KAPITULO 3

2756 Words
“NURSE! Nurse! Tulungan niyo 'ko, emergency 'to!” humahangos na tawag ko sa dumaang staff nurse. “Nasa sasakyan ko iyong pasyente!” Sinadya ko'ng iparada malapit sa ospital iyong Jeep Wrangler upang hindi na mahirapan ilagay sa strecher ng mga nurse ang sugatang estranghero. Binabantayan din ito ni Fina roon.  “Anong nangyari sa pasyente?” tanong nito. “Wala akong kasalanan ah!” depensa ko kaagad na parang inakusahan.  “Saan niyo siya natagpuan? Malala ba ang lagay niya? Anong vitals niya?” “M-malala s-siguro. Maraming dugo eh.” Alanganin ang sagot ko. Hindi naman ako doktor kaya hindi ko alam ang isasagot.  “Ano'ng ginagawa niyo at paano niyo siya nakita?” gagad pa niyang tanong.  “K-kuwan, nag-mamaneho ako pagkatapos bigla na lang siyang sumulpot sa daan. Promise hindi ko siya sinagasaan dahil nakapag-preno ako kaagad. Siyempre bilang matulungin sa kapwa, tinulungan ko. Pwede ba, mamaya na ang interview. Puntahan na natin iyong pasyente at naghihingalo na 'yon!” Tumalima naman kaagad ang nurse at sumunod sa akin sa pinag-parkingan ko. Nag-tawag din ito ng kaagapay na may dalang strecher. Pinagtulungan nila ang pasyente at ipinasok kaagad sa emergency room. Naiwan sa sasakyan si Fina. Naghintay ako sa labas ng emergency room. Yari sa salamin ang bahagi ng emergency room kaya kitang-kita mula sa puwesto ko ang ginagawang pagkuha ng vitals ng mga nurse sa 'di kilalang pasyente. Nahagip ng mata ko ang pagdating ni Renai papasok sa nasabing kwarto kaya naman tinawag ko ito. “Renai, sandali!” Lumingon siya, suot ang kunot sa noo. “You're still here, Sanya? Hindi ba at nakaalis na kayo?” Napakamot ako sa sentido. “May emergency kasi sa daan—” “Bakit may dugo ka? Naaksidente ka ba?” putol niya sa sinasabi ko, ang mata ay sumusuyod sa suot ko. Noon ko lamang din napansin ang mantsa ng dugo sa kamiseta ko. Siguro ay nakuha ko ito no'ng buhatin namin ni Fina iyong estranghero para isakay sa sasakyan. Wala akong ekstrang damit para makapag-palit. Umiling ako bilang pagtanggi. “Hindi sakin ito. May tinulungan lang akong—” “Dok Renai, kailangan na kayo dito sa loob! Nasa kritikal stage na ang pasyente!” Bumukas ang emergency room at tinawag na si Renai ng nurse. “Mamaya na tayo mag-usap, Sanya. Kailangan na ako ng pasyente.” Napatango na lamang ako sa urgency na hatid ng boses ni Renai. Lumapit ako sa glass wall ng emergency room. Nakatunghay ako sa ginagawang pag-revive ng medical team sa estranghero. Napanguso naman ako nang punasan ng nurse ang noo ni Renai. Sana pala, Nursing na lang ang kinuha ko'ng kurso imbis na Business Management. Edi sana, libreng libre ko'ng makasama ang lalaking gusto ko. Dumako ang mata ko sa lalaking walang malay na nakaratay sa kama. Nakaramdam ako ng awa para rito. Tila nilalapirot ng kurot ang dib-dib ko sa tanawing iyon. Kung sino man ito ay sana magawa nitong paglabanan ang kamatayan.  “Miss, pwede ka ba naming makausap?” untag sa akin ng isang pulis. Bigla na lamang ito sumulpot sa tabi ko. Napakurap ako sa harapan nito at saglit na kinabahan. Narito ba siya para arestuhin ako? “B-bakit po? W-wala akong alam. Tumulong lang ako.” Mahinang natawa ang simpatikong pulis. Tantiya ko'y, matanda lang ito ng dalawang taon sakin. “Huwag kang matakot. Nag-iimbestiga lang ako. Ako nga pala si Inspector Vladimir. Amir na lang ang itawag mo sakin para hindi mo maramdaman ang pag-kailang sa paguusap natin.” “Ako naman po si Sanya, ano ang kailangan niyo sakin?” “Gusto ko lang makumpirma kung ikaw ba ang nag-dala dito sa biktima?” Lumabas ang dalawang biloy nito sa pisngi nang ngumiti ito. “Oo. Ako nga.” “Kung maari, hihingan ka sana namin ng kaunting impormasyon. May nakapag-report kasi sa amin na may insidenteng naganap sa lugar kung saan mo nakita iyong biktima.” Tumango ako at inayang doon kami mag-usap sa cafeteria ng hospital. Nilibre ako nito ng kape na ngayo'y tahimik ko'ng sinisimsim. Mga ilang katanungan din ang nasagot ko sa imbistigasyon niya. Partikular ang mga tanong nito sa oras ng insidente. “Sa tingin ko ay nadale ang biktima sa isang modus operandi. Base sa mga sinabi mo, walang kahit anong pag-aari ang lalaki nang dalhin niyo rito. Bukod sa suot nitong damit,” saad ng pulis. Tumango ako. “May posibilidad ba na, nabiktima siya ng isang modus operandi?” Kuryuso kong tanong. Nilagay ng pulis ang hintuturo sa labi. “Posible.” Bigla namang sumagi sa isipan ko ang itsura ng kahina-hinalang lalaking nakabangga ko sa isang convenience store. Palantandaan ang mga bahid ng dugo sa damit nito upang isipin ko na may kinalaman ito sa nangyari sa biktima. Isa pa'y, hindi malayo ang pagitan ng mga oras nang makita ko ang duguang biktima sa kalsada. “May alam ka ba?” kunot-noong tanong ng pulis. “Inspector, magiging delikado ba ang buhay ko kung sasabihin ko'ng may tao akong pinaghihinalaan sa gumawa nito sa biktima?” Naging alerto ang mukha nito. “Kung makikipagtulungan ka sa amin, sinisigurado ko ang seguridad mo.” Buo ang loob na napatango ako bilang pagpayag. Inilabas nito ang maliit na voice recording at ipinatong sa lamesa, senyales upang sabihin ko na ang mga nalalaman. Inisa-isa ko sa harapan niya ang mga detalyeng maaring makatulong sa biktima upang mapanagot ang may sala sa kanya. Nakinig lamang ang pulis hanggang sa matapos ako. “Maraming salamat sa kooperasyon, Miss Sanya. Babalitaan na lamang kita tungkol sa progreso ng kaso,” tumayo ito at naglahad ng kamay sa akin. Malugod ko iyong tinanggap at nagpasalamat pagkuwan. Bumalik ako sa emergency room nang makaalis na ang pulis. Sakto naman ang dating ko sa paglabas ni Renai sa nasabing kwarto. Kaagad akong lumapit sa kanya na ngayo'y hinuhubad ang suot na surgical mask. Kasunod niya ang mga nurse na kasalukuyang inililipat ang biktima sa two cranks hospital bed. Hawak ng isang nurse ang IV stand habang nakaalalay sa katawan ng pasyente. Pagkatapos ay dinala sa kung saan. “Kumusta na iyong pasyente?” nakasunod ang tingin ko sa pasyenteng lalaki na nakahiga sa hospital bed. Medyo nagulat si Renai nang makita ako ulit. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. “Bakit nandito ka pa rin? Madaling araw na, Sanya. Sigurado akong hinahanap ka na ng Tatay Dencio mo.” Sumandal siya sa pader at pagod ang itsurang nanunuway ang tingin sakin. Tinanguan niya ang isang doktor na dumaan sa pagitan namin. Saka ko lang naalala si Tatay at napasapo sa aking noo. Tiyak na hindi pa iyon natutulog kakahintay sakin. May usapan pa naman kaming sabay na kakain ng hapunan. Pero mamaya ko na aalalahanin iyon. Gusto ko'ng malaman ang lagay ng lalaking dinaluhan ko ng tulong. “Iyong pasyenteng ni-revive mo kanina, kumusta na siya? Saan siya dadalhin?” Balewala ko sa sinabi ni Renai. Tumaas ang kilay niyang makapal. “As you can see, nakaligtas siya. Dadalhin siya sa recovery room. But he's still under observation, we need to know kung may kailangan kaming operahan sa kanya. Why are you interested in him, by the way? Kilala mo ba ang pasyente 'yon?” Balik-tanong niya. Sa hindi malamang dahilan ay para akong nakahinga nang maluwag. Natutuwa akong marinig na nakaligtas ang lalaki mula sa karumal-dumal na sinapit. “Hindi ko siya kilala pero ako kasi ang nag-dala sa kanya rito. Nakita ko siyang duguan sa kalsada kaya nag-magandang loob ako para tulungan ang taong iyon.” Marahan kong paliwanag.  “Ginawa mo 'yon?” Tunog nagulat ang tinig niya.  Alumpihit akong tumango. Napahawak pa sa likurang bulsa ng pantalon. “Mukha ba'ng hindi gagawa ng mabuti ang tulad ko?” Kumibot ang dulo ng kanyang labi bago pomormang ngiti at saka lumapit sakin. Binigyan niya ako ng magaan na tapik sa balikat. “You make me proud, Sanya. Halika at ililibre kita ng paboritong mo'ng miryenda sa canteen.” Ginulo niya ang buhok kong maayos na nakapusod. Pagak akong natawa. Wala sa loob na naikawit ko ang kamay sa braso niya. Ramdam ko ang biglang paninigas ng katawan niya kaya ako na lang ang kusang dumistansya. Dapat itanim ko sa isipan na hindi na siya malaya tulad ng dati. “I'm sorry. Nakalimutan ko'ng hindi na nga pala pwede.” Tumikhim siya, umiwas ng tingin. “Kasama mo ba si, Fina?” “Nasa sasakyan siya.” “I-text mo, sabihan mo'ng puntahan tayo at sasalo siya satin,” aniya at nauna nang maglakad. TATLONG araw akong pabalik-balik rito sa ospital dahil wala pa rin malay iyong estranghero na tinulungan ko. Hindi na rin ako nakapasok sa klase ng parehong mga araw dahil laman ng isip ko ang duguang mukha nito. Senesermunan na nga ako ni Fina sapagkat dalawang quizzes ang pinagpaliban ko upang ma-tsek ang lalaking ito dito sa ospital. Kung tutuusin, wala na dapat akong responsibilidad sa kanya dahil nagawa ko naman ang obligasyon ko bilang isang mabuting citizen, pero may kung ano'ng enerhiyang humahatak sa akin upang dalhin dito at alamin kung ano ng kalagayan ng pasyente. Kakatwang isipin na hindi si Renai ang dahilan ng pagpunta ko rito kundi ibang tao na. At sa isang lalaki pa. Dumeretso ako sa nurse station upang magtanong kung saang kwarto naka-confine ang lalaking sinugod kagabi. Nakuha ko naman agad ang sagot sa nurse at tinungo iyon. Malayo pa lamang sa kwarto ay maririnig na ang ingay galing sa nagaganap na komosyon kaya naman ang mga simpleng hakbang ko ay naging takbo palapit roon. Gumalugad ang mata ko sa kwartong pinagmumulan ng ingay. Nagsisigawang nurse ang nabungaran ko. Nakabalagbag ang hospital bed malapit sa pintuan kaya ang siyam na nurse ay walang lakas ng loob tulungan ang pasyenteng nag-wawala. Hostage nito ang isang babaeng nurse habang hawak ang isang injection na naka-tutok sa leeg ng babae. Tumapon ang pansin ko sa mukha ng nagmamaoy na pasyente. Halos lumuwa ang mata ko nang makilala ito. Umawang naman ang bibig ko sa kabiglaan. Ito ang lalaking tinulungan ko at sadya ngayon. Tilian at iyakan ng ibang pasyente ang nangingibabaw sa senaryong iyon. Mas tinitigan ko pang lalo ang estranghero. Kahit pala ang braso nito'y nakabenda rin. Dahil na rin sa liwanag na tumatagos galing sa bintana ay mas nabigyan pansin ko ang detalye ng kanyang itsura. Para itong anghel na iniluwa ng langit dahil sa sobrang ilegal nitong kagwapuhan. Walang-wala ang mukha ni Renai kung ikukumpara sa anyo ng lalaking ito. Mula tuktok ng noo nito pababa sa labi ay parang nanghihipnotismo. Bakas man sa mukha nito ang mga gasgas at matinding galos na natamo, angat pa rin ang kagandahang lalaki nito. “Huwag ka'ng lalapit!” sigaw nito nang subukan ng lalaking nurse na lumapit sa estrangherong pasyente. Malikot ang mga mata ng estranghero habang nililibot ang atensyon sa paligid. “Kumalma po kayo, sir, pakiusap. Idaan po natin ito sa maayos na usapan.” Malumanay na pang-aalo ng nurse na sumubok lumapit rito. “Sabihin mo, bakit ako nandito? Bakit w-wala akong matandaan? S-sino ako? Sino ba ako?” Dumagundong ang mga katanungan na iyon sa kwarto. Gulong-gulo ang maamong mukha nito. Bahagya pa'ng nasapo ang may benda sa ulo na tila nananakit iyon. “Wala akong ma-alala!” Napasinghap ako nang mabatid ang mga sinabi niya. Wala siyang maalala? Hindi kaya ay nag-karoon ng damage ang bungo nito dahil sa sinapit naapektuhan ang utak niya? Nagawa pa niyang tanggalin ang swero sa kamay. Sumirit ang bahid ng dugo sa palapulsuhan nito ngunit hindi man lamang ito naapektuhan. Natumba ang stand ng dextrose. Sa tangkad niyang lampas ng amin na talampakan, nangangalay marahil ang leeg ng lahat sa pagtunghay sa kanya, kabilang na ako roon. Sumigaw ang bihag na nurse nang isama siya ng estranghero sa planong pag-labas ng kwarto. Natabig kaming lahat na nakatayo sa hamba ng pintuan dahil sinipa nito nang malakas ang nakaharang na hospital bed. Te-teka, saan siya pupunta? Saka pa lamang natauhan ang lahat ng nasa loob ng kwarto nang makalabas ng tuluyan ang estranghero kasama ang bihag na nurse. “Tumawag kayo ng guwardiya!” Naka-singhal na utos ko sa mga nurse. Animo'y nag-silbing cue ang boses ko sa kanila upang gumawa na ng aksyon. Nakadama ako ng inis sapagkat kapwa mga nakatanga lamang ang iba sa kanila. Kung kanina pa siguro nila ginawa ang tumawag ng reinforcement, hindi aabot sa ganito ang lahat. Sinundan ko ang direksyong tinahak ng estranghero. Batay sa patak ng dugo sa sahig ay patungo iyon sa rooftop. Nakita ko ang lalaki na nakapatong sa mataas na gutter at nakatanaw sa ibaba. Samantala, ay napansin ko naman sa di kalayuan ang bihag na nurse na umiiyak. Lumapit ako sa babae. “Ayos ka lang ba, nurse? Sinaktan ka ba niya?” tanong ko. Pasimple kong hinanap ang kahit anong bakas sa anyo nito ang pananakit. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang ayos lang ito. Sa kaalamang hindi lubos na marahas ang estrangero tulad ng kasalukuyang ikinikilos nito ay kumalma ang panig ko. “H-hindi niya ako sinaktan pero mukhang tatalon ata ang pasyente,” umigkas ang kamay ng nurse at itinuro ang direksyon ng lalaking estranghero. Nag-panic ang sistema ko sa sinabi ng nurse at mabilis na nilingon ang estranghero. Naka-dipa ang dalawang braso nito habang nakaangat naman ang mukha na tila sinasamyo ang malakas na ihip ng hangin. Aba't, akala niya ata ay nasa pelikula siya ng Titanic. Hindi siya si Jack at mas lalong walang tubig ang pagbabagsakan niya sa ibaba kundi matigas at malamig na kalsada. Magpapakamatay ba talaga ito? Sa pagka-taranta ko ay nagawa ko'ng hubarin ang sapatos ko at ibinato sa kanya. Sapul ang kanyang malapad na likuran. Ipinirmi niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid bago umikot ang katawan niya upang tingnan ako. Napalunok ako nang mag-krus ang mga paningin namin. Saglit akong kinapos sa hangin kahit sagana naman ang supply no'n. Kahit sino naman kasi ay kakapusin ng hininga kapag nasilayan ang sumusungaw nitong dib-dib mula sa suot niyang hospital gown, mabalbon iyon at mukhang sagana sa ehersisyo. Biglang gusto ko ata kumuha ng chane at isa-isahing bunutin ang mabuhok na parte sa katawan niya. Blangko naman ang mukha niya akong tinitigan. Nang makabawi ay nagawa ko siyang ituro ng aking hintuturo. “Hoy, Mister! Alam mo ba'ng sinasayang mo ang effort ko sa pagliligtas ng buhay mo? Hindi mo pa nga ako pinapasalamatan tapos tatalon ka diyan. Nasaan ang manners mo? Dapat nga pinapahalagahan mo ang pangalawang buhay na ibinigay sayo ni Lord. Hindi lahat pinagpapala tulad mo. Every gising is blessing, you know,” litanya ko, nakapamewang pa ang isang kamay ko na parang nanenermon lang sa kanto. Kulang na lang ay patpat at papasa na akong pakielamera na tsismosang kapitbahay. Gumuhit ang gitla sa noo niya at tinabingi ang ulo. “Ikaw ang nag-dala sa akin dito?” “Wala ng iba pa!” Mabilis kong tugon. “Kung gano'n, kilala mo ako?” mahinang tanong niya pero nagawa iyong maabot ng aking pandinig. Dahan-dahan siyang bumaba mula sa mataas na gutter at naglakad palapit sa akin. “Sino ako? Anong pangalan ko?” Parang hinalukay ube naman ang tuhod ko nang marating niya ang harapan ko. In all fairness, makapanginig laman ang isang ito sa malapitan. Pinkish lips kahit maputla ang kulay ng mukha. “M-malay ko. N-nakita lang naman kita sa daan at dinala rito.” Damay pati panginginig ng boses ko. Napaluhod ito na aking ikinabigla habang sapo ng dalawang kamay ang ulo, lukot ang mukha niya sa sakit. Umagos ang maninipis na hibla ng dugo galing marahil iyon sa bumukang sugat nito. Katatahi lamang niyon at hindi pa naghihilom. “Ang ulo ko, parang binibiyak!” daing niya. “Uy, mister, ayos ka lang ba?” May pag-aalala ko'ng tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya ngunit mabilis niya akong dinamba sa aking dalawang balikat. Napatigagal ako. Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya mas lalo ko'ng nasilayan ang umaagos na dugo sa mukha niya. “Gusto mo bang tumawag ako ng, doctor?” Presinta ko. “Ikaw . . .” sa halip ay sabi niya, gasgas ang boses. “Anong nangyari sakin? Ikaw ba ang dahilan kung bakit wala akong ma-alala?” Paratang niya. Ilang dangkal lamang ang layo niya sa mukha ko. Nalipasang amoy ng pawis at ospital ang kaagad na lumukob sa aking ilong. Kakaiba na hindi iyon mabaho sa pang-amoy ko. Napangiwi ako nang mas lalong dumiin ang hawak niya. “Aray nasasaktan ako,” sabi ko. “Sagutin mo 'ko, anong ginawa mo sakin?” Nang hindi ako sumagot ay sunod-sunod niyang inalog ang balikat ko. Pakiramdam ko ay bumabaon ang kuko niya sa suot kong damit. Nakaramdam na ako ng takot sa ginagawa niya. Marahil ay napansin niya ang takot sa mukha ko at bahagyang gumaan ang bigat sa kanyang kamay. “Pakiusap, hindi kita sasaktan. Sagutin mo lang kung sino ba talaga ako?” Nangangalit ang apoy sa mata niya sa kabila ng mahinanong pakiusap. Hindi ko maibuka ang bibig dahil sa kawalan ng isasagot. Alangan namang mag-imbento ako tungkol sa pagkatao niya. Anong sasabihin ko? Na siya si Cain ang nawawalang kapatid na Abel? Mabuti na lang ay dumating na ang mga responde at mabilis siyang nahawakan ng mga ito sa braso. Hindi niya nilubayan ang mukha ko sa madilim niyang pagtitig. Hindi naman siya nanlaban nang turukan siya ng nurse ng ineksyon. Bago siya napapikit ay sumungaw muna ang isang babalang ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD