Nagising si Kim sa tunog ng lagaslas ng tubig sa bathroom. "Si Marc ba yun"
Naisip niya yung sinabi nito na hindi uuwi ng gabi kaya dun sya sa kwarto nila natulog. Napatingin siya sa oras alas-onse ng gabi.
Bigla syang humiga ng marinig na palabas ito ng CR. Nagkunyari siya na natutulog habang nakahiga ng patagilid. Narinig niya ang tunog ng pinto ng cabinet marahil ay kumukuha ito ng damit. Maya maya ay naramdaman niya ang paggalaw ng kama at paglangitngit ng headboard. Naisip niya na nakaupo ito sa kama habang nakasandal sa headboard.
Yung basta na lang siya humiga nang hindi inayos ang kumot na nasa paanan niya. Ang suot niya ay nighties na manipis at pakiramdam niya ay nakaangat ang laylayan ng nighties niya dahil nararamdaman niya ang lamig ng aircon sa bandang puwetan niya.
Nakiliti si Kim ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa batok niya pero tiniis niyang huwag gumalaw. "Ano bang ginagawa niya"
Naramdaman niya ang paglapat ng labi ni Marc sa balikat niya at matagal bago nito inalis ang labi doon. Nang mawala ay naramdaman niya ang kumot na tinataklob sa katawan niya.
Maya maya ay hinalikan siya nito sa buhok. Naramdaman niya ng humiga si Marc na patalikod sa kanya.
Nagising si Kim sa sinag ng araw na tumatama sa mukha. Bigla nyang namiss ang pagkakataong yun.
Mag i-stretch sana siya ng katawan ng maramdaman na hindi siya makakilos pagtingin niya ay nakadantay ang hita ni Marc sa hita nya habang nakasapo ang isang kamay nito sa isa niyang dibdib at nakasubsob ang ulo nito sa leeg niya.
"Grabe nakatulog siya ng ganito" Pinilit niyang kumawala nang hindi ito nagigising.
Una niyang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa dibdib niya pakiramdam niya ay bigla siyang nakaramdam ng kakaiba doon.
Dahan dahan din niyang inalis ang hita nito ng makaramdam din ng kakaiba dahil sa sumakto ang tuhod nito sa p********e niya.
Nang matanggal yun ay dahan dahan siyang umalis nang hindi nagagalaw ang ulo nitong nakasubsob sa leeg niya.
Pumunta sya sa CR para magpalit ng damit. Paglabas ng CR ay nakita niya si Marc na gising na at nakaupo sa kama.
"Akala ko hindi ka uuwi kagabi kaya dito ko natulog" sambit ni Kim.
"Eh maaga kasi natapos yung trabaho ko kaya umuwi na lang ako." Sabi ni Marc na napakamot ng batok.
Binuksan ni Kim ang cabinet at kumuha ng paper bag. Nilagay niya doon ang ibang damit niya na naiwan pa niya dati.
"What are you doing?" Tanong ni Marc.
"Kumukuha ng damit"
Napatingin si Kim kay Marc at napansin niyang nag iba ang expression ng mukha nito. Biglang dumilim ang mukha nito.
Matagal na natahimik si Marc.
Habang kinukuha ang mga damit ay pinapakiramdaman ni Kim si Marc. Akala niya ay pupunta ito sa balcony pero bumalik ito at maya maya ay nagpalakad lakad.
Nagulat siya ng biglang tumilapon ang mga novel book niya na nasa study table ng ihagis ni Marc.
"Bitbitin mo na rin yan ha!" Mariin na pagkakasabi ni Marc.
"Bakit hindi na ba kayo makapaghintay nung Chef mo na magsama. Kaya ba kauuwi mo pa lang yung annulment agad ang inatupag mo?"
"Ano?" Tanging nasabi ni Kim
"Lahat ng bag at sapatos mo lahat ng gamit mong nandito siguraduhin mong wala ka ng ititira. Ayoko ng makakakita ng gamit mo dito" sabi ni Marc na hindi mapigilan ang galit.
"Alam mong mas pabor sa inyo ni Bea yung annulment kaya huwag mo kong babaliktarin."
"Bakit ba pinagpipilitan mo si Bea. Ikaw yung umalis na kasama yung lalakeng yun."
Naisip ni Kim na walang patutunguhan ang usapan na yun kaya hindi na lang sya nagsalita. Pumunta naman si Marc sa balcony nang wala ng marinig kay Kim.
Kumuha pa ng malaking bag si Kim para magkasya ang lahat ng gamit niya. Nang maayos ang mga gamit ay napatingin muna siya kay Marc na nagyoyosi sa balcony tsaka lumabas ng kwarto.
Pumasok muna siya sa kwarto ni Dj niyakap at hinalikan niya to habang natutulog.
"Sorry anak." naiiyak niyang sabi. Bigla siyang nakaramdam ng habag sa anak. Ang tagal nitong naghanap ng ama at matapos ang maikling panahon na nagkasama sama silang tatlo ay nangyari naman ang ganito sa kanila ni Marc.
Umalis na sya ng makitang gumalaw ito. Mas mahihirapan siyang umalis kapag nagising ito dahil pipigilan siya nito. Naisip niyang ilalaban din niya sa trial yung custody sa anak para nasa kanya si Dj.
Bumisita si Kim sa Chavez Land para tignan ang dinidevelop na canteen. Natuwa siya ng makita na malapit na yun matapos. Pumasok siya sa office na nandoon at gumawa ng planner para sa menu na ihahain niya. Naisip niya na dapat budget friendly yun sa mga empleyado. Bukod sa filipino food ay maghahain din siya ng foreign food para sa mga empleyado na mahilig sa ganun.
Nang matapos ay sinend niya yun sa mother in law niya ng manghingi ito ng planning para sa canteen.
Pagkaraan ng dalawang araw nagkukumahog si Kim sa paghahanda ng mga pagkain. Inatasan kasi siya ng mother in law niya na ihain sa Board meeting ang mga pagkain na iseserve niya sa canteen.
Magsisilbing food tasting na din ito para sa pagbubukas ng canteen sa susunod na linggo. Kasama ang mga staff niya ay hinatid nila ang pagkain sa conference room. Inayos nila yun sa isang mahabang table. Nang matapos ang board meeting ay kumain na ang mga ito.
"Wow Mrs. Chavez ang sasarap ng pagkain mukhang tataba kami nito kung ganito mga pagkain sa canteen" sabi ng isang board member.
"Ilan ba ang capacity na pwede sa canteen?for sure it will be crowded."
"Inexpand po yung canteen para kaya pong iaccomodate kung magsabay sabay pong kumain ang mga empleyado" sagot naman ni Kim sa isa pang board member.
"Ang sarap Kim" sabi ni Leslie.
"Congrats Ate kim panalo tong mga food mo" sabi ni Desiree habang hinihimas ang malaking tyan. Pitong buwan na ang ipinagbubuntis nito.
"Mabuti Marco hindi ka tumataba ang sarap magluto ng misis mo." napatingin si Kim kay Marc nang marinig ang sinabi ng isa sa Board of Director.
"My body's used to it." tipid na sagot ni Marc na bahagyang natawa. Mula ng umalis si Kim at dalhin lahat ng mga gamit isang linggo na ang nakakaraan ay ngayon na lang niya uli ito nakita.
"Mr. Chairman you're so lucky to have daughter in law na masarap magluto.
"Yes I am" hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng Daddy ni Marc habang kumakain at naririnig ang mga papuri kay Kim ng mga Board Member.
Isa isa ng nag alisan ang mga board member sa conference room.
"Good job Kim. I'm proud of you" sabi ng Daddy ni Marc bago ito umalis. Napangiti naman si Kim sa sinabi nito. Maya maya ay bumalik ang Daddy ni Marc.
"Siya nga pala yung bahay namin plano namin iparenovate gusto kong pagsamahin yung dalawang kwarto na bakante sa taas at gawing family room. Gusto ko palagyan ng playground para sa mga bata malapit na rin manganak si Desiree ilang buwan lang madadagdagan na ang maglalaro sa bahay. Madadagdagan pa pag nagkababy na kayo uli. Kaya plano namin na habang nirerenovate ang bahay, sa bahay muna ninyo kami tutuloy" sabi ng Daddy ni Marc sa kanilang dalawa ni Kim.
"Po sa bahay?" Sabi ni Kim na napatingin kay Marc na nagulat din sa sinabi ng ama.
"Oo. Sa condo sana pero naisip ko na sa bahay nyo na lang. Katabi pa ng bahay nila Dexter madadalaw din namin yung kambal" sabi pa nito.
"Okay po Dad." sambit ni Marc.
Nang lumabas na ang Daddy ni Marc ay nagpaiwan ang Stepmom niya.
"Kim hindi pwedeng wala ka sa bahay nyo. Alam nyong hindi pwedeng malaman ng Daddy nyo na hiwalay na kayo. Umuwi ka na muna. Saglit lang naman kami sa bahay nyo siguro matagal na ang 2 weeks." Sabi ng Mama ni Dexter.
"Ha 2 weeks po." Naisip ni Kim na 2 weeks syang pipirmi sa bahay ni Marc at magsasama uli sila bilang mag asawa.
"Can we do that?" Tanong ni Marc kay Kim nang umalis ang step mother niya. "2 weeks lang naman eh mabilis lang yun" sabi pa nito.
"May choice ba tayo?" Sabi ni Kim. Tumalikod na siya at tinulungan ang staff sa pag aayos ng mga pinagkainan ng board member.
"You did great! Congrats!" sabi ni Marc bago ito lumabas ng board room. Napangiti naman si Kim ng marinig ang papuri nito.
First day ng pagbubukas ng canteen. Hindi akalain ni Kim na talagang dadagsain ng mga empleyado ang canteen.
Tatlo ang counter ng mga pagkain para tatlo ang pwedeng pilahan ng mga empleyado at hindi sila maghintay ng matagal. Tumulong si Kim sa pag aassist ng makitang dumami ang mga tao. Natuwa siya ng makitang pati mga board member at board of directors ay nandoon din.
"Take a rest kung mapagod ka." Biglang napatingin si Kim sa pamilyar na boses ng marinig ang sinabi nito. Pagtingin niya ay nabungaran niya si Marc. Maya maya ay umalis na ito.
"Kinikilig ako sa inyo ni Sir Marco Ms Kim." Sabi ng isang staff na nakarinig ng sinabi ni Marc. Napangiti na lang si Kim na pinagpatuloy ang ginagawa. Nang mabawasan ang mga tao ay napaupo si Kim sa malapit sa counter.
Napatingin siya sa pwesto ni Marc na katabi ang mga board of director.
Naalala niya na next week ay may schedule uli sila ng trial.
"Ano kayang ebidensya ang isasubmit ko?Pano ko kaya sila mahuhuli ni Bea"
Naalala ni Kim yung nabasa niyang interview ni Bea sa isang news website. Tinanong siya ng host kung may nagpapaligaya ba sa kanya at sumagot si Bea ng meron. Sinabi nito na masaya siya na nakakasama uli ang kaisa isang lalakeng minahal niya. Malakas ang kutob ni Kim na si Marc ang tinutukoy nito. Tinanong din siya ng tungkol sa issue nila ni Marc pero no comment lang ang sinagot niya.
Habang nakasakay sa elevator nang pauwi si Kim ay nakasabay niya si Marc. Nasa unahan si Marc at dahil nasa likod si Kim at natatakpan ng ibang empleyado ay hindi siya nito napansin. Nakita ni Kim na panay ang tingin nito sa relo.
May date siguro siya!
Bumaba ito sa second floor sa parking area. Pagkalabas ni Kim sa building ay meron siya naisip para mahuli si Marc at makakuha ng ebidensya.
♥️