa panaginip ko!
Pero nabigla ako sa nakita ko. Nakita ko nakabulagta sa sahig si Mel na wala ng buhay. Kinurot ko ang pisnge ko pero masakit ibig sabihin totoo na toh.
"M-Mel!" Iyak kong sabi. Palapit na ng palapit yung mga lalaki saakin.
"Kamukhang kamukha niya." Sabi nung lalaki kagaya sa panaginip ko. Sana dumating yung lalaking lumigtas saakin. Please!!
"Sa wakas makukuha ka na namin!" Nanindigan ang balahibo ko. Anong kailangan nila saakin? Baka mga carnival sila! O baka ibebenta nila ang laman loob ko.
Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay.
"Ayon sa narinig ko. Pag mamamatay ang isang wizard magiging tao na ito sa susunod na buhay niya. Kaya walang laban na siya laban saatin kaya dadalhin nanatin siya kay master." Sabi nung lalaki. Teka taping ba ito? Bakit may wizard ang sinabi niya?
"Waaa!!! Mali kayo ng nakuha. Sino ba kayo? Close ba tayo ha! Sumagot kayo!" Nilakasan ko ang loob ko para masabi yun.
Kinakabahan nako.
"Sasagot ka pa!" Sabi niya at may lumabas na kidlat sa kamay niya. Waaa paano niya nagawa yan?
"Paano mo yan nagawa? Paturo naman?" Sabi ko. Gagamitin ko nalang ang pagkachildish act ko.
"Eh? may pagkasayad ang babaeng toh mukhang di siya yung Reyna ng mga Good Wizard. Mukhang balik toh eh." Sabi nung isa. Makabaliw ka jan!
"Hindi, maiiba talaga ang ugali ng isang tao. Pag nagkaganyan." Sabi nung lalaki. Ang daming sagot niya ha.
"Umalis na tayo. Sigurado akong magugustuhan toh ng master natin." Sabi niya. Napalaki ang mata ko. Waaaa gagawin na nila akong adobo!
"WAAAA!!!" sigaw ko. May lumabas kasi na parang portal. Waaa gusto ko pang mabuhay!
Nabigla ako kasi biglang natumba ang mga nakahawak saakin at babagsak nako kasi masakit pa ang paa ko ng biglang may sumalo saakin.
At binuhat niya ako na parang bagong kasal. At sa isang iglap patay na lahat ng mga kalaban. My Knight and Shining Armor!
Katulad na katulad sa panaginip ko.
Nakatingin ako sa kanya ng maalala kong si Mel. Bigla nalang akong naiyak at yumakap sa kanya.
Pinabayaan nalang niya ako.
"Don't worry, isa lang yang illusion. Di yan ang kaibigan mo." Sabi niya, napatingin naman ako sa kanya.
At napatingin sa illusiong sinasabi niya unti unti itong umuusok.
Napapunas ako sa luha ko. Sana okey lang si Mel.
"Your friend is okey." Sabi niya. Napalaki ang mata ko. Paano niya nalaman kung yan ang iniisip ko.
"Halata ka." Sabi niya. Napapout nalang ako. Pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Teka anong nangyari?
"To comfort you." Sabi niya.
Napangiti nalang ako may mabuti rin pala siyang puso.
"Thank you." Sabi ko.
Di niya ako pinansin at naglakad na uli siya. Sa panlabas na anyo parang wala siyang paki alam sa mga nakapaligid sa kanya pero may tinatago pala siya sa kaloob looban niya. Siya yung lalaking sinusundan ko kanina na iniwan ako pero binalikan niya pala ako.
Napangiti nalang ako at niyakap siya hanggang may narinig akong boses.
"Brother." Napakafamilyar ng boses.
Pagtingin ko.
"RED!" Masaya kong sabi. Nagulat din naman si Red at lumapit saakin.
"Angel? Anong nangyari? Okey ka lang ba?" Sabi ni Red. Tumango ako at ngumiti.
"Okey lang ako. Salamat sa kanya." Sabay tingin kay Mr. Poker Face.
Pero di nga! nagkatugma lahat panaginip ko. Unbelievable!
Bigla nalang ako ibinigay ni Mr. Poker Face kay Red.
"Clear her memory about the tragedy happen." Malamig na sabi niya. Wait? Ipapabura niya ang memory ko? Abnormal ba toh?
At tumalikod na siya....
"Hey! Salamat kasi niligtas mo ko. Anong pangalan mo? Gusto ko lang malaman bago ipabura ni Red ang mga memories ko." sabi ko habang nakangiti.
Napahinto naman siya at tumingin saakin.
"Christian Hiro Sandford." Sabi niya. Napangiti nalang ako. Kahit di ko tinanong ang full name niya sinabi niya.
"NICE TO MEET YOU, Hiro! And thank you very much!" nakangiti kong sabi.
Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.
Kahit ibura ni Red ang memories ko di ko siya malilimutan. Di kita malilimutan Hiro.
************************************
LMCD