Kabanata 3
"Are you staring at me!?"
Nagulat siya sa kanyang narinig at bigla siyang napaatras. At ang malas pa dahil na bigla siyang nadulas sa malaking bato.
"Ah!" impit na tili niya at mariing napapikit dahil alam niyang tuluyan na siyang babagsak sa tubig ngunit agad siyang natigilan dahil may nakahawak sa kanyang baywang. Nang magdilat siya ay agad na nagtama ang kanilang mga mata. Ang dalawang kamay naman niya ay nakalapat sa hubad nitong katawan. Wala sa sarili siyang napalunok. She hardly breathes. She can hear him, breathing too deeply. Those gray eyes were dazzling, sparking with desire.
Wala sa sarili siyang napaawang ng kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay parang nanuyo ang lalamunan niya.
"You're heavy," he says in a husky low tone. Doon lamang siya natauhan at agad na kumalas dito. Agad siyang napaatras at napayuko.
"Sorry! Hindi ko sinasadya! Pasensiya na po," paulit-ulit niyang wika at agad din naman siyang umalis. Ni hindi na nga niya ito nagawang lingonin.
Kaba sa dibdib niya ay halos ayaw mawala. Pakiramdam niya ay buong pagkatao niya ay binuhusan ng malamig na tubig.
Her tummy were filled of butterflies too. Sa pagkataranta niya ay bigla siyang pumara at agad din naman siyang sumakay sa traysikel.
"Neng, saan ba punta mo?" tanong niyong driver sa kanya. Ito ang nasakyan niya kanina.
"Po? Pauwi na po sana," sagot niya.
"Ha? Eh, nandoon lang sa inyo. Lumagpas na tayo."
Napanganga siya sa kanyang narinig at agad na natampal ang kanyang noo.
"Manong, pasensiya na ho. Wala po kasi ako sa sarili ko kanina. Puwede po bang ihatid niyo na lang ako pabalik sa bahay ni Lola Faustina?"
"Sige Neng," anito at agad din naman na kinabig ang manibela para bumalik sa kabilang direksyon.
"Manong, malapit lang ba ang baryo rito?" tanong niya.
"Malapit lang naman. Gusto mo bang doon na lang kita ihatid?"
"Sige po," agad naman na sagot niya.
Nang makarating siya sa baryo ay agad din naman siyang bumaba sa traysikel at nagbayad. Nag-ikot-ikot siya sa baryo at bumili ng mga kailangan niya, hanggang sa kusa nang sumuko ang mga paa niya dahil sa pagod.
Pagkatapos ay umuwi din naman siya at nagpababa na lang sa may kanto. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang bahay ng Lola Faustina niya.
"Oh, Hannah? Inabutan ka yata ng hapon?" salubong sa kanya ni Manang Rosalya.
"Oo nga po e. Medyo nalibang masiyado sa pag-iikot sa baryo."
"Sige na at magpahinga ka na Hannah."
Tumango lang siya at binuksan na ang pinto ng bahay. Pumasok na siya sa loob.
Inilapag niya sa maliit na mesa ang mga dala niya at saglit na umupo habang napapa-isip sa nangyari kanina. Hindi niya mawaksi sa utak niya ang lalaking nakatagpo niya.
She close her eyes. Imagining his bare arms wrap around her tiny waist. She can feel his breathing hoarsely. She hold her chests. It's beating too fast. Ngayon lang niya ito naramdaman sa isang lalaki. Feels like his warm touch was thawing her inner soul. Releasing her hunger of desire.
Napadilat siya. Tinampal niya ang magkabila niyang pisngi. Nababaliw na yata siya. She shake her head.
Nang makapagpahinga na siya ay iniligpit niya na ang mga dala niya at itinago sa maliit na kabinet. Kinuha niya ang isang supot na may lamang bigas at nagsimula nang magsaing sa kusina. Kinuha niya rin ang tatlong itlog na maalat na nabili niya. Isinalang din niya ito sa kabilang kaldero. Hindi na sana kailangan pa na initin ito pero gusto niya kasing mainit ito kapag kinakain. Ewan ba, nakagawian niya na at weird kung tutuusin pero iyon ang trip niya.
Habang binabantayan niya ang kanyang niluluto ay nakamasid naman siya sa bahay nila Manang Rosalya. Simple lang din ang pamumuhay nito. Nakita niyang may dalawang anak ito na abala sa gawaing bahay. Napangiti siya. Ganoon na ganoon ang ginagawa niya noong nabubuhay pa ang kanyang Lola Faustina. Madalas niya itong tulungan noon sa Rancho. Hindi niya na nga eksaktong matandaan pero aminado siyang gusto niyang balikan ang mga oras na iyon.
Agad naman niyang pinunasan ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Ayaw niya nang isipin pa iyon dahil paniguradong masasaktan lamang siya at baka tanging pag-iyak na lamang ang magawa niya buong gabi.
Bumuntong-hininga siya at muli ay inabala na lamang niya ang kanyang sarili sa nilulutong hapunan.
Nang masiguro niyang luto na ito ay nagsimula na siyang kumain.
"Hannah," tawag sa kanya ni Manang Rosalya.
"Po," sagot niya at napatigil sa pagbabalat ng itlog na maalat.
"Nakapaghapunan ka na ba? May ginisang gulay akong na-iluto. Naparami kaya ipinagtabi na rin kita," ani Manang Rosalya.
Inilapag nito sa mesa ang dalang baonan na may lamang ginisang gulay.
"Nako Manang Rosalya, 'di na sana po kayo nag-abala pa," nahihiya niyang sabi.
"Sus, sinabi ko na sa iyo Hannah, ayos lang talaga. Masaya lang talaga ako at nandito ka. Nasanay na din kasi ako noong nabubuhay pa ang Lola Faustina. Naghahatid din ako ng ulam sa kanya palagi kapag napapasobra ako sa pagluluto."
"Salamat po talaga dito ha. Ewan ko na lang po talaga kung anong mangyayari sa akin dito kung wala po kayo."
"Nako, maliit na bagay. Malaki din naman ang naitulong sa akin ng Lola mo."
Napangiti siya. Hindi na nakapagtataka iyon. Talagang likas na mabait at pala kaibigan ang kanyang Lola Faustina.
"Oh siya, mauna na ako at papatulugin ko pa ng maaga iyong mga anak ko."
"Sige po, salamat po ulit dito Manang Rosalya."
Nginitian lamang siya nito. Nang umalis ito'y ipinagpatuloy niya na ang kanyang pagkain ng hapunan.
Pagkatapos niyon ay agad din naman siyang nagligpit ng kanyang pinagkainan at nilinisan ang mga ito. Pagkatapos niyon ay agad din naman siyang pumasok na sa kuwarto at nagpalit ng damit.
Humiga rin naman siya sa kama at sinubukan na matulog ng maaga.
Nang pipikit na sana siya ay bigla namang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang hinagilap ang kanyang bag at kinuha ang kanyang cellphone. She look at the screen. It was her best friend Elissa and she was left in Hong Kong. Hindi naman kasi sila pareho ng company na pinasukan at siya lang ang nakauwi. Sinagot niya agad ang tawag nito.
"Mahal ang bayad ng international call. Hindi ka gipit ngayon?" aniya agad nang sagutin niya ang tawag ni Elissa.
"Ito naman, kung maka-react parang hindi siya importante oh! Saka na-miss kita kaya huwag mo na isipin iyon. Kumusta nga pala ang pag-uwi mo? Nagkita na kayo ng Lola Faustina?"
Huminga siya nang malalim at marahas na napabuga ng hangin.