Chapter 7

1911 Words
Nagising si Jen sa tapik ni Racho sa kanya. “Sweetie, wake up so you can eat. It’s already nine in the morning,” pukaw ni Racho sa kaya. “Antok pa ako,” reklamo ni Jen ngunit wala rin siyang nagawa ang pabuhat siyang pinapabangon ni Racho. Pinasandal siya nito sa headboard ng kama. Saka kinuha ang food tray na nilagay niya sa lamesita at dinala sa kama. Na-amaze si Jen sa design ng nasa plato. Nakakapanghinayang gibain ang design nito. Naka-heart shape yung garlic fried rice na napapalibutan ng longganisa. May flower design pa yung mga slices fruits na nasa kabilang plato. Kahit yung hot chocolate coffee ay may naka design na heart. “Ikaw gumawa nito?” tanong ni Jen sa lalaki. “Yes, you like it?” tanong ni Racho sa kanya. Nagkibit balikat lang si Jen at tumikim ng pagkain. Nakaramdam tuloy siya ang gutom matapos matikman ang handang pagkain nito. Sobrang ganado siya sa pagkain to the point na nakalimutan niya na nasa harap lng nya si Racho. “Sorry, gusto mo?” tanong niya dito sabay umag ng tinidor na may nakatusok na longganisa. Agad naman itong sinubo ni Racho. Saka lang na-realize ni Jen na yung tinidor na ginagamit pagsubo dito ay ang tinidor gamit niya pagkain. Napangisi naman si Racho nang makita ang katangahan niya. “Don’t worry, sweetie. We have the same rabies,” biro nito sa kanya. Irap lang ang isinagot ni Jen.Natatawang pinisil ni Racho ang ilong ni Jen. “So, cute, sweetie.” “Heh!” asik ni Jen dito at akmang tatayo upang makapunta sa banyo upang magbawas ngunit muli siyang napabalik sa kinauupuan ng muntik na siyang matapilok dahil sa sakit ng katawan niya lalo na sa bandang gitna niya. “Ouch.” “Careful, sweetie,” saad ni Racho at aalalayan sana niya ang dalaga ngunit tinapik lang siya nito. “Ang sakit nang ano ko. Paano ako makalakad nito,” sabi ni Jen at napahawak pa sa balakang niya. “Why? Where are you going?” nag-alalang tanong ni Racho. “Sa banyo. Magbawas lang sana sa maghilamos,” sagot ni Jen nang maalala na wala pa siyang hilamos. Walang ano-anong binuhat ni Racho si Jen na siyang ikasigaw ng huli. Deritso niya itong dinala sa banyo. Napakapit naman ang dalaga sa leeg ng binata sa takot na mahulog siya. Inilapag siya ng binata sa harap ng toilet bowl. “Labas, magbabawas ako,” sita nya sa lalaki. “Alright, sweetie, call me when you’re done,” saad ni Racho sa babae. Tumango lang si Jen dito. Lumabas naman si Racho upang bigyan ng privacy ang dalaga. Napangiwi si Jen ng kasalukuyan siyang nagbawas dahil mahapdi ang p********e niya. Tiniis na lang niya muna at nang matapos ay mas pinili na lang niyang maligo. Medyo naginhawaan siya ang mabasa ang ang katawan niya sa tubig. Parang na refresh siya. Kaya mas nagbabad pa siya ng matagal. Kundi hindi lang kumatok muli si Racho ay hindi niya maisipan na tapusin ang pagligo niya. Mabuti na lang may shampoo at sabon panligo ang hotel kaya kahit paano ay may nagamit siya. Kng ano-ano lang naman ang ginamit niya kaya walang problema sa kanya kung anong klaseng sabon pa yan. Saka lang niya naisip na wala pa lang siang dalang tuwalya kaya napilitan siyang buksan ang pintuan upang makahingi ng gamit kaya Racho. “Ahm, may tuwalya ka ba?” tanong niya dito. “Wait, I’ll get it for you,” sagot nito saka umalis saglit sa harapan niya. “Salamat,” sabi ni Jen matapos kunin ang tualyang inaabot ni Racho sa kanya. Agad naman siyang lumabas matapos ibalot sa katawan niya ng tuwalya. Hindi na niya pinasin ang pagtitig sa kanya ni Racho mula ulo hanggang paa. Medyo na overcome na rin niya ang sakit na nararamdaman niya. Salamat sa maligamgam na tubig na nakakatulong kahit paano. Paglabas niya pansin niyang may kausap si Rancho sa cellphone nito. Hindi na lang niya ito pinansin dahil alam niyang may kinalaman ito sa trabaho nito. Alam naman niyang busy ito dahil maliban sa negosyo nito ay isa din itong piloto. Ngunit nagawa talaga nitong gumama sa kanya sa probinsya nila. “Alright, make sure everything is fine and we will be there as soon as possible,” sabi pa nito bago ibinaba ang cellphone. Napataas na lang ng kilay si Jen at naghalungkat ng pwede niyang suotin sa dila niyang bag kagabi. Nakakita siya ng short at blouse na babagay sa kanya. Kaya naman ay yon ang isinuot niya. Hindi naman siya naiilang sa ganon dahil sanay naman siyang naka short lang lalo na kapag naglalaro sila ng volleyball. “Yan ang isuot mo?” tanong sa kanya ni Racho. “Oo, ito lang dala ko,” sagot ni Jen. “Too short,” reklamo nito. “I don’t want you to wear that.” “Sanay na ako sa ganito. Isa pa mas maikli pa nga dio ang uniform namin sa volleyball,” rason ni Jen. “Still change it. Wala ka sa volleyball court. You are not allowed to wear something like that when you're on the court,” saad ni Racho. Irap lang ang sinagot ni Jen. “Mas comfortable kong magsuot nito. Kung ayaw mo sa pananami ko edi wag kang lalapit sa akin,” sagot naman ni Jen. Napa buntong hininga na lang si Racho at hindi na komontra pa. Pumasok na lang siya sa banyo upang siya naman ang maligo. Samantalang si Jen ay sinuklay ang buhok nya. Biglang nag ring ang cellphone niyat ang kaibigang si Laarni ang tumawag. “Hello, best,” anya niya sa kaibigan matapos sagutin ang tawag nito. “Best, anong oras kayo uuwi?” tanong nito sa kanya. “Hindi ko alam, best. Baka mamaya,” sagot ni Jen dito. “Ah, okay,” sagot naman nito. Pansin ni Jen na parang ang ingay ng background ng kaibigan. “Best? Bakit parang ang ingay ng background mo, wala kaba sa bahay?” tanong niya dito. “Ah, ano kasi, best, ahm, may ginagawa kasi si Tito Gary,” sagot ni Laarni sa kanya. Parang nakulangan si Jen sa sagot nito ngunit ganun pa man ay hindi na siya nagtanong pa. Tinapos na lang niya ang tawag matapos masigurong okay ang pamilya niya. Uuwi naman siguro sila maya-maya lamang. Saktong paglabas ni Racho ay tapos na rin niyang asikasuhin ang sarili kaya naman ay hinintay na lang nyang matapos ito. Nang matapos ito ay agad siya nitong niyayang mag-check out na. Agad naman siyang sumunod dito dahil gusto na rin niyang umuwi. “Sweetie, what do you want? We’ll something to bring at home,” tanong sa kanya ni Racho nang papalabas na sila. “Kahit wag na. Hindi naman importante yon,” sagot ni Jen. “No, it’s not, sweetie. Hindi pa tayo nakapag celebrate ng graduation mo,” sabi pa niya. “Hindi pa ba? Eh, nag-cecelebrate na kaya tayo kasama nila tita Ethel,” sagot ni Jen. “This time, we’ll have to celebrate it with your family, hmmm?” enganyo ni Racho sa kanya. Napangiti na lang si Jen sa lalaki at tumango. Hindi niya akalain na maisip ito ng binata. “Let’s go. They’re waiting.” Hawak kamay silang naglalakad hanggang sa makarating sila harap ng isang magarang sasakyan na may big red ribbon pa sa harap. Nagulat pa si Jen ng biglang tumunog ito. “Ai!” napaigtad pa siya matapos tumunog. Nanlaki pa ang mata niya ng ilahad sa kanya ng binata ang susi ng sasakyan. “Para saan to?” “It’s yours,” saad nito sa kanya. “Huh?” naguguluhan na tanong ni Jen. “My graduation gift for you, sweetie,” nakangiting wika nito. “Ano?! Anong gagawin ko dyan hindi ako marunong mag-drive,” tanggi niya. “Don’t worry, sweetie. The driver is part of the package,” sabi naman nito. “Driver? May driver ako?” tanong ni Jen sa binata. Ngunit kindat lang ang isinagot nito at binuksan ang pinto sa front seat. Saka sininyasan siyang pumasok sa loob. Nakangiting umiling-iling naman si Jen at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. Na-curious siya doon sa sinabi nitong driver na kasama daw sa package ng regalo nitong sasakyan. Napakunot ang noo niya nang makitang si Rancho ang di Rancho ang pumasok sa driver’s seat. “Huh? Saan ang driver ko?” tanong ni Jen sa lalaki. Napakunot ang noo niyang ngumit lang si Racho sa kanya at nilagay ang kamay sa ilalim ng panga nito. “It’s me, my beloved. Your sweetie, your boyfriend, and your personal driver,” nakangiting wika nito.Napatanga na lang si Jen sa sinabi ng binata. Kaya hindi niya namalayan ang pagkabig nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Do you like my surprise, sweetie?” Tinampal naman ito ni Jen sa balikat. “Gago! Akala ko kung sino na.” “But of course, hahanap pa ba ako ng iba kung pwede naman ako na lang? In that way, you will fall more in love with me, sweetie,” saad naman ni Racho. Nakangiting pinulupot naman ni Jen ang mga braso sa leeg ng binata. “Hindi mo na kailangang gawin to, because I already fall in love with you Racho,” madamdaming wika ni Jen dito. “Oh, thank you, sweetie. Thank you, so much. Me too, sweetie. I’m so, so much in love with you from the first time I saw you play volleyball,” sabi nito. “Really? Nakita mo akong naglalaro ng volleyball?” hindi makapaniwala na wika ni Jen. “Yes. From there on, I started following you wherever you are. To the point that I made a deal with your school so that you will become one of the varsity scholars,” pagtatapat nito. “Oh my gosh! Thank you, thank you so much,” naluluhang saad ni Jen at muling napayakap sa binata. “Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong sa akin ang pagiging varsity scholar ko. Kung wala yon baka hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral.” “Ssss, hush now, sweetie. I did it for you because I love you. Wala akong hindi gagawin para sayo. That how I loved you, sweetie,” saad ni Racho sa umiyak na dalaga. “Pero bakit hindi ka man lang nagpapakita sa akin sa mga nakalipas na taon. Kahit sa graduation ko man lang sana. Para naman may pumalakpak sa akin habang umakyat sa stage,” parang batang nagtatampong wika ni Jen. “I was there, cheering for you from a distance. I also sent you a flower,” wika nito. “Flower?” nalilitong tanong ni Jen. Saka lang niya naalala ang lalaking nagbigay sa kanya ang bulaklak noong araw ang graduation niya. Napaawang ang bibig niya ng ma-realize yun. “Sayo galing ang bulaklak na may RT na initial?” “Yes,” nakangiting wika nito. “Bakit ngayon mo lang sinabi,” natatawa na wika ni Jen. “It’s surprize, remember?” paalala nito. Napangiti na lang si Jen at muling yumakap sa lalaki. “Thank you. Thank you for loving me even when I’m not aware of your existence.” "Thank you too, sweetie. Thank you for loving me back," sabi nito sa muli siyang hinalikan sa noo saka muling hiyakap ng mahigpit. Gumanti naman ng yakap si Jen ng kasing higpit ng yakap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD