CHAPTER 13: ♥️

2147 Words
"Grabe ang sakit ng ulo ko" daing ni Kim paggising ng umaga. Napatingin siya sa mga bote ng alak na nainom nila ni Leslie. "Nakarami pala kami". Naalala niya na pag alis ni Leslie ay ilang bote pa ang nainom niya. Napatingin siya sa cellphone niya na panay ang tunog ng notification. Nang buksan ay puro reaction at comment sa sayaw niya sa t****k ang bumungad sa kanya. Naalala niya na inactivate niya uli kagabi yung mga social media account niya. Nagtiktok sila ni Leslie at pinost iyon. Binuksan niya ang i********: niya. May post din sya na sumasayaw dun. Binasa niya ang mga comment ng mga kaibigan. SuzetteVS: Why so hot ? AnaliaLouise: Go Chef Kim LMFuentes: Bestie ko yan ReymundDV: Uwi ka na daw hindi na galet si Marc. DexterRoque: Tama na please AriesDaza: ❤️❤️❤️ "Hays bakit ko ba napost to". Naalala niya na dati nagagalit si Marc kapag nagpopost siya ng mga dance video niya. Napatingin siya sa oras. Nagmadali syang kumilos ng maalala na ngayon pala yung pre trial nila ni Marc para sa annulment case. Naisip niya na hindi siya pwedeng ma-late dahil automatic absence yun at madidismiss yung petition niya. Habang nasa taxi pakiramdam ni Kim ay babaliktad ang sikmura niya. Dahil marami ang nainom niyang alak ay malala ang hangover niya. Iniisip niya kung pano siya haharap sa prosecutor sa ganung lagay niya. Maya maya ay nakareceive siya ng text mula sa abogado niya. Tinatanong nito kung nasan na siya. Nireplyan na lang niya yun na malapit na sya. Pagkababa sa taxi dahil hindi na napigilan ang pagduwal ay pumunta sya sa gilid at sumuka doon. Nang matapos ay naglakad na sya papasok sa loob ng RTC. Napansin niya yung lalakeng naglalakad sa unahan niya na hindi kalayuan sa kanya. "Si Marc" sambit niya. Iniisip niya kung nakita ba sya nitong sumusuka kanina. Expect niya ay hindi ito sisipot lalo araw ng monday yun alam niya na marami itong meeting tuwing lunes. Iniisip din niya na hindi ito makikipag cooperate sa annulment case pero umattend siya ibig sabihin ay interesado din ito na ma-annul ang kasal nila. Bigla niyang naalala yung nangyari kahapon sa bahay ng mga magulang ni Marc. Nung kaharap ang mga magulang ay sobrang sweet nito sa kanya at kabaliktaran naman ang nangyari noong pauwi na sila. Ni hindi man lang sya nito tignan bago sila umalis ni Dj. Marahil ay wala na talaga itong pakealam sa kanya at tinotoo na ang sinabi noon na magkalimutan na lang sila. At siguro ay tinuloy na din nito ang pakikipagrelasyon kay Bea. Nakita niyang huminto si Marc para maghintay ng elevator. Binagalan ni Kim ang lakad dahil ayaw niyang makasabay si Marc. Huminto pa siya na kunyari ay may hinahanap sa bag niya. Nang makita niyang pumasok sa elevator si Marc ay naglakad na sya papunta doon. Hindi niya napansin na pagdating doon ay bukas pa pala ang pinto. Ang akala niya ay nagsara na yun at umakyat na. "Miss sasakay ka?" Sabi ng isang babae na nasa loob ng elevator. Pumasok siya ng mapansin na hinihintay syang pumasok ng mga taong nasa loob ng elevator. Napatingin siya kay Marc at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Napansin niyang hindi ito nagulat pagkakita sa kanya siguro ay kanina pa nito alam na nasa likuran lang sya nito. Habang umaakyat ang elevator ay bigla na naman niyang naramdaman na bumaliktad ang sikmura niya. Napansin niya na mabagal ang usad ng elevator at masyado iyong maalog. 3rd floor lang ang pupuntahan nila pero parang ilang palapag na ang dinaanan nila. Pagdating sa 3rd floor ay napahawak siya sa bibig niya ng maramdaman na may lalabas na doon. Nagmadali siyang maghanap ng CR at agad na pumasok sa loob ng cubicle ng makita yun. Ilang minuto syang pumirmi doon dahil mayat maya niyang nararamdaman ang pagbaliktad ng sikmura. Matapos nun ay naghilamos siya sa lababo para guminhawa ang pakiramdam niya. Paglabas ng CR ay nakita niya si Marc sa tapat ng mens room na nakasandal sa pader. Nang makita siya ay naglakad na ito. "Ano yun hinintay ba niya ko?" Nauna ng ilang hakbang si Marc sa kanya habang naglalakad. Napapansin niyang panay ang tingin ni Marc sa gilid na parang tinitignan ang galaw niya. Hanggang sa makarating sila sa family court. "Mr. And Mrs Chavez?" Narinig nilang sabi ng prosecutor na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Nasa kanang bahagi naman nakaupo ang abogado ni Kim tumabi siya doon ng makita niya. Samantalang nasa kabilang side ang abogado ni Marc. "Opo" sagot ni Kim. "Bakit sabay kayong dumating?" Sabi ng prosecutor "Po?" Sambit ni Kim. "Isa sa rule ng annulment yung bawal ang collusion. Sabwatan ng mag asawa para ma annul ang kasal. Kasi hindi pwede yung magpapa annul kayo dahil sa gusto nyo lang. May mga grounds na pinagbabasehan para ma-annul ang kasal." "Nagkasabay lang po kami sa CR" sagot ni Kim. "Kapag napatunayan na may sabwatan sa pagitan nyo madidismiss itong petition" sabi pa ng prosecutor. "Wala pong sabwatan sa amin. Hindi nga kami naguusap nyan eh" agad na sabi ni Kim. Maya maya ay nakaramdam na naman ng pagbaliktad ng sikmura si Kim. Nakita niyang may inaabot sa kanya si Marc na bottled water. Binuksan muna yun ni Marc bago iabot sa kanya. Hindi na siya nag alangan na kunin yun para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya. "Inuulit ko ha may mga grounds na pinagbabasehan para mapawalang bisa ang kasal. Hindi pwede yung basta naisipan lang. Yung mga mag asawang humaharap dito kulang na lang magpatayan halata mo talagang wala ng patutunguhan ang kasal nila." Sabi ng prosecutor. "Iinom inom ka kasi hindi mo naman kaya" sabi ni Marc kay Kim ng makitang para itong nanlalata. Inabutan niya ng candy si Kim na kinuha naman nito agad. "Mrs Chavez masama ba pakiramdam mo pwede naman natin ireschedule itong conference kung hindi mo kaya" sabi ng Prosecutor "Reschedule na lang natin your honor" sambit ni Marc. "Okay lang po ako. Ituloy na po natin." Sabi naman ni Kim. "Kim huwag mo ng pilitin tignan mo nga yang itsura mo." "Okay lang ako" giit ni Kim. "Uulitin ko may mga grounds sa annulment na pinagbabasehan para mapawalang bisa ang kasal. Gaya ng bigamy, psychological incapacity, physical and emotional abuse, adultery.." "Adultery po yung ground na finile ko laban sa kanya." "Your evidence?" Binigay ng abogado ni Kim ang brown envelope na naglalaman ng mga picture na prinint niya. Tinignan naman yun ng prosecutor. Maya maya ay nilahad niya yun sa mesa. Mr. Chavez may chance kang sagutin yan. Napatingin naman si Marc sa mga picture. Maya maya ay natawa ito. "Hindi naman ako to eh" sabay turo ni Marc sa picture na nakaakbay kay Bea sa hotel. "Itong isa pictorial namin to ni Bea sa magazine. Dapat kasama ka jan kaso nasa France ka na. Itong papasok sa kotse. Kotse ni Madam Silver yan ako lang nagdrive lunchout namin yan marami kaming magkakasama jan" paliwanag ni Marc "Mrs. Chavez hindi pwedeng ebidensya yung mga nakapost sa f*******: random yun eh hindi mapapatunayan na totoo ang mga yun. Sa susunod na trial natin yung ipresent mo yung mas matibay na ebidensya." Saad ng prosecutor. "Kung yung picture nyo kaya nung chef ang ipresent mo dito para mas matibay." Sambit ni Marc. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Kim pagkasabi nun. "Kasi po your honor may mga ebidensya po na hindi naman makukuhaan ng picture o video lalo kung pasikretong ginagawa lalo kung sa loob ng kwarto gagawin. Wala ako makukuhang ebidensya sa ganun." Inismiran ni Kim si Marc pagkasabi nun. "All we need is evidence and witness kapag napatunayan na totoo yung mga alegasyon mo sa asawa mo at napatunayan sa imbestigasyon na hindi na maayos ang pagsasama nyo. Doon lang makakapagdesisyon ang korte kung granted o denied ang annulment ng kasal nyo." Sabi ng prosecutor kay Kim. Nang matapos ang trial conference ay kinausap muna ng abogado si Kim para sa iba pang detalye na kakailanganin ganun din si Marc at abogado nito. "Pupunta ka ba mamaya sa restaurant ni Aries. May birthday celebration siya dun diba" sabi ng abogado ni Kim na kaibigan din ni Aries. Biglang naalala ni Kim na ininvite nga pala siya ni Aries sa birthday celebration nito sa restaurant ngayong araw. "Oo nga pala" napatingin siya kay Marc na nasa tapat niya. Tahimik lang ito habang hawak ang binabasang