BW1

1530 Words
"Raya!, halika dito, halika at nang mapagsawaan kita, nakita mo ba si Mama mo diba." ang kinakasama ng Mama niya. Lalo niyang isiniksik ang murang katawan niya sa gilid ng kakahuyan, impit siyang humikbi. Iniwan sila ng kanyang ama para sumama sa isang mas bata pang babae, kaya naman ay mag isa siyang itinaguyod ng ina. Dalawang buwan na simula nung dalhin siya ng Mama niya sa bahay ni Vicente, ang kanyang amain, mabait ito sa kanya noong una, dalaga na siyang tingnan sa edad na kensi ay malaking bulas siya, maganda ang kanyang mukha na malasutla ang kutis. Noong una, napapansin niya ang tila laging lutang ang kanyang ina, ngunit nung nakaraang araw ay binalaan siya ng Mama niya. "Anak, iligtas mo ang sarili mo, di ko alam kung paano siya matatakasan." humihikbing sabi ng Mama niya. "Bakit Ma, sinasaktan kaba niya?", tanong ko dito. "Adik si Tiyong mo, drug lord siya dito, kaya siya mapera pinipilit niya akong mag droga kahit ayaw ko, natatakot ako para sa iyo anak." sabi nito. Iniabot nito sa kanya ang tila panyo na nakabungkos. "Ano to Ma?," tanong ko dito. "Pera yan anak, bukas tumakas ka, nandiyan ang mapa, at ang address ng Tita Ludy mo sa Maynila, sa may dulo dito malapit sa may highway may isang kubo doon, sa ilalim nilagay ko ang bag, laman ang lahat ng mga papeles mo, at damit mo." sabi nito. "Pero Ma-" "Para sa iyo to anak, wag mo akong intindihin, kasi tatakas din ako, mas makakakilos ako pag wala ka dito," mahinang sabi nito. "Natatakot ako Ma." sabi ko dito, ginagap nito ang kamay niya at pinisil, mariing hinalikan ang noo niya. "Kayanin mo anak, mahal na mahal kita kaya ko ito gagawin, mamaya wag kang magpahalata na tatakas ka." bilin pa nito, medyo kinakabahan ako, kaya naman ay nakabuntot siya sa Mama niya habang nagluluto ito, mamaya maya ay dumating na ang sasakyan ng kanyang tiyong. "Mano po Tiyong," sabi ko. "May pasalubong ako sayo Raya." sabi nito bago iniabot sa kanya ang isang set ng panty at bra, natigilan siya, napatingin siya sa Mama niya, ngayon naiintindihan na niya ang sinabi ng Mama niya. "O di mo ba nagustohan?", tanong nito ng makitang natigilan siya. "Naku Tiyong di ho, maganda nga po yung yari niya, parang sa TV yung pang model." sabi ko bago pilit na ngumiti. "O sa lunes samahan kitangag enroll sa bayan." sabi nito, napangiwi siya, pero pinigilan niya. 'Wag kang pahahalata Raya'. "Malapit lang po ba yun dito Tiyong?" tanong ko. "Naku oo, wag kang mag alala ma impluwensiya kami dito sa bayang ito, kaya walang kakanti sayo dito." nagmamalaking sabi nito. Mayaman ang lalaki, kasi nga naman isa pala itongdrug lord sa lugar na iyon. "Anyway, bagay na bagay yan sayo." tila may malisya pa nitong sinuyod ng tingin ang katawan niya. Nang gabing iyon ay nagising siya ng madaling araw palang mailap sa kanya ang antok, kaya naman ay gising siya ng alas tres ng madaling araw. Umupo siya at namintana, mula sa kinaroroonan niya ay ang mga ilaw sa mga kabahayan, dinig niya din ang tunog ng mga naglalakihang mga truck na dumadaan sa kabilang bahagi ng bahay, highway na iyon, pangunahing kalsada iyon papuntang Cagayan de Oro, may mga saging at mga pinya ang kadalasang binbiyahe ng mga ito, minsan mga malalaking troso, sanay na siya kahit papaano, kahit nagmula sila sa bukid na lugar ay nakasanayan na ring matolog kahit maingay. Payapa naman sana ang lugar kung wala lang ang hayop na si Tiyong, tumingin siya sa baba, ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ang Amain, mukha itong wala sa sarili at lolong sa Druga, habang ang Mama niya ay tila bangenge na nakahiga, na hubad, natotop niya ang bibig. Mabilis siyang kumilos, bumaba siya sa unang palapag, maingat na di makagawa ng ingay, nasa bulsa ng jogger pants niya ang pera na iniabot ng Mama niya, wala siyang cellphone, kasi dati wala namang signal. Sumilip siya, kita nya kung paano binababoy ng Amain niya ang Mama niya, napaiyak siya, kailangan makatakas siya, namataan niyang pumasok ang Amain, mabilis siyang nagkubli sa likod ng isang flower vase na malaki. Umakyat ito sa taas, isang hinala ang umukilkil sa isipan niya, kaya naman ay mabilis siyang lumabas nagtago sa mga halaman sa likod, di siya pwedeng makita nito. ""Raya!, halika dito, halika at nang mapagsawaan kita, nakita mo ba si Mama mo diba." sigaw nito, nalaman na siguro nito na wala siya sa silid niya. "Raya, sarap na sarap ang Mama mo, magugustohan mo rin ang gagawin natin, uulit ulitin mo pa." sigaw nito. Mula sa pinagkukublian niya ay nakita niya itong nasa hagdan pababa, mataas ang hagdan, kaya matatagalan bago ito makababa, nakita niya ang grasa na ginagamit nito sa sasakyan, isinaboy niya iyon sa may hagdan, pasalamat siya at medyo bangenge ito. Mabilis siyang umalis, sa dami ng binuhos niyang grasa malamang ay madulas ang marmol na sahig, sana ay mahulig ito, madilim man ang paligid ay sinanay niya ang mga mata, sinusundan niya lang ang mga ilaw ng mga sasakyan sa may highway. Di pa man nangangalahati ang nilalakad niya ay nakarinig siya ng putok ng baril, galing sa bahay. "Si Mama,"akmang babalik siya, nang maulinigan niya ang mga tauhan ng Amain sa kalayoan na papalapit sa bahay. Kaya mabilis siyang tumakbo palayo, dala ang dalangin na sana ay hindi tumama sa Mama niya ang bala ng putok ng baril na iyon. Tigmak ang luha sa pisngi niya, pero pinilit niyang magpakatatag. Gaya ng bilin ng Mama niya ay nakita niya ang bag na sinasabi nito, dahil madaling araw ay walang bumibiyahe pang bus, ngunit tiyak niyang sa mga sandaling iyon ay pinaghahanap na siya ng mga tauhan ng kanyang Amain. Makapangyarihan ang Amain sa lugar na iyon, kaya naman ay di siya basta basta nalang magtitiwala lalo at wala siyang kakilala kundi ito at ang mga tauhan lamang nito. Nagkubli siya sa likod ng mga damuhan, maya maya ay may dumaang truck ng mga kahoy, mukhang iihi ang pahinante at ang driver, maliksi siyang sumampa sa likurang bahagi ng truck, bababa nalang siya kung nasa pier na, ayun kasi sa tiyuhin niya ay sa pier ang tungo ng mga delivery truck na nagmumula sa lugar na iyon. Tigbi tigbi ang pawis bago niya magawang makasampa, dumapa siya, para di siya makita, dasal niya sana bago magliwanag ay nasa pier na para walang makapansin sa kanya. Umandar ang Truck at akmang aalis na nang makita niya ang paglabasan ng mga tauhan ni tiyong. "Umalis na po kayo, mamang driver please." usal niya, at tila pinakinggan naman ang dasal niya. Muli niyang nilingon ang pinanggalingan, kita niya ang pagpalinga linga ng mga ito. "Ma, babalikan ko kayo Ma, ililigtas ko po kayo, o diyos ko gabayan mo po si Mama, at ako po." Usal ko. Malapit nang magbukang liwayway pero nasa biyahe padin ang sinasakyan kung truck, nakita niya ang signage sa kalayuan, malapit na sa pier, huminto ang truck, medyo matao ang lugar, kaya naman mabilis siyang bumaba, saktong landing niya sa lupa ay humarorot paalis ang truck. "Salamat po." nakangiti niyang usal. 'Salamat kasi nakaligtas ako sa kamay ng Amain ko, nagawa ko ang bilin ni Mama.' gumilid ako, may mangilan ngilang tao na sa kalsada. Pumara ako ng Jeep, na may sign na Pier, nakahinga siya ng maluwag, binistahan niya ang bag na dala, may sarong doon at jacket, ilang pirasong damit niya. Pinagpag niya ang alikabok, malamang maalikabok ang mga kahoy na inuupoan niya kanina, nakajagger siya na itim at nasa bulsa niya ang pera, hinati niya iyon kagabi, ang iba ay nilagay niya sa secret pocket ng bra niya, ang kalahati ay hinati niya pa, nilagay niya sa bulsa ng kabilang bahagi ng shorts niya sa ilalim, meaning doble ang suot niya. Bumaba siya sa pier, para kumuha ng ticket. "Miss, isang papuntang Maynila nga po." sabi ko sa ticket girl, yun ata ang tawag sa mga ito. "Apat ka libo Neng." sabi nito. "Salamat." may iba pa itong sinabi pero ang importante sa kanya ngayon ay makaalis na, ang inaalala niya naman ngayon ay ang dadatnan niyang buhay sa Maynila. Naka sarong siya, kaya naman ay di siya gaanong pansinin, lalo at itim iyon, karamihan naman kasi sa mga sakay ay muslim kaya di na siya magiging kapuna puna. Isang matandang babae at batang babae ang katapat niya sa caben, kauna unahan niyang sakay sa barko, kaya naman ay takot siya lalo at di naman siya marunong lumangoy. Isang pangkaraniwang barko ang nasakyan niya, gaya ng napapanood niya sa tv ay iginala niya nag mga mata upang hanapin kung saan ba naroroon ang life jacket at kung ano ano pang survival equipment. Nakakalungkot lang mag isa, naupo siya dahil sa gilid ang caben niya ay kita niya ang dagat, at humahaplos ang hangin sa kanyang mukha. Pumikit siya at dinama ang hangin, mula sa kinauupoan nakita niya ang bukang liwayway, napaiyak siya, kasabay ng pag alala sa Mama niya. 'Ma, buhay ka paba?, sana magkita pa tayo Ma, umaasa ako magpakatatag ka, para sa akin Ma, kayo nalang ang meron ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD