KABANATA 35

1099 Words

(Waking up in a different world) ISANG MABANGONG AMOY ang nagpagising kay Fortney. Tila kay sarap niyon na singhutin dahil sa bango. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata kasabay ng marahang pagbangon. “Ouch!” Sinapo niya ang ulo dahil sa naramdamang sakit. Oh, hang over. Naalala niyang nagpakalunod siya sa alak hanggang sa hindi na maalala pa kung ano ang ginawa ni Karen sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Halos lahat yata ng nakikita niya ay kahoy. So, dito siya dinala ng kanyang bestfriend. Malinis at kahit gawa sa kahoy ang kabuuan niyon ay napakaganda pa rin. Ang kinahihigaan niya ay isang malaking kama na gawa sa kahoy ng kawayan. Tumayo siya upang hanapin ang kaibigang si Karen. Iyon siguro ang abala sa pagluluto ng masarap na pagkain na naaamoy niya. Tama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD