KABANATA 48

1226 Words

(Thinking too deep) WALANG PAGSIDLAN ang kasiyahan sa puso ni Fortney. Halos hindi na niya namalayan ang paglipas ng araw dahil kapag kasama niya ang nobyong si Garette ay wala na siyang mahihiling pa. Mabilis din siyang natuto sa mga gawaing bahay at siyempre dahil iyon sa tulong ng binata. Hangga’t maaari sana ay ayaw ng kanyang nobyo na nagkikilos siya ngunit para sa kanya ay dapat magkatuwang sila sa anumang gawain lalo pa na silang dalawa lang ang nasa malaking bahay na iyon. Maagang bumangon si Garette. Hindi na niya pinigilan ito kahit pa tutol siyang maiwan na mag-isa sa higaan. Mayamaya pa ay bumangon na rin siya para malaman ang ginagawa ng nobyo. Ang isang bagay na nakakatuwa at tunay na nagbibigay saya sa kanya ay ang katotohanan na walang makakaistorbo sa araw-araw nilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD