Nagising siyang tila ang daming tao sa baba, napabalikwas siya ng bangon upang alamin ang nangyari sa baba. Nakamalaking tshirt siya at pajama na maluwag upang di maipit ang kanyang tiyan. Nang makababa siya ay nasa sala nga ang ilan sa mga kaibigan ng asawa. Maging ang dalawa niyang kaibigan na pawang nagmadaling lumapit sa kanya pagkakita. "Ang laki na ng tiyan mo bess." Puna ni Gela ng malapitan siya. "Kumusta?" Tanong ko sa mga ito. "Bess patay na si Wennie." Sabi ni Heather. Ikinatigagal niya iyon. "Uy wag ka naman ganun, kahit naman bruha yun e wag kang mag joke ng kamatayan nya. Buntis pa naman yun." Saway ko dito. Alam kung masama ang ipinapakita ng babae sa kanila, but still we don't need to wish someone's death. "Totoo ang sinabi ni Heather bess, namatay siya matapos na mau