KABANATA 64

1128 Words

(Making me feel very special) MABILIS LANG NA NAG-USAP SI Garette at Andrea. Nagtanong lang ang huli kung saan pwede maligo kaya naman itinuro ng kanyang nobyo ang kabilang silid. Narinig pa niyang binalaan nito si Andrea na huwag na manggambala sa kanila dahil matutulog na silang dalawa. Nakangiting bumalik sa higaan si Garette sa kanya. Ikinulong siya sa mga bisig nito at ipinikit na rin ang mga mata. Mukhang inaantok na nga kaya ganoon din ang ginawa niya. Nagising siya ng bahagyang lumakas ang hangin na pumapasok sa silid. Hindi pala nila naisara ang bintana kaya naman pala lamig na lamig siya. Matapos niyang isara ay bumalik siya sa pagtulog ngunit napatigil siya nang may mahinang boses siyang narinig. Magiging akin ka, Garette. Akin ka lang. Mahina ngunit malinaw niyang narinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD