(Confronting Andrea) TUMAYO SI GARETTE upang sundan si Fortney. Oo nga at si Andrea ang nagluto at halata naman na masarap ang pagkakaluto nito ay hindi niya ipagpapalit ang makasama ang nobya. Kung bakit kasi hindi na lang nanahimik sa Andrea sa kakakwento ng kung anu-ano, tuluyan tuloy nag-iba ang timpla ni Fortney. At naiintindihan niya naman ang naging reaksiyon nito. Kahit siya man ay makaharap ang isang lalaki na naging bahagi ng buhay ng nobya ay baka nasapak na niya iyon habang nagsasalita pa lang. “Saan ka pupunta, Garette? Hindi ka pa tapos kumain.” “Aakyat na rin ako sa taas. Mamaya na lang ako ulit kakain.” “Sayang naman ang niluto ko kung hindi mo makakain. Nag-effort pa naman ako para magustuhan mo,” anito sa maarteng pananalita. “Bakit mo ba ito ginagawa, Andrea?” Hina