Chapter 8

2138 Words
Napakunot ang noo ni Jen habang papalapit sila sa bahay nila. May mga kapitbahay silang naglalakad patungo sa kanila. Yung iba napatingin sa sasakyang sinakyan nila habang nadaanan nila. “Anong meron?” tanong ni Jen sa boyfriend niya. Yes. They are now officially in relationship. Hindi makapaniwala si Jen na may boyfriend. Nakikilala lang niya ito nagkaroon na agad boyfriend. Nakakatawang isipin pero thankful siya sa anong meron siya ngayon. Panalangin niya na sana magtagal kung ano man ang meron sa kanila ngayon. Ngumiti lang sa kanya ang binata na tila may kung ano ito ginagawa na hindi niya alam. Patuloy lang si Racho sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa bahay ni Jen. Gulat si Jen na may mga tent sa labas ng bahay nila at tila may catering pa. “Anong nangyayari?” tanong ulit ni Jen sa boyfriend niya matapos nitong mag-park sa gilid. May kinuha si Racho na isang bouquet sa likod ang sasakyan at binigay kay Jen. “Congratulations, sweetie. I’m so proud of you.” “Wow, thank you. Nag-abala ka pa,” sagot ni Jen sa kasintahan niya. “Of course sweetie. For you, sweetie. For you, I will do anything,” sagot ni Jen. Hinawakan naman siya sa pisngi ni Racho. “I love you, sweetie. Now and forever.” “I love you too, sweetie. Thank you for this,” sagot ni Jen at ginagaya pa ng endearment ni Rancho sa kanya. Ngumiti naman si Racho sa kanya. “Let’s go. They are waiting for us.” “Okay,” sagot ni Jen dito. Naunang lumabas si Racho sa sasakyan at pinag buksan siya ng pinto. Agad namang lumabas si Jen matapos nitong magpasalamat. “Congratulations, Jen!” Bati sa kanya ng pamilya niya at ng mga kapitbahay nila na nandito. Napatingin naman si Jen sa boyfriend niyang nasa likod lang niya. “Ikaw ang may pakana nito?” “Yes. But I can’t do this without the help of Laarni,” sagot nito. Para namang hudyat ito at lumapit si Laarn sa kanila. “Congrats, best,” bati nito sa kanya. “Gagi. Parang hindi kita kasamang guma-graduate ah,” sabi niya sa kaibigan na ikatawa nito pati ng boyfriend niya. “Naman. Moment mo to ngayon kasi kasama mo na ang family mo habang nag-cecelebrate,” sabi naman nito na ikatango ni Jen. “Anak, congratulations,” bati ng mga magulang ni Jen sa kanya. “Thank you, nay, tay,” sagot ni Jen at niyakap ang magulang. Naging emosyonal siya habang yakap ang magulang. Hindi niya alam kung bakit emosyonal siya gayon basta ang alam niya ay gusto niyang yakapin ang magulang. “Let’s go,” para makakain na rin ang mga bisita,” pagsaabat ni Laarni sa kanila. “Right, parang kanina pa mga bisita mo, sweetie,” segunda ni Racho sa sinabi ng kaibigan. Kaya naman ay sinimulan na nilang asikasuhin ang mga bisita. Halos naman lahat ay kilala niya kaya hindi na kailangan ni Jen ang kilalanin sila. Naging abala si Jen sa pag-asikaso ng mga bisita nila. Kausap dito, kausap doon. “Buti at nakauwi ka ngayon, Jen,” sabi ng isang kapitbahay nila. “Oo nga eh. Umuwi muna habang wala pang trabaho,” sagot Jen. “Oo nga. Kasi sayang naman kung nabuburo ka lang dito. Sayang ang ganda mo kung dito ka lang,” saad nito na ikataas na lang ng isang kilay ni Jen ngunit hindi lang niya pinahalata baka sabing nagmamarunong na siya porket naka-graduate na. “Oo nga eh,” sagot na lamang ni Jen at ayaw ng mag-elaborate pa. “Pero alam mo, dai? Ibang–iba ka sa mga kapatid mo,” sabi pa nito. Napatingin naman si Jen sa kapatid niyang si Aife at napakunot ang noo niyang makitang wala namang wala naman silang pinagkaiba. “Hindi naman po. Parehas lang naman kami.” “Hindi, masyado kang maputi kompara sa mga kapatid mo. Parang may lahi kang banyaga, samantalang sila ay wala,” sabi pa nito. Tama naman ito. Maputi siya kompara sa mga kapatid niya. Pero maliban doon wala nang iba. Siguro dahil nakapunta siya ng Manila kaya naging maputi siya. Hindi naman kasi siya naglalabas sa doon. Tanging volleyball court at school lang nong nasa Manila pa siya. Ngumiti na lang siya sa kausap at nagpapaalam na sa kausap. Saktong patalikod na sana siya nang biglang pumulupot ang braso ni Racho sa baywang niya. “Sweetie, some of your former classmates want to talk to you,” sabi nito sa kanya. “Okay,” tanging sagot ni Jen at sumama na sa binata. Hindi na niya inisip pa ang sinabi ng kausap niya kanina tungkol sa kaibahan niya sa mga kapatid niya. Hindi naman yon importante sa kanya basta na para sa kanya magkaiba man ang itsura nila ay hindi magbabago ang katotohanan na magkapatid sila at iisa lang ang pinanggalingan nila. Nakarating sila sa mesa kung saan nakapwesto ang mga dati niyang kakalase nong high school pa sila.Nandoon na rin sa pwesto nila si Laarni na mukhang agad napa kalagayan ng loob ang mga kaklase niya. Tuwang-tuwa siya dahil ngayon na lang ulit sila nagkita-kita. “Buti at naisipan mo pang umuwi. Akala namin ay doon ka na lang talaga sa Manila at nakalimutan mo na kami,” ani sa kanya ni Jesly. “Pwede ba naman yon? Syempre hindi. Dito ako nanggaling at dito ako lumaki so bakit ko kakalimutan ang bayang pinanggalingan ko? At isa pa, narito ang pamilya ko so hindi ako pwedeng hindi uuwi,” sagot naman ni Jen Matapos umupo sa isang bakanting upuan. Umupo naman sa tabi niya ang nobyo. “Sayang hindi kayo nag pang-aabot ni Daniel,” sabi pa ni Jesly. “Hayaan nyo na yon. Wala naman kaming kailangan sa isa’t-isa,” sagot ni Jen. “Pero nagtatanong siya kung umuwi ka rin daw dito,” sabi pa i Jesly. Sasagot pa sana si Jen nang maunahan siya ni Racho. “Who’s Daniel?” tanong nito sa kanila. Agad na tahimik ang nasa mesa nila. “Kaklase namin na nanliligaw kay Jen,” si Jesly ang sumagot. “Really? You had a suitor back then, sweetie?” tanong ni Racho sa kanya. “Hindi ko naman pinapansin yon,” sagot ni Jen. “Pero si Daniel ay patay na patay sa kanya,” sabi pa ni Jesly. “Correct. Halos hindi mapahiwalay si Daniel kay Jen dati,” sabi naman ni Kriss. “Really? So, how did you deal with it, sweetie?” tanong Racho sa kanya at talagang hinarap pa siya nito. “Wala. Pinapabayaan ko na lang,” sagot ni Jen sa lalaki. “Really? You never entertained him even once?” sabi pa nito. “Wala talaga. Paano ako mag entertin eh wala akong time sa sarili ko,” giit naman n Jen. “Good. Because I don’t want any other boys around you, sweetie,” sabi pa ni Racho at inilapit pa ang mukha sa kasintahan. Rinig naman ni Jen ang hiyawan ng mga kaklase niya dahil sa sinabi nito. Napairap na lang si Jen at kumuha ng inumin na nasa mesa lang nila. Ininom sana siya nang agawin ito ni Racho. “This drink can cause dunkiness. Here, drink this instead,” sabi ni Racho at ibinigay kanya ang juice na nasa wine glass. Tinanggap na lang ito ni Jen at ininum. Nakaramdam naman siya ng uhaw kaya naman ay hindi na magpatumpik-tumpik pa. Agad niya itong ininom kahit nasa harap ng mga dating kaklase niya. “Wait, I give you some food to eat,” sabi ni Racho at umalis sa misa nila upang ikuha siya ng makakain. “Ang swerte mo naman, girl. Ang yummy ng jowa mo,” wika agad ni Jesly ng makalis si Racho. “May kapatid ba yan?” tanong nman ni Kriss. “Wala,” tanong sagot ni Jen kahit ang totoo ay wala naman siyang alam kung meron ba itong kapatid o wala. Hindi rin kasi niya tanong sa lalaki ang tungkol sa pamilya nito. Basta ang alam lang niya ay isa itong half-Japanese. “Sayang naman,” saad ni Kris na tila nanghihinayang pa. “As if naman patulan ka kung meron nga,” pambubuska ni Jesly sa kaibigan. “Kung itong si Laarni siguro pwede pa pero ikaw? Malabo.” Nagtatawanan sila sa sinabi nito. Hindi naman na offend si Kriss sa sinabi ng kaibigan dahil sanay na ito sa ganyang birit ng kaibigan. “May jowa na rin ako kaya kahit na may kapatid yon bawal na sa akin,” sabat naman ni Laarni na tuwang-tuwa sa mga kaklase ni Jen. “Talaga? Patingin nga ang picture jowa mo kundi di kami maniwala na may jowa ka. Madami pa namang nagkagusto sayo dito baka di makauwi ng walang boyfriend,” hirit ni Jesly na pinagbigyan ni Laarni, Halos magtilian sina Jesly at Kriss nang makita ang picture ni Kyre. “Grabe, mga artistahin naman ang dating ng mga jowa nyo. Sana all na lang.” “Mag-jowa ka rin ng artistahin,” kadyaw din ni Kris kay Jesly. “Pwede naman kaso allergic sa akin ang mga ganyang lalaki,” sagot ni Jesly. Nagtatawanan muli sila sa table nila. May pagka kalog din kasi ang kaibigan nilang si si Jesly. Hindi nagtagal ay nakabalik na rin si Racho dahil ang pagkain na para kay Jen. Kaya naman ay nagsisimula na silang kumain dn nakakuha na kanina pa ang mga kaibigan niya ng pagkain. Hanggang sa natapos sila sa pagkain ay punong puno ng kadayawan at tilian ng table nila. Hapon na nang magsimulang mag-aalisan ang mga bisita nila. Tumulong na rin sa pagliligpit si Jen upang mabilis matapos ang gawain. Habang nasa kusina siya ay kinausap siya ng nanay niya. “Anak, salamat sa lahat ng ito,” sabi niya. “Hindi naman ako ang may pakulo nito, nay. Kondi si Racho,” sagot ni Jen. “Ang bait naman ng boyfriend mo, anak,” sabi pa ni Milagros. “Sana nga po. Magtagal pa kami, nay,” sabi ni Jen dito. “Magtagal yan, anak. Alagaan nyo lang ang isa’t-isa at magtatagal kayo,” sabi naman ni Milagos. “Sana nga, nay. Sana nga,” sagot nit Jen dto. “Ano ang plano mo ngayon? Magtatagal pa ba kayo dito?” tanong ni Milagros. “Hindi na siguro, nay. Malapit na kasing magsimula ang season at kailangan namang mag training para naman makapag-adjust kami sa bagong team namin,” sagot ni Jen. “Eh, anak, kung dito kana lang magtrabaho? Business naman ang natapos mo,” saad pa ni Milagros. Ang totoo, gusto ni Milagros pa ni magtagal pa ang anak dito. Kung maari ay dito na lang sila sa Negros para hindi pa mapawalay ang anak sa kanya. Pero if gustuhin ng anak na babalik ng Manila ay wala siyang magagawa. “Nay, maliit lang ang opportunity na makapagtrabaho ako dito. At isa pa, maliit lang ang sweldo. Kapag babalik ako ng Manila ay ipagpatuloy ko ang pro sa volleyball. Malaki ang sweldo at malaki din ang maaring maipadala ko sa inyo,” saad ni Jen. “Pero anak, nag-aalala ako para sayo,” saad pa ni Milagros. Sasagot pa sana si Jen ang may sumingit sa likod. “Don’t worry, tita. I’ll take care of Jen. Akong bahala sa kanya when she’s in Manila,” singit nito sabay akbay sa kanya. Kinurot naman niya ito ng palihim upang hindi mahalata ng nanay niya ang ginawa niya. “Nag-alala lang naman ako, hijo,” saad ni Milagros. “You have nothing to be afraid of, tita. I’m just here. I’m willing to protect here no matter what,” saad nito sa nito sa nanay ni Jen. “Sana panindigan mo yan, hijo. Pag dumating ang oras na nagsawa kana sa kanya. Pakiusap, wag mong saktan ang anak ko. Ibalik mo siya sa amin ng walang kulang,” sabi ni Milagros. “Nanay naman, parang kung saan kami pupunta. Sa Manila lang naman po,” pagpapaalala ni Jen sa ina. “Naniniguro ang naman ako, anak. Ayokong dumating ang panahon na sa amin ang sisi sa bandang huli,” makahulugang wika ng nanay niya. Medyo napakunot naman ng noo ni Jen sa sinasabi ng nanay. Parang may nais siyang iparating na hindi namin maintindihan. “Nanay naman. Wag kang mag-alala, mag-ingat ako lagi para sa inyo ni tatay at ng mga kapatid ko,” saad ni Jen at kumalas mula sa pagka-akbay kay Racho at lumapit sa ina upang yakapin ito. “At kung sakaling magkaka problema man ako ay pangakong ikaw agad ang unang kung susungbungan.” “Asahan ko yan, anak ha?” sabi pa nito. “Opo, inay.” Saad niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD