HINDI man dream reader ang binatang opisyal pero pinakaingatan niya ang masamang panaginip niya tungkol sa babaeng bumihag sa puso niya. Sa mga magulang lang niya ito sinabi dahil hindi na niya alam kung kanino magtitiwala. Hindi rin naman siya puwedeng basta umasa na lamang sa mga kaibigan niya dahil may sariling hawak din ang mga ito. At ang kay Antonio ay hawak niya. “Isang pangitain iyan, anak. Wala pa iyan sa karanasan ko noong nasa field reporting pa ako. Mga bangkay na hindi nabasbasan, mga namatay na hindi man lang nabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay, mga kaluluwang naghahanap ng katahimikan at dasal; sila ang nagpakita sa akin noong araw. At first hindi ko iyan pinansin. ’Ka ko it’s just a fruit of my imagination pero nang sinundan nila ako hanggang sa bahay, doon ko nap