William was standing in front of his Grandmother's coffin next to his grandfather who sang for his late wife. Kung may nagdadalamhati man ngayon na apo ay wala ng iba kundi ang binata dahil halos lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang grandparents at saksi siya sa kung paano magmahalan ang dalawang matanda. Nang humagolhol ang kaniyang lolo Razel habang hinahalikan ang salamin ng kabaong ay tumalikod ang binata. Dumating naman ang kaniyang mga magulang at sila ang nag-alo sa lolo niya. Umakyat siya sa itaas at agad niyang napansin ang kapatid niya at ex-wife na sa gilid ng koridor at malapit sa isa’t isa o baka nga naghahalikan ang dalawa. Sa inis ng binata ay mabilis siyang nakalapit sa mga ito nang walang ingay at malakas niyang hinablot si Mia mula sa kapatid. “The hell is your p