papel. Paglabas sa RTC ni Kim ay hindi na niya nakita si Marc. Siguro ay umalis na ito nung nagpunta siya ng CR. Umuwi muna siya sa condo para magpalit ng damit. Dahil birthday ni Aries ay naisip niya na pumunta sa restaurant nito para batiin. Palabas na siya ng condo niya ng may tumawag sa cellphone niya. "Akala ko po reschedule tayo sa wednesday" sabi ni Kim ng tumawag ang maintenance head ng building ng Chavez Land para sa gagawing development sa canteen. Nakaschedule yun ng araw na yun pero naresched sa wednesday pero ngayon ay itutuloy na. "Ok i'll be there at 5" imbes sa restaurant ni Aries ay sa Chavez Land nagpunta si Kim para sa meeting with maintenance team. Diniscuss ni Kim ang gusto niyang maging outcome ng itsura ng canteen. Gusto niya maiba ang ambiance nito para relaxable sa mga empleyado. Gusto din niya palitan ang tables at chairs pati na mga ilaw. Matapos ang meeting paglabas niya ng building ay madilim na. Pagtingin niya sa oras ay alas siyete na ng gabi. Naalala niya na 6pm ang sinabi ni Aries sa kanya na oras ng pagpunta nya doon. Habang papunta sa sakayan ng taxi ay nagulat siya ng biglang sumulpot sa harap niya si Dj. "Ma" tawag nito sa kanya. Natuwa si Kim ng makita ito. Kasama nito ang Mama niya. "Nandito kayo?" Natuwa niyang sabi. "Pinilit ako ni Dj pumunta dito. Gusto ka daw niya makita dito" sabi ng Mama niya. "Ikaw talaga Dj. Pano mo nalaman na nandito ako". Tanong niya. "Daddy told me." Sagot nito. "Mom i'm hungry na let's eat" "Eat?" Hinila siya ni Dj. Maya maya ay nakita niya ang kotse ni Mark na nakapark sa gilid ng building. "San tayo pupunta?" Tanong niya sa Mama niya. "Ang alam ko magdidinner tayo sa labas" sagot ng Mama ni Kim. Pagdating sa kotse ay sumakay na si Dj at Mama niya sa likuran. "Doon ka na sa harap sumakay" sasakay sana si Kim sa likod ng itulak ng Mama niya at isara ang pinto kaya lumipat sya sa harap. Pagpasok niya sa kotse ay iniwasan niyang tignan si Marc. "Dj san mo gusto?" Tanong ni Marc kay Dj. "Ahm i don't know. Ask Mom" Napatingin naman sa kanya si Marc. "Savory chicken na lang alam mo naman si Dj mukhang chicken yan." Sabi niya. Habang nasa byahe ay narinig ni Kim ang tunog ng cellphone niya. Nakita nyang tumatawag si Aries. Kahit naalangan sagutin dahil katabi si Marc ay sinagot na lang niya. "Nancy anong oras ka pupunta?" "Ahm hindi ko sure. May lakad pa kasi ako eh." napatingin si Kim sa relo. "Happy birthday ha" napangiti niyang bati kay Aries. "Thank you. Text ka na lang" "Sige" Nang matapos kumain ay pinilit sya ni Dj na sumama sa kanila sa bahay. Pinilit din siya ng Mama nya kaya wala na rin siyang nagawa. "Hindi ba masama ang loob mo na sasama ka samin?" Sambit ni Marc habang nagmamaneho pauwi. "Ha. Bakit naman?. Gusto ko din makasama si Dj. Ikaw ang baka masama ang loob na kasama nyo ko" Hindi diretsong makatingin si Kim kay Marc. Tinignan lang sya ni Marc pagkasabi nun. "Ihahatid ko lang kayo sa bahay. Babalik ako sa office may trabaho pa ko. Hindi naman ako uuwi mamayang gabi kaya you may use our room." Pinigilan ni Kim ang sarili na huwag tanungin si Marc kung bakit hindi uuwi. Baka diretso syang sagutin nito na kay Bea uuwi at masaktan lang siya. "Maayos na ba pakiramdam mo?" Biglang tanong ni Marc. "Oo" sagot niya. "Wow concern" sa isip isip niya. "Did you text him?" Tanong ni Marc. "Sino?" Takang tanong ni Kim. "Your BF" Sagot ni Marc "BF?" "Diba birthday niya tapos hindi ka pupunta" napatingin siya kay Marc pagkasabi nun nakatingin din ito sa kaniya kaya nagtama ang paningin nila. Pasarkastikong tumawa si Kim "BF ka jan" Naisip ni Kim na marahil ay narinig ni Marc yung usapan nila ng abogado kanina kaya alam nitong birthday ni Aries. Naalala niya yung sinabi ng maintenance head na kameeting niya kanina na kinulit siya ni Marc na ituloy ang meeting na na-reschedule sa wednesday. Tapos biglang dumating si Dj dahil sinabi ni Marc nandoon sya sa office at nagyaya ng dinner pagkatapos ay heto siya ngayon pauwi sa bahay nila. Iniisip nya kung sinadya ba lahat yun ni Marc para hindi siya makapunta kay Aries. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD