BW2

2763 Words
Nagising siyang kumakalam ang sikmura, di pala siya nakapag almusal kanina, bumangon siya at nagpalinga linga, halos lahat ay abala sa panonood sa karagatan, tantiya niya ay hapon na, ganun na pala siya katagal na nakatolog, marahil sa pagod at kakulangan ng pahinga kagabi. Bumangon siya at hinanap ang CR para makaihi, nang makita ay tila nandiri naman siya, marumi kasi at malansa ang paligid kasi malamang tubig dagat ata ang ginagamit pangbuhos. Umihi siya at naghilamos, bukas nalang siya maliligo, dahil dalawang piraso lang ang kanyang baon na damit. Matapos gumamit ng banyo ay lumabas naman siya para maghanap ng makakainan. Bumili siya ng kanin at ulam, kailangan niyang magtipid, lalo at hahanapin pa niya ang tita niya sa Maynila. Matapos kumain ay may nakita siyang pawang kaedad niyang dalawang babae. "Hi," bati ng mga ito. "Hello," sagot naman niya, takot siyang magtiwala, lalo at di parin maalis ang pangamba na baka ay nasundan siya ng mga tauhan ng Amain niya. "Ako nga pala si Gela at ito naman si Heather, papunta ka ring Manila diba?, dun ka rin ba mag aaral?", nakangiting tanong nito. "Ahh oo,ako pala si Raya kayo ba?", sabi niya, kasama sa plano niya ang tapusin ang kanyang pag aaral. "Oo, excited na nga ako, noong nakaraang buwan kasi naghanap na kami ng boarding house doon, at ngayon dun na ang tuloy namin." sabi ni Heather. "Ah mabuti kung ganun," bigla siyang nalungkot, naalala na naman niya ang Mama niya. "O bakit ka biglang nalungkot." si Gela. "Naalala ko lang si Mama, ahm buti pa kayo may ready nang boarding house ako kasi maghahanap palang." sabi ko sa mga ito. "Alam mo bang dalawa lang kami sa room, sama ka nalang sa amin, four thousand kasi ang rent per month, kasama na ilaw at tubig, bali tig two thousand tayo per month, para ang two thousand ay para sa pagkain natin, sa tingin mo?, yun ay kung willing ka lang naman." sabi nito na tila kukumbinsihin talaga siya. "Sige, habang naghahanap ako sa kapatid ni Mama, dun muna ako sa inyo, at least kakilala ko na kayo, tsaka mukha naman kayong mababait." sabi ko sa mga ito. "Naku, I'm so excited malamang maraming gwapo sa university na papasokan natin, teka anong school mo ba?", baling ni Heather sa kanya. "PUP, nakapasa na ako sa Upcat last month." sabi ko sa mga ito, which is true kasi bago sila napunta sa Tiyong niya ay kumuha siya ng UPcat online, nakapasa siya, kaya lang ay pinaluguran niya ang Mama niya ng sinabi nitong mag aasawa na ito. "Wow sana all brainy, kami sa UST, pangarap kasi ni Mama na makapasok ako sa UST." sabi ni Gela. "Naku di naman," napakamot pa ako, may kuto lang. "Anong kukunin mong kurso?" tanong nito sa kanya. "Banking and finance," sagot ko. "Wow, ako Nursing naman pre med course ang kukunin, balak ko kasing mag doctor."si Gela. "Di ba magastos yun?", tanong ko, nakaupo na kami ngayon, dahil kunti lang ang sakay ay nag sama sama na silang tatlo, at least diba safe. Kung mapatunayan niyang mapagkakatiwalaan ang mga ito ay sasabihin niya ang kanyang sitwasyon. "Ang amo ng Mama ko ang magpapaaral sa akin, kaya kailangan galingan ko, imagine lahat ng gastos ay sila ang sasagot." sabi nito. "E, ikaw Heather ano ang kukunin mong kurso?," baling ko dito. "Pharmacist," sagot nito. "Alam mo Heather, sana matupad natin ang mga pangarap natin." sabi ni Gela. "Oo nga, para makuha ko na si Mama," naisatinig niya, mukhang wala namang napansing kakaiba ang dalawa sa sinabi niya. Nang mapagod kami sa pag kukwentuhan ay natolog na ang dalawa siya naman ay nanatiling gising ang diwa. Binilang niya ang perang pabaon ng nanay niya kagabi, isang daan libong piso iyon, may kasama pang iilang piraso na alahas. Kung di niya man makita pa ang kapatid ng Mama niya, ay pupwede niyang magamit ang pera na yon para makapag aral at makapagsimula ng buhay sa Manila. Dalawang araw at isang gabi ang biyahe, pag baba namin sa pier sa Maynila ay magkasunod kaming tatlo. "Girls, ingat tayo kasi maraming mandurokot dito." babala ni Gela, fully aware naman siya sa ganung mga kalakaran, sa mga palabas nakita at napanood na niya. "Mga Miss, kami na ang magbubuhat ng bag nyo, bente lang." sabi ng isang lalaki kay Heather, mukha silang mayayaman sa mga hitsura nila kaya naman kinabahan siya, lalo at tinanggal na niya ang sarong, naka shorts na lang din siya at tshirt na malaki, ang pull over jacket niya ay itinali niya sa beywang niya, nakapusod ang tuwid na tuwid niyang buhok. "Kaya na po namin, salamat," sabi ko bago hinawakan ang kabilang bahagi ng bag ni Heather, kanya kasi ay ginawa niyang sling kaya magaan. "Salamat Raya ah, nakakatakot kayang magtiwala." sabi nito, naglakad sila ng konti, ayon kasi sa mga ito malapit lang sa pier may mga dumadaang jeep, bali dalawang sakay ang gagawin nila. "Wow gutom na ako," reklamo ni Heather. "Ako din, di bale kakain tayo pagdating natin." sabi ni Gela. Pumara na kami ng Jeep, pagbaba ay muling sumakay ng bus naman, papuntang fairview. Isang bahay ang kanilang pinuntahan, agad naman na nakilala ng may ari ang dalawa, bago siya ipakilala na kasama sa kwarto ng mga ito. "O siya sige, maiwan ko na kayo." sabi ng matanda. May dalawang electric fan sa magkabilang dulo, dalawa ang kama, malapad ang isa. "Share nalang kaming dalawa tapos ikaw diyan." sabi ni Heather. "Sige salamat, ito nga pala ang ambag ko," sabi ko at iniabot kay Gela ang apat na libo, ibinalik naman nito ang isang libo. "Ito lang kukunin ko, maglinis muna tayo, napaka alikabok e, " sabi ni Heather, maya maya pa ay abala na sila sa pag aayos ng room nila. Kailangan niyang bumili ng mga damit niya, kahit kunti lang, at mga toiliters. "Tara labas tayo, dun na muna tayo kakain, May grocery store sa banda roon, dun na tayo kakain, then bili ng mga gamit at grocery natin." si Gela. Tumango siya, may kanya kanya silang cabinet, may lock naman pero safety first muna, isiniksik niya ang pera niya sa pinagilid ng bag, di yun mapapansin kung di makakapa. "Sige, bibili din ako ng mga personal things ko, konti lang kasi ang dala kung damit." sabi ko sa mga ito. Nang dumating kami sa naturang malaking grocery store ay pagkain ang una nilang hinanap, nang mabusog ay grocery naman, magkatulong silang pumili ng mga grocery items. Bumili siya ng ilang pirasong T shirt na ibat ibang kulay, puro plain lang, at dalawang maong na jeans, at pambahay na pajama at shorts set, tuwalya, at kumot unan at bedsheet. "Wow dami nating binili, paano ba natin bubuhatin to." si Heather. "Magpahatid sa taxi", nakangiting sabi ko. Pagkatapos niyang magsampay ay nagulat nalang siya na tolog ang dalawa, halos di na nakaayos ng higa si Heather, si Gela naman ay nabitawan na ang cellphone, halatang napagod ng husto ang mga ito. Nagsalang siya ng sinaing sa rice cooker, inilabas niya ang mga gagamitin niya sa pag luto ng uulamin nila, nang makapagluto siya ay tolog parin ang dalawa kaya naman ay inayos niya ang mga gamit nila, at nagwalis na din. Ginamit niya ang tuwalya kahit wala pang laba, no choice siya e, at tshirt na pabaon ng Mama niya. "Gel, heather gising na, kakain na tayo." panggigising ko sa dalawa, si Gela ang unang nagising. "Naku Raya, pasensya na nakatolog kami," sabi nito, na nag inat na muna. "Pasensya kana sa aming dalawa bawi nalang kami, nakaluto kana pala." si Heather,tumayo na ang mga ito. "Tara kain na." sabi ko. Umupo naman ang dalawa. "Kailan ka pala pupunta ng school?", tanong ni Gela sa akin. "Sa katapusan pa, bukas ang paghahanap muna sa kapatid ni Mama ang aatupagin ko, kailangan mailigtas si Mama sa lalong madaling panahon." sabi ko na di ko na naalalang kailangan ko na ilihim ang lahat. "Iligtas?, bakit?", napahinto naman ako ng kain, napabuntong hininga nalang siya. "Tumakas lang ako sa step father ko, at ngayon nanganganib ang buhay ni Mama." pagkukwento ko. "Wait lang nagugulohan ako," si Gela, kaya naman isinalaysay ko na sa mga ito ang mga pangyayari sa buhay ko. "So isang Gardoza ang amain mo?, god alam mo ba kung gaano ka kilala ang taong yun sa Mindanao, naku delikado nga ang lagay ng nanay mo." si Heather. "Oo kaya kailangan na mahanap ko si Tita bago mahuli ang lahat." sabi ko. "Samahan ka namin bukas, wala naman kaming pasok pa." sabi ni Heather. "Oo nga, para naman may kasama ka." sabi ni Gela. "Salamat ah, di ko alam kung wala kayo, malamang di ko alam kung paano ako dito." sabay ngiti sa dalawa. "Kuu ang drama naman," sabi ni Gela. Nang gabing iyon ay nakatolog siyang baon ang takot para sa Mama niya. Kinabukasan ay maaga palang silang tumulak pa Antipolo, yun kasi ang Address na nakalagay. "Naku Miss, lumipat na sila e," sabi ng babaeng nakausap nila. "Ganun po ba, alam nyo po ba kung saan sila lumipat?", tanong ko. "Hindi e, dadalawa lang naman sila ni Jim ang magkasama." sabi nito, nanlulumo kaming umuwe. "Paano yan Raya, kung di mo makita si Mama mo," si Heather, di niya din alam ang gagawin. "Di ko alam, para akong nanghina nung malamang wala na sila doon." sabi ko sa mga ito, nag iwan kami ng cellphone number, ang kay Gela ang binigay namin kasi wala naman akong cellphone, sinabi niya rin ang pangalan ng Mama niya. "Wag tayong susuko, maghintay nalang tayo kung ano ang mangyayari sa ngayon, lalo at kung pinaghahanap ka nung Gardoza." si Heather. "Ang Mama ko ang inaalala ko, habang tumatagal siya doon ay nasa panganib siya." himutok ko, tinapik lang ako ng dalawa sa balikat. "Pagdasal natin ang kaligatasan ng Mama mo." si Heather. "Oo nga," si Gela. Makalipas ang tatlong araw ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ng Mama niya. "Gel, Heather pasensya na kayo kung pati kayo e nadamay." nakangiwi kung sabi sa dalawa panu kasi e nagkanda ligaw ligaw sila. "Ano kaba para kang others diyan, tara eenjoy nalang natin." sabi ng mga ito, kaya ang ending nag walking lang naman sila, may mga baon silang damit, para alam mo na. "Hoo, diba yun yung nasa picture na bahay?", si Heather sabay turo sa isang bahay sa may unahan. "Oo yan na nga, tara", sabi ko, hingal na hingal kami nang makarating. "Tao po, tao po!", kalampag namin, isang lalaking pogi ang nagbukas ng gate, hula niya ito na yung pinsan niyang si Jim, kwento ng Mama niya isa itong accountant graduate. "Sino sila?," tanong nito, na palipat lipat ang tingin sa kanilang tatlo. "Kuya, ako po si Raya Ranillo, anak ako ni Rhea," pakilala ko. "Anak sino yan?" tumunog ang pinto hudyat na may palabas na tao, bumungad ang babaeng kahawig ni Mama niya. "O diyos ko, Raya ikaw naba yan?," sabi nito na tinakbo ang pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. "Opo ako nga po, mga kaibigan ko po pala si Heather at Gela." pakilala ko, pag lingon ko sa mga kaibigan ko ay nakasunod ang tingin nila sa pinsan ko. "Kinagagalak ko kayong makilala,siya si Jim ang aking anak, pameryendahin mo muna sila." utos nito kay kuya Jim "Opo Ma," sabi nito na ngumiti sa akin, mukhang magkakasundo kami. "Nasaan si Mama mo Raya?", tanong nito. Agad niyang sinabi ang kalagayan ng ina, nang araw na iyon ay doon sila natolog sa bahay ng tiyahin, medyo kinilig pa ang dalawa kasi crush pala ang pinsan niya. "Raya a, tanongin mo yang pinsan mo kung single a." si Heather na nakahiga na sa kama. "Oo na po." sagot ko sa pangungulit nito. Kinabukasan ay umuwe na ang dalawang kaibigan, siya nagpaiwan siya, buti at dala niya ang importante niyang mga gamit such as pera and papers. Patungo kami ngayon ng NBI and PDEA para sa pag rescue sa Mama niya, mabuti at may kilala si Tita na mataas na opisyal. Hiningan siya ng statement ng mga ito, sinabi niya lahat ng nalalaman niya, good thing at natandaan niya ang address ng lugar. Nang makauwe sila ay hinintay nila ang balita, di na kasi pumayag ang tiyahin niya na ipain siya para matimbog ang kinakasama ng Mama niya, at mabuti nalang at may sulat na pinadala ang Mama niya. "Your sister is now dead, pagdating namin doon, nasa likod bahay siya, with multiple wound," malungkot na balita sa amin. Agad akong humagulhol, napakasakit na ganun ang sinapit ng Mama niya, napakawalang puso. Si Tita Rowina, halos himatayin sa nalaman, ayon pa sa mga ito, mga dalawang araw ng patay ang ina, ang amain niya ay nabaril at patay na din, lahat ng ari arian nito ay sa kanya mapupunta. "Ayoko pong kunin ang anumang bagay mula doon." sabi ko sa abogado ng pamilya Gardoza. "Pero Miss, sa ngayon nakasalin ang lahat sa pangalan mo, at dahil nandito ka sa tiyahin mo, siya ang magiging legal guardian mo, for the meantime ay isasaayos ko ang lahat ayon sa probisyon." sabi nito. "Ano yan bayad sa buhay ng kapatid ko." galit na sumbat ng Tita niya, tatlong araw na mula ng mailibing namin si Mama. "Hindi po Ma'am, isang linggo palang po mula ng Dumating sa poder ni Vicente ang mag ina ng ipagawa niya ito, ang maipapayo ko Ma'am, tanggapin nyo nalang para sa kinabukasan ng bata." paliwanag ng abogado. "Pag iisipan ko po Attorney." sabi ni Tita. "Siya sige tutuloy na ako, Monthly may darating na allowance sayo, ito ang Atm, thirty thousand a month, hanggang sa mag twenty five years old ka." sabi nito sabay abot ng atm card, nanginginig ang kamay ko ng iabot iyon. Ayon sa abogado, fifteen million ang nakatakda niyang manahin mula sa amain, wala itong kamag anak, kaya ganun, ngunit makukuha niya lang ang lahat oras na tumuntong siya sa edad na dalawangpot lima. "Anak, may punto ang abogado, isipin mo ang kinabukasan mo, kung iyon man ang kapalit ng buhay ng Mama mo, wala tayong kakayahan na ibalik ang buhay niya, kaya mas makabubuti na kunin mo iyon." payo ng tiyahin. "Yan din ang naiisip ko Tita, para makapagtapos na din ako." sabi ko dito, halos di na makilala ang Mama niya kaya naman ay inilibing din nila makalipas ang dalawang araw, kasama niya sila Gela at Heather kaya kahit papaano ay may naging karamay niya ang dalawa, natuwa naman ang tiyahin niya kasi naging instant tatlo na ang naging apat na daw ang anak nito. "Tita, naka enroll po ako ngayon sa PUP, masyado pong malayo kung dito po ako uuwe araw araw, sa boarding haus nalang po muna ako tuwing may klase, uuwe naman po ako dito kada sabado o linggo." paalam ko dito. "Yan din ang pinag usapan namin ni Jim, lalo at si Jim naman e di ka din maihahatid araw araw, lalo at kakaumpisa niya palang magtrabaho sa Lacsamana group of companies." sabi nito. "Wow, Tita sa LGC nag wowork so Kuya Jim?," nanlalaki ang matang sabat ni Heather. "Oo hija, nakapasa siya sa final interview, masaya nga iyon kasi malaki daw magpasahod ang kompanya, at marami pang mga incentives na ibinibigay sa mga empleyado." masayang sabi ng Tita niya. "Naku naman ang swerte ni Kuya Jim." si Heather uli. "Sabi nang wag Kuya ang itawag sa akin e, kulit", sabat ni Kuya Jim. "E sa Kuya ka na naman talaga namin, feeling teens to." ingos ni Heather dito. "Tsss, si Gela lang at si Raya ang pwede ikaw hindi, mukha kanang matanda e." sikmat nito sa kaibigan. "Aba't Tita o, inaaway ako ng anak nyo." sumbong nito kay Tita. "Naku, Jim wag mo nang asarin yang si Heather, e twenty kana e sila sixteen at seventeen lang." saway ni Tita dito. Tumayo si Heather, at mula sa kinaroroonan nila ay dinig na dinig nila ang bangayan ng dalawa. "Di na ako magtataka kung magkatuloyan yang dalawa, o siya ikaw ang bahala anak, dadalaw dalaw nalang kami ni Kuya Jim mo sayo." sabi nito, na ginagap ang kamay niya. "Opo Tita, salamat po." sabi ko dito, si Gela naman ay kausap na naman ang anak ng amo ng Nanay niya na nasa america. "Ngayong wala na ang Mama mo, ako na ang magiging magulang mo, di ka namin pababayaan ng kuya Jim mo." Nang araw na iyon, ay ipinasyal kami ni Kuya Jim, pinakilala din kami sa Nobya nito, na todo naman ismid ni Heather, kesyo maarte daw, tabingi ang mata, natatawa nalang kami ni Gela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD