I looked at the whole place outside the palace, which was unbelievable. It's breathtaking.
Iba nga naman ang palasyo ni Alessandro, dahil nakakamangha ito.
The good thing about this whole palace is the location. It's on top of the hill, with hundreds of acres surrounding it. It has a winery on the other side, a lake connected to the river downhill, and a forest at the other end connected to the land's main mansion.
Mula rito ay tanaw mo ang malaking palasyo ng mga Ladrovodski, at nakamamangha rin ang tayog nito. Hindi ko tuloy maalis ang ngiti ko sa labi nang mamasdan ang iba't-ibang uri ng bulaklak sa paligid. Hanggang sa hinawakan ko ang rosas na kulay pula.
"Be careful of its thorn, dearie."
I looked behind me and saw an old lady smiling. She seems friendly and dressed up in a wrap. Her hair speaks of her age.
"Good afternoon, Madame." Bahagyang yuko ko. Pormal ang ngiti niya at tuwid ang pagkakatayo.
"Ikaw ba ang pamangkin ni Estefan?"
Namangha ako dahil sa pagsasalita niya ng tagalog. Hindi ko inasahan ito. Pero kung titingnan ko nang maiga ang mukha niya, ay may pagka-pilipina siya.
"Opo. Sylvi Favbria po." Lahad nang kamay ko. Pero imbes na hand-shake ay yakap ang ginawa niya sa akin.
"Welcome to the Ladrosvodski, anak." Mahigpit na yakap niya at ngumiti lang din ako sa sarili.
"Austria Galamour," pagpapakilala niya, "call me nanay for short. Gusto mo ba ng maiinom habang nandito ako? Ipagtitimpla kita."
"O-okay lang po. Huwag na po, Nay. B-busog pa po ako."
"I was worried that you might not know how to speak tagalog, but I am so impress. Magaling din magtagalog si Alessandro. Magkakasundo kayong dalawa." Kindat niya.
"Are you sure you don't need a warm drink?"
"Hindi na po. Salamat."
"Okay, if you say so. Uuwi na ako. Hinihintay ko na lang ang driver na si Pablo. If you see him here, tell him that I'm waiting at the gate, Sylvi."
Tumango ako at mabilis niyang kinuha ang basket na naglalaman ng gulay at iilang prutas, at saka inayos ang palda niya. Makaluma nga naman ang pananamit niya pero halatang pormal at may pinag-aralan siya.
Maganda siya, matangos ang ilong at mahaba ang pilikmata. Kahit na medyo kulubot na ang balat niya sa mukha ay makinis pa din ito.
"I won't see you until next month," she smiled.
"P-po? U-until next month? Akala ko po nakatira kayo rito?"
"Ay hindi, anak. Kada buwan lang ako pumupunta rito dahil sa ama ni Alessandro, at dinadalaw ko rin ang alaga ko. I was his nanny when Alessandro was little up until he turns sixteen. Kaya malapit ako sa batang iyon," lawak na ngiti niya.
Ngumiti ako at tumango. Humakbang na saya palayo sa akin at tinitigan ko lang siya ng lihim. Bahagya siyang lumingon pabalik sa akin at kumaway. Itinaas ko na ang kamay sa ere at ngimiting sumenyas sa kanya.
Pagkaraan ng limang minuto ay napansin ko agad ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang driver na hinihintay ni Nanay Austria. Siya na yata ang driver na si Pablo.
"P-pablo? N-nasa main gate si Nanay Austria."
Ngumiti ako dahil pakiramdam ko mukhang mabait siya. Pero imbes na sumunod siya ay tinitigan lang niya ako at nakakunot pa ang noo niya. Nawala ang ngiti ko sa mukha at nagtitigan kaming dalawa. Hanggang sa napako na ang tingin ko sa kabuuan niya.
His dirty shoes first caught my attention. Parang galing siya sa putikan dahil puno ng putik ang sapatos na suot niya. Naka-shorts siya na kulay khaki at puting t-shirt na damit. Marumi rin ito at bakas pa ang iilang marka na parang pintura na pula. Hindi ko tuloy alam kung pintura ba ito o ibang bagay na?
He's tall, probably six footer. Muscly with a solid body frame. Medyo hawi ang buhok na konting kulot sa dulo, at kulay itim ito. Gwapo ang mukha dahil sa tangos ng ilong at mahahabang pilikmata. Mala puso rin ang hugis ng labi niya.
I blinked when our eyes met and he cleared his throat. Alam kong magsasalita na siya pero inunahan ko na.
"Nasa main gate si Nanay Austria. Hinihintay ka. Hindi mo ba ako narinig?"
Nagtagpo na ang kilay niya, bahagya ang pag-ngiti at napayuko siyang napatitig sa paa ko. Napatingin na tuloy ako sa sariling paa. E, hindi naman marumi ito kagaya ng sa kanya.
"Hindi ka naman siguro bingi ano? O baka naman hindi mo ako naiintindihan? I said, Nanay Australia is waiting for you at the main gate," I repeat.
He nodded and smiled a little bit.
"Do I look like a driver to you?"
Pormal at buo ang boses at napalunok ako sa sarili. Parang may kumalabit sa ilalim ng puso ko at nanindig ang balahibo nang magsalita siya.
Ba't nga ba ako kakabahan sa boses niya? Kalokohan talaga.
"Yes and no."
I blinked a few times while his eyes didn't! Instead, his jaw tightened, and he seemed unhappy with how I responded.
"Yes, because you look like one. No, because you might not be the driver but the gardener," I pouted and looked at his dirty shoes.
Siguro hardenero nga naman siya dahil sa ayos niya. Nagkalat din naman kasi ang iilang dahon sa damit niya.
"I can't believe this." He smug and then nodded.
"I see. . ." he added.
My brows lifted while we stared. Wala akong plano na bigyan siya ng ngiti dahil hindi niya naman binigay ito sa akin kanina.
Akala mo naman kung sino siya?
At tama nga naman ako, masyadong mataas ang tingin niya sa sarili dahil mula ulo hanggang paa ang titig na ginawa niya sa akin at inulit lang din ito.
I rolled my eyes and caught him smirking. Huh, ibang klase nga naman ang Pablo na ito ano?
Umisang hakbang ako patalikod at lihim ang ginawa kong pagbuntonghininga. Nagtitigan ulit kami at walang ekspresyon ang titig ko sa kanya, at ganoon din naman siya. Patas lang din kaming dalawa!
"Excuse me."
Tatalikod na sana ako, pero nahinto ako sa sarili nang marinig ko ang malakas na boses ng isang lalaki.
"Sir Alessandro, Sir!"
Kumunot ang noo ko at sabay kaming napatingin sa lalaking papalapit sa amin.
"Sir, si Nanay Austria nakita niyo po ba? Kanina pa ako nag-iikot sa buong palasyo ni hindi ko makita?" Ngisi niya. Namilog ang mga mata ko at napatitig ako ngayon sa lalaking inakala kong si Pablo.
"She's at the main gate, Pablo."
"Sige, Sir. Salamat!" Sabay yuko niya kay Alessandro at ngumiti muna siya sa akin bago ginawa ang patakbong hakbang niya.
My mouth parted like I had committed the biggest mistake ever.
What the heck!
I look at him, and he's smiling at me wickedly. I swallowed hard and felt like my heart would come out of my chest.
The heat crept on my face feeling embarrassed. We held our eyes for a few seconds, and his smile widened.
"So, it's finally nice to see you in person, Miss Sylvi Favria?" He smiled and offered his hand for a handshake.
I could no longer plaster my best smile, and everything snapped like I had forgotten something.
Tinitigan ko lang ang kamay niya at naghihintay ito na tangapin ko. Pero imbes na tangapin ang kamay niya ay natulala ako sa sarili.
"Sorry, I was painting down the winery, and it's muddy."
Inalis na niya ang kamay at pinunasan ito gamit ang maliit na panyo na galing sa bulsa niya. Hindi pa rin ako makapagsalita at hindi ko makuhang titigan siya sa mata. Nakakahiya ang inasal ko kanina.
.
C.M. LOUDEN